< איוב 28 >

כי יש לכסף מוצא ומקום לזהב יזקו׃ 1
Tiyak na mayroong isang mina ng pilak, isang lugar kung saan dinadalisay nila ang ginto.
ברזל מעפר יקח ואבן יצוק נחושה׃ 2
Hinuhukay ang bakal mula sa lupa; tinutunaw ang tanso mula sa bato.
קץ שם לחשך ולכל תכלית הוא חוקר אבן אפל וצלמות׃ 3
Nagtatakda ang tao ng wakas sa kadiliman at hinahanap sa pinakamalayong hangganan, ang mga bato sa karimlan at makapal na kadiliman.
פרץ נחל מעם גר הנשכחים מני רגל דלו מאנוש נעו׃ 4
Gumagawa siya ng isang hukay pangminahan malayo sa kung saan naninirahan ang mga tao, mga lugar na nalimutan ng kaninumang paa. Naglalambitin siya malayo sa ibang mga tao; pabalik-balik na umiindayog.
ארץ ממנה יצא לחם ותחתיה נהפך כמו אש׃ 5
Tungkol sa lupa, mula kung saan nanggagaling ang tinapay, tinutupok ito sa ilalim na parang ng apoy.
מקום ספיר אבניה ועפרת זהב לו׃ 6
Ang mga bato nito ay ang lugar kung saan matatagpuan ang mga safiro, at ang alabok nito ay naglalaman ng ginto.
נתיב לא ידעו עיט ולא שזפתו עין איה׃ 7
Walang ibong mahuhuli ang nakakaalam ng landas patungo rito, ni nakita ito ng mata ng palkon.
לא הדריכהו בני שחץ לא עדה עליו שחל׃ 8
Hindi pa nalalakaran ang ganitong landas ng mga mapagmalaking hayop, ni dumaan na doon ang mabangis na leon.
בחלמיש שלח ידו הפך משרש הרים׃ 9
Ipinapatong ng isang tao ang kaniyang kamay sa matigas na bato; itinataob niya ang mga bundok sa kanilang mga ugat.
בצורות יארים בקע וכל יקר ראתה עינו׃ 10
Bumubutas siya ng mga lagusan sa mga bato; nakikita ng kaniyang mata ang bawat mahahalagang bagay doon.
מבכי נהרות חבש ותעלמה יצא אור׃ 11
Ginagapos niya ang mga batis para hindi sila umaagos; anumang nakatago roon kaniyang dinadala sa liwanag.
והחכמה מאין תמצא ואי זה מקום בינה׃ 12
Saan kaya matatagpuan ang karunungan? Saan kaya ang lugar ng pang-unawa?
לא ידע אנוש ערכה ולא תמצא בארץ החיים׃ 13
Hindi alam ng tao ang halaga nito; ni hindi ito natatagpuan sa lupain ng mga buhay.
תהום אמר לא בי היא וים אמר אין עמדי׃ 14
Sinasabi ng malalim na mga tubig sa ilalim ng lupa, “Wala ito sa akin'; Sinasabi ng karagatan, “Wala ito sa akin.'
לא יתן סגור תחתיה ולא ישקל כסף מחירה׃ 15
Hindi ito matatamo kapalit ng ginto; ni hindi matitimbang ang pilak bilang presyo nito.
לא תסלה בכתם אופיר בשהם יקר וספיר׃ 16
Hindi ito matutumbasan ng ginto ng Ofir, ng mahalagang oniks o safiro.
לא יערכנה זהב וזכוכית ותמורתה כלי פז׃ 17
Ang halaga nito ay hindi matutumbasan ng ginto at kristal; ni hindi ito maipagpapalit sa mga alahas ng mainam na ginto.
ראמות וגביש לא יזכר ומשך חכמה מפנינים׃ 18
Hindi karapat-dapat banggitin ang koral o haspe; tunay nga, ang presyo ng karunungan ay higit kaysa sa mga rubi.
לא יערכנה פטדת כוש בכתם טהור לא תסלה׃ 19
Hindi ito matutumbasan ng topaz ng Etiopia; ni hindi ito mapapahalagahan sa purong ginto.
והחכמה מאין תבוא ואי זה מקום בינה׃ 20
Kung gayon, saan nga nagmumula ang karunungan? Saan ang lugar ng pang-unawa?
ונעלמה מעיני כל חי ומעוף השמים נסתרה׃ 21
Natatago ang karunungan mula sa mga mata ng lahat ng mga buhay na bagay at pinanatiling nakatago mula sa mga ibon ng mga kalangitan.
אבדון ומות אמרו באזנינו שמענו שמעה׃ 22
Sinasabi ng Pagkawasak at Kamatayan, 'Isa lamang sabi-sabi tungkol dito ang narinig ng aming mga tainga.'
אלהים הבין דרכה והוא ידע את מקומה׃ 23
Nauunawaan ng Diyos ang landas patungo rito; Alam niya ang lugar nito.
כי הוא לקצות הארץ יביט תחת כל השמים יראה׃ 24
Dahil tumitingin siya hanggang sa mga pinakadulo ng daigdig at nakikita lahat ng nasa ilalim ng mga kalangitan.
לעשות לרוח משקל ומים תכן במדה׃ 25
Sa nakaraan, ginawa niya ang pwersa ng hangin at binaha-bahagi ang mga tubig ayon sa sukat.
בעשתו למטר חק ודרך לחזיז קלות׃ 26
Gumawa siya ng isang kautusan para sa ulan at isang landas para sa kidlat ng kulog.
אז ראה ויספרה הכינה וגם חקרה׃ 27
Pagkatapos nakita niya ang karunungan at ipinahayag ito; tunay nga, itinatag niya ito at sinuri niya ito.
ויאמר לאדם הן יראת אדני היא חכמה וסור מרע בינה׃ 28
Sa mga tao sinabi niya, 'Tingnan ninyo, ang takot sa Panginoon — iyan ang karunungan; ang lumayo sa kasamaan ay pang-unawa.”

< איוב 28 >