< איוב 18 >
Nang magkagayo'y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi,
עד אנה תשימון קנצי למלין תבינו ואחר נדבר׃ | 2 |
Hanggang kailan manghuhuli kayo ng mga salita? Inyong bulayin, at pagkatapos ay magsasalita kami.
מדוע נחשבנו כבהמה נטמינו בעיניכם׃ | 3 |
Bakit kami nangabibilang na parang mga hayop, at naging marumi sa iyong paningin?
טרף נפשו באפו הלמענך תעזב ארץ ויעתק צור ממקמו׃ | 4 |
Ikaw na nagpapakabagbag sa iyong galit, pababayaan ba ang lupa dahil sa iyo? O babaguhin ba ang bato mula sa kinaroroonan?
גם אור רשעים ידעך ולא יגה שביב אשו׃ | 5 |
Oo, ang ilaw ng masama ay papatayin, at ang liyab ng kaniyang apoy ay hindi liliwanag.
אור חשך באהלו ונרו עליו ידעך׃ | 6 |
Ang ilaw ay magdidilim sa kaniyang tolda, at ang kaniyang ilawan sa itaas niya ay papatayin.
יצרו צעדי אונו ותשליכהו עצתו׃ | 7 |
Ang mga hakbang ng kaniyang kalakasan ay mapipigil, at ang kaniyang sariling payo ang magbabagsak sa kaniya.
כי שלח ברשת ברגליו ועל שבכה יתהלך׃ | 8 |
Sapagka't siya'y inihagis sa lambat ng kaniyang sariling mga paa, at siya'y lumalakad sa mga silo.
יאחז בעקב פח יחזק עליו צמים׃ | 9 |
Isang panghuli ang huhuli sa kaniya sa mga sakong. At isang silo ay huhuli sa kaniya.
טמון בארץ חבלו ומלכדתו עלי נתיב׃ | 10 |
Ang panali ay nakakubli ukol sa kaniya sa lupa, at isang patibong na ukol sa kaniya ay nasa daan.
סביב בעתהו בלהות והפיצהו לרגליו׃ | 11 |
Mga kakilabutan ay tatakot sa kaniya sa lahat ng dako, at hahabol sa kaniya sa kaniyang mga sakong.
יהי רעב אנו ואיד נכון לצלעו׃ | 12 |
Ang kaniyang kalakasan ay manglalata sa gutom, at ang kapahamakan ay mahahanda sa kaniyang tagiliran.
יאכל בדי עורו יאכל בדיו בכור מות׃ | 13 |
Susupukin ang mga sangkap ng kaniyang katawan, Oo, lalamunin ng panganay ng kamatayan ang kaniyang mga sangkap.
ינתק מאהלו מבטחו ותצעדהו למלך בלהות׃ | 14 |
Siya'y ilalabas sa kaniyang tolda na kaniyang tinitiwalaan; at siya'y dadalhin sa hari ng mga kakilabutan.
תשכון באהלו מבלי לו יזרה על נוהו גפרית׃ | 15 |
Tatahan sa kaniyang tolda yaong di niya kaanoano: azufre ay makakalat sa kaniyang tahanan.
מתחת שרשיו יבשו וממעל ימל קצירו׃ | 16 |
Ang kaniyang mga ugat ay mangatutuyo sa ilalim, at sa ibabaw ay puputulin ang kaniyang sanga.
זכרו אבד מני ארץ ולא שם לו על פני חוץ׃ | 17 |
Ang alaala sa kaniya ay mawawala sa lupa, at siya'y mawawalan ng pangalan sa lansangan.
יהדפהו מאור אל חשך ומתבל ינדהו׃ | 18 |
Siya'y ihahatid sa kadiliman mula sa liwanag, at itatapon sa labas ng sanglibutan.
לא נין לו ולא נכד בעמו ואין שריד במגוריו׃ | 19 |
Siya'y hindi magkakaroon kahit anak, ni anak man ng anak sa gitna ng kaniyang bayan, ni anomang nalabi sa kaniyang pinakipamayanan.
על יומו נשמו אחרנים וקדמנים אחזו שער׃ | 20 |
Silang nagsisidating pagkatapos ay mangatitigilan sa kaniyang kaarawan, gaya ng nangauna na nangatakot.
אך אלה משכנות עול וזה מקום לא ידע אל׃ | 21 |
Tunay na ganyan ang mga tahanan ng mga liko, at ito ang kalalagyan niya na hindi nakakakilala sa Dios.