< תְהִלִּים 15 >

מִזְמ֗וֹר לְדָ֫וִ֥ד יְ֭הֹוָה מִי־יָג֣וּר בְּאָהֳלֶ֑ךָ מִֽי־יִ֝שְׁכֹּ֗ן בְּהַ֣ר קָדְשֶֽׁךָ׃ 1
Sinong puwedeng manatili sa iyong tabernakulo, Oh Yahweh? Sinong maaaring manirahan sa iyong banal na burol?
הוֹלֵ֣ךְ תָּ֭מִים וּפֹעֵ֥ל צֶ֑דֶק וְדֹבֵ֥ר אֱ֝מֶ֗ת בִּלְבָבֽוֹ׃ 2
Siya ay lumalakad sa katuwiran at gumagawa ng tama and nagsasabi ng katotohanan mula sa kaniyang puso.
לֹֽא־רָגַ֨ל ׀ עַל־לְשֹׁנ֗וֹ לֹא־עָשָׂ֣ה לְרֵעֵ֣הוּ רָעָ֑ה וְ֝חֶרְפָּ֗ה לֹא־נָשָׂ֥א עַל־קְרֹֽבוֹ׃ 3
Hindi siya naninirang-puri gamit ang kaniyang dila, o nananakit ng iba, o nang-iinsulto ng kaniyang kapwa.
נִבְזֶ֤ה ׀ בְּֽעֵ֘ינָ֤יו נִמְאָ֗ס וְאֶת־יִרְאֵ֣י יְהוָ֣ה יְכַבֵּ֑ד נִשְׁבַּ֥ע לְ֝הָרַ֗ע וְלֹ֣א יָמִֽר׃ 4
Ang taong walang halaga ay kasuklam-suklam sa kaniyang paningin, pero pinararangalan niya ang lahat ng may takot kay Yahweh. Sumusumpa siya sa kaniyang sariling kakulangan at hindi tumatalikod sa kaniyang mga pangako.
כַּסְפּ֤וֹ ׀ לֹא־נָתַ֣ן בְּנֶשֶׁךְ֮ וְשֹׁ֥חַד עַל־נָקִ֗י לֹ֥א לָ֫קָ֥ח עֹֽשֵׂה־אֵ֑לֶּה לֹ֖א יִמּ֣וֹט לְעוֹלָֽם׃ 5
Hindi siya naniningil ng tubo sa tuwing siya ay nagpapautang. Hindi rin siya tumatanggap ng suhol para tumestigo laban sa walang-sala. Sinumang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi kailanman mayayanig.

< תְהִלִּים 15 >