< בראשית 37 >

וישב יעקב בארץ מגורי אביו בארץ כנען׃ 1
Nanirahan si Jacob sa lupain kung saan naroon ang kanyang ama, sa lupain ng Canaan.
אלה תלדות יעקב יוסף בן שבע עשרה שנה היה רעה את אחיו בצאן והוא נער את בני בלהה ואת בני זלפה נשי אביו ויבא יוסף את דבתם רעה אל אביהם׃ 2
Ito ang mga pangyayari tungkol kay Jacob. Nang labimpitong taong gulang pa lang si Jose, nagbabantay siya ng kawan kasama ang kanyang mga kapatid. Kasama niya ang mga anak na lalaki ni Bilhah at mga anak na lalaki ni Zilpah, mga asawa nang kanyang ama. Nagdala si Jose ng hindi kanais-nais na balita tungkol sa kanila sa kanilang ama.
וישראל אהב את יוסף מכל בניו כי בן זקנים הוא לו ועשה לו כתנת פסים׃ 3
Minahal ni Israel si Jose nang mas higit sa lahat ng kanyang anak na lalaki dahil siya ang anak niya sa katandaan. Ginawan siya nang isang magandang damit.
ויראו אחיו כי אתו אהב אביהם מכל אחיו וישנאו אתו ולא יכלו דברו לשלם׃ 4
Nakita ng kanyang mga kapatid ang pagmamahal ng kanilang ama na mas higit kaysa sa lahat niyang kapatid na lalaki. Siya ay kinamuhian nila at hindi nakikipag-usap nang maayos.
ויחלם יוסף חלום ויגד לאחיו ויוספו עוד שנא אתו׃ 5
Nanaginip si Jose ng isang panaginip, at sinabi niya sa kanyang mga kapatid ang tungkol dito. Lalo pa nila siyang kinamuhia.
ויאמר אליהם שמעו נא החלום הזה אשר חלמתי׃ 6
Sinabi niya sa kanila, “Pakiusap makinig kayo sa panaginip na aking napanaginipan.
והנה אנחנו מאלמים אלמים בתוך השדה והנה קמה אלמתי וגם נצבה והנה תסבינה אלמתיכם ותשתחוין לאלמתי׃ 7
Masdan ninyo, itinatali natin ang mga bigkis ng mga butil sa bukid at masdan ninyo, tumayo ang aking bigkis at tumuwid, at masdan ninyo, pumalibot ang inyong mga bigkis at yumuko sa aking bigkis.
ויאמרו לו אחיו המלך תמלך עלינו אם משול תמשל בנו ויוספו עוד שנא אתו על חלמתיו ועל דבריו׃ 8
Sinabi sa kanya ng kanyang mga kapatid, “Magiging hari ka ba talaga namin? Mamumuno ka sa amin? “Lalo siyang kinamuhian dahil sa kanyang mga panaginip at sa kanyang mga salita.
ויחלם עוד חלום אחר ויספר אתו לאחיו ויאמר הנה חלמתי חלום עוד והנה השמש והירח ואחד עשר כוכבים משתחוים לי׃ 9
Nanaginip siya ulit ng panaginip at sinabi niya ito sa kanyang mga kapatid. Sinabi niya, “Tingnan ninyo, nanaginip ako ng ibang panaginip: Ang araw at ang buwan at labing-isang bituin ay yumuko pababa sa akin.”
ויספר אל אביו ואל אחיו ויגער בו אביו ויאמר לו מה החלום הזה אשר חלמת הבוא נבוא אני ואמך ואחיך להשתחות לך ארצה׃ 10
Sinabi niya ito sa kanyang ama pati sa kanyang mga kapatid, at pinagsabihan siya ng kanyang ama. Sinabi niya sa kanya, “Ano itong panaginip na napaginipan mo? Talaga bang lalapit ang iyong ina, ako at ang mga kapatid mo para yumuko sa iyo sa lupa?”
ויקנאו בו אחיו ואביו שמר את הדבר׃ 11
Nainggit sa kanya ang kanyang mga kapatid, pero ang kanyang ama ay itinago ang bagay sa kanyang isip.
וילכו אחיו לרעות את צאן אביהם בשכם׃ 12
Umalis ang mga kapatid ni Jose upang magpastol ng kawan ng kanilang ama sa Sechem.
ויאמר ישראל אל יוסף הלוא אחיך רעים בשכם לכה ואשלחך אליהם ויאמר לו הנני׃ 13
Sinabi ni Jacob kay Jose, “Hindi ba nagpapastol ng kawan ang iyong mga kapatid sa Sechem? Halika, at ipapadala kita sa kanila.” Sinabi ni Jose sa kanya, “Nakahanda ako.”
ויאמר לו לך נא ראה את שלום אחיך ואת שלום הצאן והשבני דבר וישלחהו מעמק חברון ויבא שכמה׃ 14
Sinabi niya sa kanya, “Umalis ka na ngayon, tingnan mo kung maayos ang mga kapatid mo at maayos ang mga kawan, at balitaan mo ako.” Kaya pinadala siya ni Jacob sa lambak ng Hebron, at nagpunta si Jose sa Sichem.
וימצאהו איש והנה תעה בשדה וישאלהו האיש לאמר מה תבקש׃ 15
May isang taong nakakita kay Jose. Masdan mo, si Jose ay pagala-gala sa isang bukid. Tinanong siya ng isang lalaki, “Ano ang hinahanap mo?”
ויאמר את אחי אנכי מבקש הגידה נא לי איפה הם רעים׃ 16
Sinabi ni Jose, “Hinahanap ko ang aking mga kapatid. Pakiusap, sabihin mo sa akin kung saan nila nagpapastol ang kawan.”
ויאמר האיש נסעו מזה כי שמעתי אמרים נלכה דתינה וילך יוסף אחר אחיו וימצאם בדתן׃ 17
Sinabi ng lalaki, “Umalis na sila sa lugar na ito, narinig ko silang nagsabi na, “Pumunta tayo sa Dotan. Pinuntahan ni Jose ang kanyang mga kapatid at natagpuan sila sa Dotan.
ויראו אתו מרחק ובטרם יקרב אליהם ויתנכלו אתו להמיתו׃ 18
Nakita nila si Jose mula sa di kalayuan, at bago siya makalapit sa kanila, nakapagplano na sila laban sa kanya para patayin siya.
ויאמרו איש אל אחיו הנה בעל החלמות הלזה בא׃ 19
Sinabi ng kanyang mga kapatid sa bawat isa, “Tingnan niyo, Papalapit na ang taong mapanaginipin.
ועתה לכו ונהרגהו ונשלכהו באחד הברות ואמרנו חיה רעה אכלתהו ונראה מה יהיו חלמתיו׃ 20
Halikayo, kung ganon, patayin na natin siya at ihulog siya sa isa sa mga balon. Sabihin natin, 'Sinakmal siya ng isang mabangis na hayop.' Tingnan natin kung anong mangyayari sa kanyang mga panaginip.”
וישמע ראובן ויצלהו מידם ויאמר לא נכנו נפש׃ 21
Narinig ito ni Reuben at iniligtas siya mula sa kanilang kamay. Sinabi niya, “Huwag nating kunin ang kanyang buhay.”
ויאמר אלהם ראובן אל תשפכו דם השליכו אתו אל הבור הזה אשר במדבר ויד אל תשלחו בו למען הציל אתו מידם להשיבו אל אביו׃ 22
Sinabi ni Reuben sa kanila, “Huwag magpadanak ng dugo. Itapon siya sa balong ito sa deserto, ngunit huwag ninyo siyang hawakan”— upang mailigtas niya siya sa kanilang kamay para maibalik siya sa kanyang ama.
ויהי כאשר בא יוסף אל אחיו ויפשיטו את יוסף את כתנתו את כתנת הפסים אשר עליו׃ 23
Nangyari na nang dumating si Jose sa kanyang mga kapatid, hinubad sa kaniya ang magandang damit.
ויקחהו וישלכו אתו הברה והבור רק אין בו מים׃ 24
Dinala siya at itinapon siya sa loob ng balon. Walang laman ang balon ni wala itong tubig.
וישבו לאכל לחם וישאו עיניהם ויראו והנה ארחת ישמעאלים באה מגלעד וגמליהם נשאים נכאת וצרי ולט הולכים להוריד מצרימה׃ 25
Umupo sila para kumain ng tinapay. Tumingala sila at tumingin, at masdan, may paparating na isang karawan ng mga Ismaelita mula sa Gilead, kasama ang kanilang mga kamelyo na may dala-dalang mga sahog at balsamo at mira. Naglalakbay sila ay para dalhin ang mga iyon pababa sa Ehipto.
ויאמר יהודה אל אחיו מה בצע כי נהרג את אחינו וכסינו את דמו׃ 26
Sabi ni Juda sa kanyang mga kapatid, “Anong pakinabang nito kung papatayin ang ating kapatid at pagtakpan ang kanyang dugo?
לכו ונמכרנו לישמעאלים וידנו אל תהי בו כי אחינו בשרנו הוא וישמעו אחיו׃ 27
Halina kayo, at ipagbili natin siya sa mga Ismaelita, at huwag natin siyang pagbuhatan ng kamay. Dahil siya ay ating kapatid, ating laman. Pinakinggan siya ng kanyang mga kapatid.
ויעברו אנשים מדינים סחרים וימשכו ויעלו את יוסף מן הבור וימכרו את יוסף לישמעאלים בעשרים כסף ויביאו את יוסף מצרימה׃ 28
Dumaan ang mga mangangalakal na Midianita. Inihaon si Jose ng kanyang mga kapatid at iniakyat pataas mula sa balon. Ipinagbili nila si Jose sa mga Ismaelita para sa dalawampung pirasong pilak. Dinala si Jose ng mga Ismaelita sa Ehipto.
וישב ראובן אל הבור והנה אין יוסף בבור ויקרע את בגדיו׃ 29
Bumalik si Reuben sa balon, at masdan, wala na si Jose sa loob ng balon. Pinunit niya ang kanyang damit.
וישב אל אחיו ויאמר הילד איננו ואני אנה אני בא׃ 30
Bumalik siya sa kanyang mga kapatid at sinabi, “Nasaan na ang bata? At ako, saan ako paparoon?”
ויקחו את כתנת יוסף וישחטו שעיר עזים ויטבלו את הכתנת בדם׃ 31
Kumatay sila ang isang kambing at pagkatapos kinuha nila ang damit ni Jose at sinawsaw ito sa dugo.
וישלחו את כתנת הפסים ויביאו אל אביהם ויאמרו זאת מצאנו הכר נא הכתנת בנך הוא אם לא׃ 32
Pagkatapos, dinala nila ito sa kanilang ama at sinabi, “Nakita namin ito. Pakiusap tingnan mo kung ito ang damit ng inyong anak o hindi?”
ויכירה ויאמר כתנת בני חיה רעה אכלתהו טרף טרף יוסף׃ 33
Nakilala ito ni Jacob at sinabi, “Ito ay damit ng aking anak. Sinakmal siya ng isang mabangis na hayop. Tiyak na nagkawasak-wasak ang katawan ni Jose.”
ויקרע יעקב שמלתיו וישם שק במתניו ויתאבל על בנו ימים רבים׃ 34
Pinunit ni Jacob ang kanyang mga damit at naglagay siya ng sako sa kanyang balakang. Nagluksa siya para sa kanyang anak ng maraming araw.
ויקמו כל בניו וכל בנתיו לנחמו וימאן להתנחם ויאמר כי ארד אל בני אבל שאלה ויבך אתו אביו׃ (Sheol h7585) 35
Ang lahat ng kanyang mga anak na lalaki at babae ay pumunta para aliwin siya ngunit tumanggi siyang magpaaliw. Sabi niya, “Talagang bababa ako sa sheol na nagluluksa para sa aking anak.” Nanangis ang kanyang ama para kanya. (Sheol h7585)
והמדנים מכרו אתו אל מצרים לפוטיפר סריס פרעה שר הטבחים׃ 36
Ipinagbili siya ng mga Midianita sa Ehipto kay Potipar, isang opisyal ni Paraon, na kapitan ng bantay.

< בראשית 37 >