< שמואל א 6 >
ויהי ארון יהוה בשדה פלשתים שבעה חדשים׃ | 1 |
Ngayon nasa bansa ng mga Filisteo ang kaban ni Yahweh sa loob ng pitong buwan.
ויקראו פלשתים לכהנים ולקסמים לאמר מה נעשה לארון יהוה הודענו במה נשלחנו למקומו׃ | 2 |
Pagkatapos pinatawag ng mga tao ng Filisteo ang mga pari at ang mga manghuhula; sinabi nila sa kanila, “Ano ang dapat nating gawin sa kaban ni Yahweh? Sabihin mo sa amin kung paano namin dapat ipadala ito pabalik sa sariling bansa nito.”
ויאמרו אם משלחים את ארון אלהי ישראל אל תשלחו אתו ריקם כי השב תשיבו לו אשם אז תרפאו ונודע לכם למה לא תסור ידו מכם׃ | 3 |
Sinabi ng mga pari at mga manghuhula, “Kung ibabalik ninyo ang kaban ng Diyos ng Israel, huwag itong ibalik na walang regalo; sa ano mang paraan padalhan siya ng isang handog pambayad para sa kasalanan. Pagkatapos gagaling kayo, at malalaman ninyo kung bakit hindi inalis ang kanyang kamay sa inyo hanggang ngayon.”
ויאמרו מה האשם אשר נשיב לו ויאמרו מספר סרני פלשתים חמשה עפלי זהב וחמשה עכברי זהב כי מגפה אחת לכלם ולסרניכם׃ | 4 |
Pagkatapos sinabi nila, “Ano ang dapat na handog pambayad para sa kasalanan na ibabalik namin sa kanya?” Sumagot sila, “Limang ginintuang bukol at limang ginintuang daga, lima bilang pareho sa bilang ng mga namumuno ng mga Filisteo. Para sa parehong salot na nagpahirap sa inyo at sa inyong mga namumuno.
ועשיתם צלמי עפליכם וצלמי עכבריכם המשחיתם את הארץ ונתתם לאלהי ישראל כבוד אולי יקל את ידו מעליכם ומעל אלהיכם ומעל ארצכם׃ | 5 |
Kaya dapat gumawa kayo ng inyong mga hugis ng mga bukol, at mga hugis ng inyong daga na puminsala sa lupain, at bigyan ng kaluwalhatian ang Diyos ng Israel. Marahil aalisin niya ang kanyang kamay mula sa inyo, mula sa inyong mga diyos, at mula sa inyong lupain.
ולמה תכבדו את לבבכם כאשר כבדו מצרים ופרעה את לבם הלוא כאשר התעלל בהם וישלחום וילכו׃ | 6 |
Bakit ninyo papatigasin ang inyong mga puso, gaya ng mga taga-Ehipto at ni Paraon na pinatigas ang kanilang mga puso? Iyon ay nang matindi silang pinahirapan ng Diyos; hindi ba pinaalis ng mga taga-Ehipto ang mga tao, at umalis sila?
ועתה קחו ועשו עגלה חדשה אחת ושתי פרות עלות אשר לא עלה עליהם על ואסרתם את הפרות בעגלה והשיבתם בניהם מאחריהם הביתה׃ | 7 |
Pagkatapos ngayon, maghanda kayo ng isang bagong kariton na may dalawang nagpapasusong baka, na hindi pa nasingkawan. Itali ang mga baka sa kariton, ngunit dalhin ang kanilang guya pauwi, malayo mula sa kanila.
ולקחתם את ארון יהוה ונתתם אתו אל העגלה ואת כלי הזהב אשר השבתם לו אשם תשימו בארגז מצדו ושלחתם אתו והלך׃ | 8 |
Pagkatapos dalhin ang kaban ni Yahweh at ilagay ito sa kariton. Ilagay ang mga ginintuang anyo na ibabalik sa kanya bilang isang handog para sa kasalanan sa isang kahon sa isang gilid nito. Pagkatapos pakawalan ito at hayaang umalis.
וראיתם אם דרך גבולו יעלה בית שמש הוא עשה לנו את הרעה הגדולה הזאת ואם לא וידענו כי לא ידו נגעה בנו מקרה הוא היה לנו׃ | 9 |
Pagkatapos masdan ninyo; kung pupunta ito sa daan patungo sa sarili nitong lupain sa Beth-semes, kung gayon si Yahweh ang nagpatupad nitong malaking sakuna. Ngunit kung hindi, saka natin malalaman na hindi ang kanyang kamay ang nagpahirap sa atin; sa halip, malalaman nating nagkataon lang na nangyari ito sa atin.”
ויעשו האנשים כן ויקחו שתי פרות עלות ויאסרום בעגלה ואת בניהם כלו בבית׃ | 10 |
Ginawa ito ng mga kalalakihan gaya ng sinabi sa kanila; kumuha sila ng dalawang nagpapasusong baka, tinali nila sa kariton, at ikinulong ang kanilang mga guya sa tahanan.
וישמו את ארון יהוה אל העגלה ואת הארגז ואת עכברי הזהב ואת צלמי טחריהם׃ | 11 |
Inilagay nila ang kaban ni Yahweh sa kariton, kasama ng isang kahon na naglalaman ng mga ginintuang daga at ang kanilang hinulmang mga bukol.
וישרנה הפרות בדרך על דרך בית שמש במסלה אחת הלכו הלך וגעו ולא סרו ימין ושמאול וסרני פלשתים הלכים אחריהם עד גבול בית שמש׃ | 12 |
Tumuloy ang mga baka sa dako ng Beth-semes. Pumunta sila sa tabi ng isang malapad na daan, umuungal sila habang lumalakad, at hindi sila lumihis patabi maging sa kanan o sa kaliwa. Sinundan sila ng mga namumuno ng Felisteo sa hangganan ng Beth-semes.
ובית שמש קצרים קציר חטים בעמק וישאו את עיניהם ויראו את הארון וישמחו לראות׃ | 13 |
Ngayon nag-aaniang mga tao ng Beth-semes sa kanilang trigo sa lambak. Nang tumingin sila sa itaas at nakita ang kaban, nagalak sila.
והעגלה באה אל שדה יהושע בית השמשי ותעמד שם ושם אבן גדולה ויבקעו את עצי העגלה ואת הפרות העלו עלה ליהוה׃ | 14 |
Dumating ang kariton sa bukirin ni Josue mula sa Beth-semes at huminto roon. Naroon ang isang malaking bato, at biniyak nila ang kahoy mula sa kariton, at hinandog ang mga baka bilang isang handog na susunugin kay Yahweh.
והלוים הורידו את ארון יהוה ואת הארגז אשר אתו אשר בו כלי זהב וישמו אל האבן הגדולה ואנשי בית שמש העלו עלות ויזבחו זבחים ביום ההוא ליהוה׃ | 15 |
Ibinaba ng mga Levita ang kaban ni Yahweh at kahon na kasama nito, kung saan naroon ang mga ginintuang anyo, at inilagay ang mga ito sa malaking bato. Inihandog ng mga kalalakihan ng Beth-semes ang handog na susunugin at gumawa ng mga alay sa parehong araw kay Yahweh.
וחמשה סרני פלשתים ראו וישבו עקרון ביום ההוא׃ | 16 |
Nang nakita ito ng limang namumuno sa mga Filisteo, bumalik sila sa araw na iyon sa Ekron.
ואלה טחרי הזהב אשר השיבו פלשתים אשם ליהוה לאשדוד אחד לעזה אחד לאשקלון אחד לגת אחד לעקרון אחד׃ | 17 |
Ito ang mga ginintuang bukol na ibinalik ng mga Filisteo para sa isang handog pambayad para sa kasalanan kay Yahweh: isa para sa Asdod, isa para sa Gaza, isa para sa Ashkelon, isa para sa Gat at isa para sa Ekron.
ועכברי הזהב מספר כל ערי פלשתים לחמשת הסרנים מעיר מבצר ועד כפר הפרזי ועד אבל הגדולה אשר הניחו עליה את ארון יהוה עד היום הזה בשדה יהושע בית השמשי׃ | 18 |
Parehong bilang ang limang ginintuang daga sa bilang ng lahat ng lungsod ng Filisteo pag-aari ng limang namumuno, kapwa matibay na mga lungsod at mga panlalawigang nayon. Ang malaking bato, na nasa tabi nito inilagay nila ang kaban ni Yahweh, ay nanatiling isang saksi hanggang sa araw na ito sa bukirin ni Josue na Beth-semita.
ויך באנשי בית שמש כי ראו בארון יהוה ויך בעם שבעים איש חמשים אלף איש ויתאבלו העם כי הכה יהוה בעם מכה גדולה׃ | 19 |
Sinalakay ni Yahweh ang ilang kalalakihan ng Beth-semes dahil tumingin sila sa kanyang kaban. Pinatay niya ang pitumpung kalalakihan. Nagluksa ang mga tao, dahil binigyan ni Yahweh ang mga tao ng isang malaking dagok.
ויאמרו אנשי בית שמש מי יוכל לעמד לפני יהוה האלהים הקדוש הזה ואל מי יעלה מעלינו׃ | 20 |
Sinabi ng mga kalalakihan ng Beth-semes, “Sino ang makakatayo sa harapan ni Yahweh, ang banal na Diyos na ito? At kanino siya aakyat mula sa atin?”
וישלחו מלאכים אל יושבי קרית יערים לאמר השבו פלשתים את ארון יהוה רדו העלו אתו אליכם׃ | 21 |
Nagpadala sila ng mga mensahero na naninirahan sa Kiriath Jearim, sinasabing, “Ibinalik ng mga Filisteo ang kaban ni Yahweh; bumaba at dalhin ninyo ito pabalik.”