< יחזקאל 43 >
ויולכני אל השער שער אשר פנה דרך הקדים׃ | 1 |
Pagkatapos, dinala ako ng lalaki sa tarangkahan na nakabukas sa silangan.
והנה כבוד אלהי ישראל בא מדרך הקדים וקולו כקול מים רבים והארץ האירה מכבדו׃ | 2 |
Masdan mo! Dumating mula sa silangan ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel. Ang kaniyang tinig ay tulad ng tunog ng maraming tubig at nagniningning ang lupa dahil sa kaniyang kaluwalhatian!
וכמראה המראה אשר ראיתי כמראה אשר ראיתי בבאי לשחת את העיר ומראות כמראה אשר ראיתי אל נהר כבר ואפל אל פני׃ | 3 |
At katulad ito ng pangitaing nakita ko nang dumating siya upang wasakin ang lungsod at katulad ng pangitain na nakita ko sa ilog Kebar at nagpatirapa ako!
וכבוד יהוה בא אל הבית דרך שער אשר פניו דרך הקדים׃ | 4 |
Kaya dumating ang kaluwalhatian ni Yahweh sa tahanan sa pamamagitan ng tarangkahan na nakabukas sa silangan.
ותשאני רוח ותביאני אל החצר הפנימי והנה מלא כבוד יהוה הבית׃ | 5 |
Pagkatapos, itinayo ako ng Espiritu at dinala ako sa panloob na patyo. Masdan mo! Pinupuno ng kaluwalhatian ni Yahweh ang tahanan!
ואשמע מדבר אלי מהבית ואיש היה עמד אצלי׃ | 6 |
Nakatayo sa aking tabi ang lalaki at narinig ko na may isa pang kumakausap sa akin na mula sa bahay.
ויאמר אלי בן אדם את מקום כסאי ואת מקום כפות רגלי אשר אשכן שם בתוך בני ישראל לעולם ולא יטמאו עוד בית ישראל שם קדשי המה ומלכיהם בזנותם ובפגרי מלכיהם במותם׃ | 7 |
Sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, ito ang lugar ng aking trono at ang lugar na tuntungan ng aking mga paa, kung saan ako maninirahan magpakailanman sa kalagitnaan ng mga tao ng Israel. Hindi na lalapastanganin ng sambahayan ng Israel ang aking banal na pangalan, sila o ang kanilang mga hari dahil sa kanilang kawalan ng pananampalataya o sa 'mga bangkay' ng kanilang mga hari sa kanilang mga dambana.
בתתם ספם את ספי ומזוזתם אצל מזוזתי והקיר ביני וביניהם וטמאו את שם קדשי בתועבותם אשר עשו ואכל אתם באפי׃ | 8 |
Hindi na nila lalapastanganin ang aking banal na pangalan sa pamamagitan ng paglalagay ng mga pintuan ng kanilang dambana sa tabi ng aking pintuan at ang mga haligi ng tarangkahan ng kanilang mga dambana sa tabi ng mga haligi ng aking sariling tarangkahan na walang namamagitan sa amin kundi pader. Nilapastangan nila ang banal kong pangalan sa pamamagitan ng kanilang mga kasuklam-suklam na gawain, kaya nilipol ko sila ng aking galit.
עתה ירחקו את זנותם ופגרי מלכיהם ממני ושכנתי בתוכם לעולם׃ | 9 |
Ngayon, hayaan silang alisin ang kanilang kawalan ng pananampalataya, ang 'mga bangkay' ng kanilang mga hari sa aking harapan at maninirahan ako sa kanilang kalagitnaan magpakailanman!
אתה בן אדם הגד את בית ישראל את הבית ויכלמו מעונותיהם ומדדו את תכנית׃ | 10 |
Anak ng tao, ikaw mismo ang dapat magsabi sa sambahayan ng Israel tungkol sa tahanang ito upang mahiya sila dahil sa kanilang mga kasalanan. Dapat nilang isipin ang tungkol sa paglalarawang ito.
ואם נכלמו מכל אשר עשו צורת הבית ותכונתו ומוצאיו ומובאיו וכל צורתו ואת כל חקתיו וכל צורתו וכל תורתו הודע אותם וכתב לעיניהם וישמרו את כל צורתו ואת כל חקתיו ועשו אותם׃ | 11 |
Sapagkat kung mahihiya sila dahil sa lahat ng kanilang ginawa, ihayag mo sa kanila ang disenyo ng tahanan, ang mga detalye nito, ang mga labasan nito, ang mga pasukan nito, ang lahat ng detalye nito at ang lahat ng atas at patakaran nito. Pagkatapos, isulat mo ito sa harapan ng kanilang mga mata upang maigatan nila ang lahat ng disenyo at lahat ng patakaran nito upang masunod nila ang mga ito.
זאת תורת הבית על ראש ההר כל גבלו סביב סביב קדש קדשים הנה זאת תורת הבית׃ | 12 |
Ito ang alituntunin para sa tahanan. Mula sa tuktok ng burol patungo sa lahat ng nakapalibot na hangganan dito ay magiging kabanal-banalan. Tingnan mo! Ito ang alituntunin para sa tahanan.
ואלה מדות המזבח באמות אמה אמה וטפח וחיק האמה ואמה רחב וגבולה אל שפתה סביב זרת האחד וזה גב המזבח׃ | 13 |
Ito ang magiging sukat ng altar sa mahabang siko, ang bawat mahabang siko sa pangkaraniwan ay isang siko at isang kamay ang haba. Kaya ang kanal sa palibot ng altar ay isang siko ang lalim at isang siko din ang lapad. At ang gilid sa palibot ng dulo nito ay isang dangkal. Ito ang magiging tuntungan ng altar.
ומחיק הארץ עד העזרה התחתונה שתים אמות ורחב אמה אחת ומהעזרה הקטנה עד העזרה הגדולה ארבע אמות ורחב האמה׃ | 14 |
Mula sa kanal sa lupa pataas sa mas mababang pasimano ng altar ay dalawang siko at ang pasimano mismo ay dalawang siko ang lawak. At mula sa maliit na pasimano hanggang sa malaking pasimano ng altar, ito ay apat na siko at ang malaking pasimano ay isang siko ang lawak.
וההראל ארבע אמות ומהאראיל ולמעלה הקרנות ארבע׃ | 15 |
Ang sunugan sa altar ng mga sinusunog na alay ay apat na siko ang taas at mayroong apat na sungay na nakaturo sa itaas sa sunugan.
והאראיל שתים עשרה ארך בשתים עשרה רחב רבוע אל ארבעת רבעיו׃ | 16 |
Labindalawang siko ang haba ng sunugan at labindalawang siko ang lawak, isang parisukat.
והעזרה ארבע עשרה ארך בארבע עשרה רחב אל ארבעת רבעיה והגבול סביב אותה חצי האמה והחיק לה אמה סביב ומעלתהו פנות קדים׃ | 17 |
Labing apat na siko ang haba ng hangganan nito at labing apat na siko ang lawak ng bawat isa sa apat nitong bahagi at ang gilid nito ay kalahating siko ang lawak. Ang kanal ay isang siko ang lawak sa buong palibot na may mga baitang na nakaharap sa silangan.”
ויאמר אלי בן אדם כה אמר אדני יהוה אלה חקות המזבח ביום העשותו להעלות עליו עולה ולזרק עליו דם׃ | 18 |
Pagkatapos, sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, sinasabi ito ng Panginoong Yahweh. Ito ang mga alituntunin para sa altar sa araw na gawin nila ito, para sa paghahandog ng mga alay na susunugin dito at para sa pagwiwisik ng dugo dito.
ונתתה אל הכהנים הלוים אשר הם מזרע צדוק הקרבים אלי נאם אדני יהוה לשרתני פר בן בקר לחטאת׃ | 19 |
Ikaw ay magbibigay ng toro mula sa mga baka bilang alay para sa kasalanan sa mga paring Levita na mga kaapu-apuhan ni Zadok, ang mga lumalapit sa akin upang paglingkuran ako. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
ולקחת מדמו ונתתה על ארבע קרנתיו ואל ארבע פנות העזרה ואל הגבול סביב וחטאת אותו וכפרתהו׃ | 20 |
Pagkatapos, ikaw ay kukuha ng kaunting dugo nito at ilalagay ito sa apat na sungay ng altar, sa apat na sulok ng dulo nito at sa gilid sa palibot nito. Lilinisin mo ito at gagawing kabayaran para sa kasalanan.
ולקחת את הפר החטאת ושרפו במפקד הבית מחוץ למקדש׃ | 21 |
Pagkatapos, kunin mo ang toro para sa alay para sa kasalanan at sunugin mo ito sa inilaang bahagi ng templo sa labas ng santuwaryo.
וביום השני תקריב שעיר עזים תמים לחטאת וחטאו את המזבח כאשר חטאו בפר׃ | 22 |
At sa ikalawang araw, ikaw ay mag-aalay ng lalaking kambing na walang kapintasan mula sa mga kambing bilang handog para sa kasalanan. Lilinisin ng mga pari ang altar gaya ng paglilinis nila sa pamamagitan ng toro.
בכלותך מחטא תקריב פר בן בקר תמים ואיל מן הצאן תמים׃ | 23 |
Kapag natapos mo ang paglilinis dito, mag-alay ka ng walang kapintasang toro mula sa mga baka at walang kapintasang lalaking tupa mula sa kawan.
והקרבתם לפני יהוה והשליכו הכהנים עליהם מלח והעלו אותם עלה ליהוה׃ | 24 |
Ialay mo ang mga ito kay Yahweh, sasabuyan ng mga pari ang mga ito ng asin at itataas nila ang mga ito kay Yahweh bilang alay na susunugin.
שבעת ימים תעשה שעיר חטאת ליום ופר בן בקר ואיל מן הצאן תמימים יעשו׃ | 25 |
Ikaw ay dapat maghanda ng lalaking tupa bilang alay para sa kasalanan araw-araw sa loob ng pitong araw at dapat ding maghanda ang mga pari ng walang kapintasang toro mula sa mga baka at walang kapintasang lalaking tupa mula sa kawan.
שבעת ימים יכפרו את המזבח וטהרו אתו ומלאו ידו׃ | 26 |
Dapat silang mag-alay para sa altar sa loob ng pitong araw at dalisayin ito at sa ganitong paraan dapat nila itong gawing banal.
ויכלו את הימים והיה ביום השמיני והלאה יעשו הכהנים על המזבח את עולותיכם ואת שלמיכם ורצאתי אתכם נאם אדני יהוה׃ | 27 |
Dapat nilang buuin ang mga araw na ito, sa ikawalong araw at sa susunod pang araw ay mangyayaring ihahanda ng mga pari ang inyong mga alay na susunugin at ang inyong mga alay para sa kapayapaan sa altar at tatanggapin ko kayo. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.”