< אֵיכָה 4 >
אֵיכָה֙ יוּעַ֣ם זָהָ֔ב יִשְׁנֶ֖א הַכֶּ֣תֶם הַטּ֑וֹב תִּשְׁתַּפֵּ֙כְנָה֙ אַבְנֵי־קֹ֔דֶשׁ בְּרֹ֖אשׁ כָּל־חוּצֽוֹת ׃ ס | 1 |
Ganap na nawalan ng kinang ang ginto; nagbago ang pinakadalisay na ginto. Naibuhos ang mga banal na bato sa dulo ng bawat lansangan.
בְּנֵ֤י צִיּוֹן֙ הַיְקָרִ֔ים הַמְסֻלָּאִ֖ים בַּפָּ֑ז אֵיכָ֤ה נֶחְשְׁבוּ֙ לְנִבְלֵי־חֶ֔רֶשׂ מַעֲשֵׂ֖ה יְדֵ֥י יוֹצֵֽר׃ ס | 2 |
Mahalaga ang mga anak na lalaki ng Zion, higit na mahalaga kaysa sa dalisay na ginto. Ngunit ngayon itinuturing silang walang halaga kundi gaya ng mga tapayan na gawa sa pamamagitan ng mga kamay ng magpapalayok.
גַּם־תנין חָ֣לְצוּ שַׁ֔ד הֵינִ֖יקוּ גּוּרֵיהֶ֑ן בַּת־עַמִּ֣י לְאַכְזָ֔ר כי ענים בַּמִּדְבָּֽר׃ ס | 3 |
Maging ang mga asong gubat ay nagpakita ng suso upang pasusuhin ang kanilang mga anak, ngunit ang anak na babae ng aking mga tao ay gaya ng mabagsik na ostrits sa ilang.
דָּבַ֨ק לְשׁ֥וֹן יוֹנֵ֛ק אֶל־חכּ֖וֹ בַּצָּמָ֑א עֽוֹלָלִים֙ שָׁ֣אֲלוּ לֶ֔חֶם פֹּרֵ֖שׂ אֵ֥ין לָהֶֽם׃ ס | 4 |
Nakadikit sa ngalangala ng kaniyang bibig ang dila ng sumususong sanggol dahil sa uhaw; humihingi ng tinapay ang mga bata, ngunit wala ng para sa kanila
הָאֹֽכְלִים֙ לְמַ֣עֲדַנִּ֔ים נָשַׁ֖מּוּ בַּחוּצ֑וֹת הָאֱמֻנִים֙ עֲלֵ֣י תוֹלָ֔ע חִבְּק֖וּ אַשְׁפַּתּֽוֹת׃ ס | 5 |
Napabayaan ngayon ang mga taong kumakain dati ng mamahaling pagkain, na nagugutom sa mga lansangan; silang mga nagsuot ng matingkad na pulang kasuotan ay nasa ibabaw na ngayon ng tambak ng basura.
וַיִּגְדַּל֙ עֲוֺ֣ן בַּת־עַמִּ֔י מֵֽחַטַּ֖את סְדֹ֑ם הַֽהֲפוּכָ֣ה כְמוֹ־רָ֔גַע וְלֹא־חָ֥לוּ בָ֖הּ יָדָֽיִם׃ ס | 6 |
Ang mabigat na pagkakasala ng anak na babae ng aking mga tao ay higit na malaki kaysa sa kasalanan ng Sodoma, na itinapon sa isang iglap, bagaman walang mga kamay na sumunggab sa kaniya.
זַכּ֤וּ נְזִירֶ֙יהָ֙ מִשֶּׁ֔לֶג צַח֖וּ מֵחָלָ֑ב אָ֤דְמוּ עֶ֙צֶם֙ מִפְּנִינִ֔ים סַפִּ֖יר גִּזְרָתָֽם׃ ס | 7 |
Makinang tulad ng niyebe at maputi gaya ng gatas ang kaniyang mga pinuno. Ang kanilang katawan ay mas mapula kaysa sa koral; tulad ng safiro ang kanilang anyo.
חָשַׁ֤ךְ מִשְּׁחוֹר֙ תָּֽאֳרָ֔ם לֹ֥א נִכְּר֖וּ בַּחוּצ֑וֹת צָפַ֤ד עוֹרָם֙ עַל־עַצְמָ֔ם יָבֵ֖שׁ הָיָ֥ה כָעֵֽץ׃ ס | 8 |
Pinaitim ng kadiliman ang kanilang itsura ngayon, hindi sila makilala sa mga lansangan, sapagkat kumapit ang kanilang balat sa kanilang tuyong mga buto. Naging gaya ito ng tuyong kahoy!
טוֹבִ֤ים הָיוּ֙ חַלְלֵי־חֶ֔רֶב מֵֽחַלְלֵ֖י רָעָ֑ב שֶׁ֣הֵ֤ם יָז֙וּבוּ֙ מְדֻקָּרִ֔ים מִתְּנוּבֹ֖ת שָׂדָֽי׃ ס | 9 |
Mas mabuti ang mga napatay sa gutom kaysa sa mga namatay sa pamamagitan ng espada; mas mabuti sila kaysa sa mga nanghihina, tinuhog sa gutom sa kakulangan ng anumang mga ani mula sa mga bukirin.
יְדֵ֗י נָשִׁים֙ רַחֲמָ֣נִיּ֔וֹת בִּשְּׁל֖וּ יַלְדֵיהֶ֑ן הָי֤וּ לְבָרוֹת֙ לָ֔מוֹ בְּשֶׁ֖בֶר בַּת־עַמִּֽי׃ ס | 10 |
Pinakuluan ng mga kamay ng mga mahabaging kababaihan ang kanilang sariling mga anak; ang mga batang ito ang naging pagkain nila sa panahon ng pagkawasak ng anak na babae ng aking mga tao.
כִּלָּ֤ה יְהוָה֙ אֶת־חֲמָת֔וֹ שָׁפַ֖ךְ חֲר֣וֹן אַפּ֑וֹ וַיַּצֶּת־אֵ֣שׁ בְּצִיּ֔וֹן וַתֹּ֖אכַל יְסוֹדֹתֶֽיהָ׃ ס | 11 |
Nasisiyahan si Yahweh sa kaniyang pagkapoot. Ibinuhos niya ang kaniyang nag-aapoy na galit; nagpaningas siya ng apoy sa Zion, at nilamon nito ang kaniyang mga pundasyon.
לֹ֤א הֶאֱמִ֙ינוּ֙ מַלְכֵי־אֶ֔רֶץ וכל יֹשְׁבֵ֣י תֵבֵ֑ל כִּ֤י יָבֹא֙ צַ֣ר וְאוֹיֵ֔ב בְּשַׁעֲרֵ֖י יְרוּשָׁלִָֽם׃ ס | 12 |
Maging ang mga hari sa lupa o sinumang naninirahan sa mundo ay hindi maniniwalang makakapasok sa mga tarangkahan ng Jerusalem ang kalaban at kaaway.
מֵֽחַטֹּ֣את נְבִיאֶ֔יהָ עֲוֺנ֖וֹת כֹּהֲנֶ֑יהָ הַשֹּׁפְכִ֥ים בְּקִרְבָּ֖הּ דַּ֥ם צַדִּיקִֽים׃ ס | 13 |
Ngunit nagawa nila, dahil sa mga kasalanan ng kaniyang mga propeta, at sa mga mabibigat na pagkakasala ng kaniyang mga pari na nagdanak ng dugo ng matuwid sa kaniyang kalagitnaan.
נָע֤וּ עִוְרִים֙ בַּֽחוּצ֔וֹת נְגֹֽאֲל֖וּ בַּדָּ֑ם בְּלֹ֣א יֽוּכְל֔וּ יִגְּע֖וּ בִּלְבֻשֵׁיהֶֽם׃ ס | 14 |
Gumagala ngayon ang mga propeta at mga paring iyon sa mga lansangan tulad ng mga bulag na lalaki. Nadungisan sila ng dugong iyon kaya walang sinuman ang maaaring makahawak sa kanilang mga damit.
ס֣וּרוּ טָמֵ֞א קָ֣רְאוּ לָ֗מוֹ ס֤וּרוּ ס֙וּרוּ֙ אַל־תִּגָּ֔עוּ כִּ֥י נָצ֖וּ גַּם־נָ֑עוּ אָֽמְרוּ֙ בַּגּוֹיִ֔ם לֹ֥א יוֹסִ֖יפוּ לָגֽוּר׃ ס | 15 |
“Magsilayo kayo! Marurumi,” isinisigaw ng mga propeta at mga paring ito. “Magsilayo kayo, magsilayo kayo! Huwag ninyo kaming hawakan!” Kaya nagpagala-gala sila sa ibang mga lupain, ngunit sinasabi maging ng mga Gentil, “Hindi na sila maaaring manirahan dito bilang mga dayuhan.”
פְּנֵ֤י יְהוָה֙ חִלְּקָ֔ם לֹ֥א יוֹסִ֖יף לְהַבִּיטָ֑ם פְּנֵ֤י כֹהֲנִים֙ לֹ֣א נָשָׂ֔אוּ זקנים לֹ֥א חָנָֽנוּ׃ ס | 16 |
Ikinalat sila ni Yahweh mula sa kaniyang harapan; hindi na niya sila tinitingnan pa nang may pagpanig. Kailanman walang anumang paggalang ang tumanggap sa mga pari, at hindi na sila nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga nakatatanda.
עודינה תִּכְלֶ֣ינָה עֵינֵ֔ינוּ אֶל־עֶזְרָתֵ֖נוּ הָ֑בֶל בְּצִפִּיָּתֵ֣נוּ צִפִּ֔ינוּ אֶל־גּ֖וֹי לֹ֥א יוֹשִֽׁעַ׃ ס | 17 |
Patuloy na nabigo ang aming mga mata sa paghahanap ng kahit na walang kabuluhang tulong, bagaman sabik silang nagbantay sa isang bansang hindi makapagliligtas sa amin.
צָד֣וּ צְעָדֵ֔ינוּ מִלֶּ֖כֶת בִּרְחֹבֹתֵ֑ינוּ קָרַ֥ב קִצֵּ֛ינוּ מָלְא֥וּ יָמֵ֖ינוּ כִּי־בָ֥א קִצֵּֽינוּ׃ ס | 18 |
Inaabangan nila ang aming mga hakbang patungo sa aming mga lansangan. Malapit na ang aming wakas at natapos na ang aming mga kaarawan, sapagkat dumating na ang aming wakas.
קַלִּ֤ים הָיוּ֙ רֹדְפֵ֔ינוּ מִנִּשְׁרֵ֖י שָׁמָ֑יִם עַל־הֶהָרִ֣ים דְּלָקֻ֔נוּ בַּמִּדְבָּ֖ר אָ֥רְבוּ לָֽנוּ׃ ס | 19 |
Mas matulin pa sa mga agilang nasa alapaap ang aming mga manunugis. Hinahabol nila kami sa mga kabundukan at nag-aabang sila sa amin sa ilang.
ר֤וּחַ אַפֵּ֙ינוּ֙ מְשִׁ֣יחַ יְהוָ֔ה נִלְכַּ֖ד בִּשְׁחִיתוֹתָ֑ם אֲשֶׁ֣ר אָמַ֔רְנוּ בְּצִלּ֖וֹ נִֽחְיֶ֥ה בַגּוֹיִֽם׃ ס | 20 |
Ang hininga sa mga butas ng aming ilong, ang pinahiran ni Yahweh—na aming hari, ay nahuli sa kanilang mga hukay; siya ang aming hari na aming sinasabi, “'Mabubuhay kami sa ilalim ng kaniyang pangangalaga kasama ng mga bansa.”'
שִׂ֤ישִׂי וְשִׂמְחִי֙ בַּת־אֱד֔וֹם יושבתי בְּאֶ֣רֶץ ע֑וּץ גַּם־עָלַ֙יִךְ֙ תַּעֲבָר־כּ֔וֹס תִּשְׁכְּרִ֖י וְתִתְעָרִֽי׃ ס | 21 |
Magalak at matuwa, anak na babae ng Edom na naninirahan sa lupain ng Uz, sapagkat dadaan din ang kopa sa iyo. Malalasing ka at huhubaran ang iyong sarili.
תַּם־עֲוֺנֵךְ֙ בַּת־צִיּ֔וֹן לֹ֥א יוֹסִ֖יף לְהַגְלוֹתֵ֑ךְ פָּקַ֤ד עֲוֺנֵךְ֙ בַּת־אֱד֔וֹם גִּלָּ֖ה עַל־חַטֹּאתָֽיִךְ׃ פ | 22 |
Natapos na ang iyong kasamaan, anak na babae ng Zion. Hindi ka na niya bibihagin. Ngunit kaniyang parurusahan ang iyong kasamaan, anak na babae ng Edom. Kaniyang ilalantad ang iyong mga kasalanan.