< ג'ון 21 >
ויהי אחרי כן ויסף ישוע הגלות אל תלמידיו על ים טיבריה וכה נגלה אליהם׃ | 1 |
Pagkatapos ng mga ito, nagpakita muli si Jesus sa mga alagad sa Dagat ng Tiberias; sa ganito niya pinakita ang kaniyang sarili:
שמעון פטרוס ותומא הנקרא דידומוס ונתנאל מקנה אשר בארץ הגליל ובני זבדי ועוד שנים אחרים מתלמידיו ישבו יחדו׃ | 2 |
Si Simon Pedro kasama sila Tomas na tinatawag na Didimus, Nataniel na mula sa Cana ng Galilea, ang mga anak ni Zebedee, at iba pang dalawang alagad ni Jesus.
ויאמר אליהם שמעון פטרוס הנני הלך לדיג ויאמרו אליו גם אנחנו נלך עמך ויצאו וימהרו לרדת אל האניה ובלילה ההוא לא אחזו מאומה׃ | 3 |
Sinabi ni Simon Pedro sa kanila, “Ako ay mangingisda.” Sinabi nila sa kaniya, “Kami rin ay sasama sa iyo.” Umalis sila at sumakay sa isang bangka, ngunit sa buong gabing iyon ay wala silang nahuli.
הבקר אור וישוע עמד על שפת הים ולא ידעו התלמידים כי ישוע הוא׃ | 4 |
Nang magbubukang liwayway na, tumayo si Jesus sa dalampasigan, ngunit hindi nakikilala ng mga alagad na iyon ay si Jesus.
ויאמר אליהם ישוע בני היש לכם אכל מאומה ויענו אתו אין׃ | 5 |
At sinabi ni Jesus sa kanila, “Mga kabataan, mayroon ba kayong kahit anumang makakain? Sumagot sila sa kaniya, “Wala.”
ויאמר להם השליכו המכמרת מימין לאניה ותמצאו וישליכו ולא יכלו עוד למשך אתה מרב הדגים׃ | 6 |
Sinabi niya sa kanila, “Ihagis ninyo ang lambat sa kanang bahagi ng bangka at mayroon kayong mahuhuli.” Kaya inihagis nga nila ang kanilang lambat, ngunit hindi na nila ito mahatak dahil sa dami ng mga isda.
ויאמר התלמיד ההוא אשר ישוע אהבו אל פטרוס זה הוא האדון ויהי כשמע שמעון פטרוס כי הוא האדון ויחגר את מעילו כי עירום היה ויתנפל אל הים׃ | 7 |
Pagkatapos sinabi kay Pedro ng alagad na minamahal ni Jesus, “Ang Panginoon iyon.” Nang marinig ni Simon Pedro na siya ang Panginoon, sinuot niya ang kaniya damit panlabas ( dahil siya ay bahagyang nakahubad), at tumalon sa dagat.
והתלמידים הנשארים באו בספינה כי לא הרחיקו מן היבשה כי אם כמאתים אמה וימשכו את המכמרת עם הדגים׃ | 8 |
Ang ibang mga alagad ay sumakay sa bangka (dahil sila ay hindi naman malayo mula sa lupa, humigit kumulang, mga dalawang daang kubit), at kanilang hinihila ang lambat na puno ng isda.
ויהי כצאתם אל היבשה ויראו שם גחלי אש ערוכים ודגים עליהם ולחם לאכל׃ | 9 |
Nang makaahon sila sa lupa, may nakita sila nagbabagang uling at may isdang nakalagay sa ibabaw nito, at may tinapay.
ויאמר אליהם ישוע הביאו הלם מן הדגים אשר אחזתם עתה׃ | 10 |
Sinabi sa kanila ni Jesus, “Magdala kayo ng ilang mga isda na kahuhuli ninyo pa lamang.”
ויעל שמעון פטרוס וימשך את המכמרת אל היבשה והיא מלאה דגים גדולים מאה וחמשים ושלשה ולא נקרעה המכמרת אף כי רבים היו׃ | 11 |
Umakyat si Simon Pedro at hinatak ang lambat sa lupa, puno ng malalaking isda, 153 ang mga ito, kahit napakarami ng mga ito, ang lambat ay hindi napunit.
ויאמר אליהם ישוע באו ברו לחם ואין גם אחד בתלמידים אשר מלאו לבו לשאל אתו מי אתה כי ידעו אשר הוא האדון׃ | 12 |
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Halikayo at mag-almusal.” Wala sa mga alagad ang nagtangkang magtanong sa kaniya na, “Sino ka?” Alam nila na siya ang Panginoon.
ויבא ישוע ויקח את הלחם ויתן להם וגם את הדגים׃ | 13 |
Lumapit si Jesus, kinuha ang tinapay, at ibinigay ito sa kanila, ganoon din ang isda.
וזאת היא הפעם השלישית אשר נגלה ישוע אל תלמידיו אחרי קומו מעם המתים׃ | 14 |
Ito ang ikatlong beses na pinakita ni Jesus ang kaniyang sarili sa mga alagad pagkatapos niyang bumangon mula sa patay.
ויהי אחרי אכלם אמר ישוע אל שמעון פטרוס שמעון בן יונה התאהב אתי יותר מאלה ויאמר אליו כן אדני אתה ידעת כי אהבתיך ויאמר אליו רעה את טלאי׃ | 15 |
Pagkatapos nilang mag-agahan, sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, “Simon anak ni Juan, mas mahal mo ba ako kaysa sa mga ito?” Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Oo, Panginoon; alam mo na mahal kita.” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Pakainin mo ang aking mga tupang bata.”
ויאמר אליו עוד הפעם שמעון בן יונה התאהב אתי ויאמר אליו כן אדני אתה ידעת כי אהבתיך ויאמר אליו נהג את צאני׃ | 16 |
Sa pangalawang pagkakataon, sinabi niya muli sa kaniya, “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako? Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Oo, Panginoon, alam mo na mahal kita.” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Alagaan mo ang aking mga tupa”.
ויאמר אליו פעם שלישית שמעון בן יונה התאהב אתי ויתעצב פטרוס על כי אמר אליו בשלישית התאהב אתי ויאמר אליו אדני את כל אתה יודע וידעת כי אהבתיך ויאמר אליו ישוע רעה את צאני׃ | 17 |
Sinabi ni Jesus sa ikatlong pagkakataon, “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?” Nalungkot si Pedro dahil sinabi sa kanya ni Jesus ng ikatlong beses, “Mahal mo ba ako?” Sinabi niya sa kaniya, “Panginoon, alam mo ang lahat ng mga bagay; alam mo na mahal kita.” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Pakainin mo ang aking tupa”.
אמן אמן אני אמר לך בהיותך צעיר לימים אתה חגרת את עצמך ותלך אל אשר חפצת והיה כאשר תזקן ופרשת כפיך ואחר יחגרך ונשאך אל אשר לא תחפץ׃ | 18 |
Tunay nga sinabi ko sa iyo, noong bata ka pa, dinadamitan mo ang iyong sarili at lumalakad ka kahit saan mo gusto; subalit pagtumanda ka na, iuunat mo ang iyong mga kamay, at ibang tao ang magdadamit sa iyo at dadalhin ka sa lugar na ayaw mong puntahan.”
וכל זאת דבר לרמז על המיתה אשר יכבד בה את האלהים ויהי ככלותו לדבר ויאמר אליו לך אחרי׃ | 19 |
Ngayon sinabi ito ni Jesus upang ipakita kung anong uri ng kamatayan na maluluwalhati ni Pedro ang Diyos. Pagkatapos niyang sabihin ito, sinabi niya kay Pedro, “Sumunod ka sa akin.”
ויפן פטרוס וירא את התלמיד אשר ישוע אהבו הלך אחריהם הוא הנפל על לבו בעת הסעודה וגם שאל אדני מי הוא זה אשר ימסרך׃ | 20 |
Lumingon si Pedro at nakita ang alagad na minamahal ni Jesus na sumusunod sa kanila - na siya ring sumandal sa dibdib ni Jesus sa hapunan at nagsabi, “Panginoon, sino ang magkakanulo sa iyo?
ויהי בראות אתו פטרוס ויאמר אל ישוע אדני וזה מה הוא׃ | 21 |
Nakita siya ni Pedro at sinabi kay Jesus, “Panginoon, ano ang gagawin ng lalaking ito?”
ויאמר אליו ישוע אם חפצי כי ישאר עד באי מה לך ולזאת אתה לך אחרי׃ | 22 |
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Kung nais kong maghintay siya hangang sa aking pagbalik, ano iyon sa iyo? Sumunod ka sa akin.”
על כן יצא הדבר הזה בין האחים כי התלמיד ההוא לא ימות וישוע לא אמר לו כי לא ימות אך אמר אם חפצי כי ישאר עד באי מה זה לך׃ | 23 |
Kaya itong pahayag na ito ay kumalat sa mga kapatiran, na yung alagad na iyon ay hindi mamamatay. Ngunit hindi sinabi ni Jesus kay Pedro na ang alagad na ito ay hindi mamamatay, ngunit, “Kung nais ko na dapat siyang maghintay hanggang sa aking pagbalik, ano iyon sa iyo?”
זה הוא התלמיד המעיד על אלה ואשר כתב כל זאת וידענו כי עדותו נאמנה׃ | 24 |
Ito ang alagad na nagpapatotoo tungkol sa mga bagay na ito, at siya ang sumulat ng mga bagay na ito, at alam namin na ang kaniyang patotoo ay totoo.
ויש עוד מעשים רבים אחרים אשר עשה ישוע ואם יכתבו כלם לאחד אחד אחשבה כי גם העולם כלו לא יכיל את הספרים אשר יכתבו אמן׃ | 25 |
Marami pa ring ibang mga bagay ang ginawa ni Jesus. Kung ang bawat isa ay naisulat, sa palagay ko kahit ang mundo mismo ay hindi mapagkakasya ang mga aklat na maisusulat.