< דברי הימים ב 8 >
ויהי מקץ עשרים שנה אשר בנה שלמה את בית יהוה ואת ביתו׃ | 1 |
Nangyari na sa pagtatapos ng ika-dalawampung taon ng pagpapatayo ni Solomon ng tahanan ni Yahweh at ng kaniyang sariling tahanan,
והערים אשר נתן חורם לשלמה בנה שלמה אתם ויושב שם את בני ישראל׃ | 2 |
ipinatayo muli ni Solomon ang mga bayan na ibinigay sa kaniya ni Hiram at pinatira niya ang mga Israelita doon.
וילך שלמה חמת צובה ויחזק עליה׃ | 3 |
Nilusob at tinalo ni Solomon ang Hamat-Zoba.
ויבן את תדמר במדבר ואת כל ערי המסכנות אשר בנה בחמת׃ | 4 |
Ipinatayo niya ang Tadmor sa ilang at ipinatayo niya ang lahat ng mga lungsod-imbakan sa Hamat.
ויבן את בית חורון העליון ואת בית חורון התחתון ערי מצור חומות דלתים ובריח׃ | 5 |
Ipinatayo din niya ang Bet-horong Itaas at Bet-horong Ibaba, mga lungsod na napapalibutan ng mga pader at mayroon ding mga tarangkahan at pangharang.
ואת בעלת ואת כל ערי המסכנות אשר היו לשלמה ואת כל ערי הרכב ואת ערי הפרשים ואת כל חשק שלמה אשר חשק לבנות בירושלם ובלבנון ובכל ארץ ממשלתו׃ | 6 |
Ipinatayo niya ang Baalat at ang lahat ng mga lungsod-imbakan na pag-aari niya at ang lahat ng mga lungsod para sa kaniyang mga karwahe, mga mangangabayo at anumang naisin niyang ipatayo para sa kaniyang kasiyahan sa Jerusalem, sa Lebanon at sa lahat ng mga lupaing kaniyang pinamumunuan.
כל העם הנותר מן החתי והאמרי והפרזי והחוי והיבוסי אשר לא מישראל המה׃ | 7 |
Tungkol naman sa lahat ng taong naiwan na Heteo, Amoreo, Perezeo, Hivita at Jebuseo na hindi kabilang sa Israel,
מן בניהם אשר נותרו אחריהם בארץ אשר לא כלום בני ישראל ויעלם שלמה למס עד היום הזה׃ | 8 |
ang kanilang mga kaapu-apuhan na naiwan sa lupain na hindi nilipol ng mga Israelita—Sila ay ginawa ni Solomon na mga sapilitang manggagawa hanggang sa panahong ito.
ומן בני ישראל אשר לא נתן שלמה לעבדים למלאכתו כי המה אנשי מלחמה ושרי שלישיו ושרי רכבו ופרשיו׃ | 9 |
Gayunpaman, hindi isinama ni Solomon ang mga Israelita sa mga sapilitang manggagawa. Sa halip, sila ay naging kaniyang mga kawal, mga pinuno ng kaniyang mga hukbo, mga tagapangasiwa at pinuno ng kaniyang mga mangangarwahe at kaniyang mga mangangabayo.
ואלה שרי הנציבים אשר למלך שלמה חמשים ומאתים הרדים בעם׃ | 10 |
Sila rin ang mga punong tagapangasiwa sa mga namamahala na kabilang kay Haring Solomon, 250 sa kanila ang namamahala sa mga manggagawa.
ואת בת פרעה העלה שלמה מעיר דויד לבית אשר בנה לה כי אמר לא תשב אשה לי בבית דויד מלך ישראל כי קדש המה אשר באה אליהם ארון יהוה׃ | 11 |
Dinala ni Solomon ang anak ng Faraon sa labas ng lungsod ni David, sa tahanan na ipinatayo niya para rito, sapagkat sinabi niya, “Hindi maaaring tumira ang aking asawa sa tahanan ni David na hari ng Israel, sapagkat banal ang lugar kung saan naroroon ang kaban ni Yahweh.”
אז העלה שלמה עלות ליהוה על מזבח יהוה אשר בנה לפני האולם׃ | 12 |
Pagkatapos nito, naghandog si Solomon ng mga alay na susunugin kay Yahweh sa ipinagawa niyang altar sa harap ng portiko.
ובדבר יום ביום להעלות כמצות משה לשבתות ולחדשים ולמועדות שלוש פעמים בשנה בחג המצות ובחג השבעות ובחג הסכות׃ | 13 |
Naghandog siya ng mga alay ayon sa kailangan sa bawat araw, inihandog niya ang mga ito na sinusunod ang mga alituntuning nakasaad sa kautusan ni Moises, sa mga Araw ng Pamamahinga, sa bawat paglabas ng bagong buwan, sa mga itinakdang kapistahan, tatlong beses sa bawat taon: ang pagdiriwang ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, Pista ng mga Linggo at ang Pista ng mga Tolda.
ויעמד כמשפט דויד אביו את מחלקות הכהנים על עבדתם והלוים על משמרותם להלל ולשרת נגד הכהנים לדבר יום ביומו והשוערים במחלקותם לשער ושער כי כן מצות דויד איש האלהים׃ | 14 |
Bilang pagsunod sa mga utos ng kaniyang amang si David, itinalaga ni Solomon ang mga pangkat ng pari sa kanilang gawain at ang mga Levita sa kanilang mga posisyon upang purihin ang Diyos at upang maglingkod sa mga pari ayon sa kailangan sa bawat araw. Itinalaga din niya sa bawat tarangkahan ang mga tagapagbantay ng mga tarangkahan ayon sa kanilang pangkat, sapagkat iniutos din ito ni David na lingkod ng Diyos.
ולא סרו מצות המלך על הכהנים והלוים לכל דבר ולאצרות׃ | 15 |
Hindi lumabag ang mga taong ito sa mga utos ng hari sa mga pari at sa mga Levita tungkol sa anumang bagay o tungkol sa mga silid-imbakan.
ותכן כל מלאכת שלמה עד היום מוסד בית יהוה ועד כלתו שלם בית יהוה׃ | 16 |
Ngayon, natapos ang lahat ng mga gawain ni Solomon, simula sa araw ng pagtatayo ng pundasyon ng tahanan ni Yahweh hanggang sa matapos ito. Sa ganitong paraang natapos at nagamit ang tahanan ni Yahweh.
אז הלך שלמה לעציון גבר ואל אילות על שפת הים בארץ אדום׃ | 17 |
Pagkatapos, pumunta si Solomon sa Ezion-geber at Elot sa baybaying dagat sa lupain ng Edom.
וישלח לו חורם ביד עבדיו אוניות ועבדים יודעי ים ויבאו עם עבדי שלמה אופירה ויקחו משם ארבע מאות וחמשים ככר זהב ויביאו אל המלך שלמה׃ | 18 |
Pinadalhan siya ni Hiram ng mga barko na pinangangasiwaan ng mga opisyal na may kaalaman tungkol sa karagatan. Pumunta sila sa Ofir kasama ang mga lingkod ni Solomon. Mula doon, nag-uwi sila ng 450 talentong ginto para kay Haring Solomon.