< יִרְמְיָהוּ 2 >

וַיְהִ֥י דְבַר־יְהוָ֖ה אֵלַ֥י לֵאמֹֽר׃ 1
Dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
הָלֹ֡ךְ וְקָֽרָאתָ֩ בְאָזְנֵ֨י יְרוּשָׁלִַ֜ם לֵאמֹ֗ר כֹּ֚ה אָמַ֣ר יְהוָ֔ה זָכַ֤רְתִּי לָךְ֙ חֶ֣סֶד נְעוּרַ֔יִךְ אַהֲבַ֖ת כְּלוּלֹתָ֑יִךְ לֶכְתֵּ֤ךְ אַחֲרַי֙ בַּמִּדְבָּ֔ר בְּאֶ֖רֶץ לֹ֥א זְרוּעָֽה׃ 2
“Pumunta ka at ipahayag mo sa pandinig ng Jerusalem. Sabihin mo, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Alang-alang sa iyo, inaalala ko ang iyong pangako ng katapatan sa iyong kabataan, ang iyong pag-ibig nang magkasundo tayong magpakasal, nang sundan mo ako sa ilang, ang lupain na walang tanim.
קֹ֤דֶשׁ יִשְׂרָאֵל֙ לַיהוָ֔ה רֵאשִׁ֖ית תְּבוּאָתֹ֑ה כָּל־אֹכְלָ֣יו יֶאְשָׁ֔מוּ רָעָ֛ה תָּבֹ֥א אֲלֵיהֶ֖ם נְאֻם־יְהוָֽה׃ פ 3
Nakalaan ang Israel para kay Yahweh, ang unang bunga ng mga ani! Nagkakasala ang lahat ng kumain mula sa mga unang bunga! Darating ang kasamaan sa kanila. Ito ang pahayag ni Yahweh.”
שִׁמְע֥וּ דְבַר־יְהוָ֖ה בֵּ֣ית יַעֲקֹ֑ב וְכָֽל־מִשְׁפְּח֖וֹת בֵּ֥ית יִשְׂרָאֵֽל׃ 4
Pakinggan ninyo ang salita ni Yahweh, sambahayan ni Jacob at bawat pamilya sa sambahayan ng Israel.
כֹּ֣ה ׀ אָמַ֣ר יְהוָ֗ה מַה־מָּצְא֨וּ אֲבוֹתֵיכֶ֥ם בִּי֙ עָ֔וֶל כִּ֥י רָחֲק֖וּ מֵעָלָ֑י וַיֵּֽלְכ֛וּ אַחֲרֵ֥י הַהֶ֖בֶל וַיֶּהְבָּֽלוּ׃ 5
Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Ano ang pagkakamaling nakita sa akin ng inyong mga ama upang lumayo sila sa pagsunod sa akin? At sumunod sila sa mga walang kabuluhang diyus-diyosan at sila mismo ay naging walang kabuluhan?
וְלֹ֣א אָמְר֔וּ אַיֵּ֣ה יְהוָ֔ה הַמַּעֲלֶ֥ה אֹתָ֖נוּ מֵאֶ֣רֶץ מִצְרָ֑יִם הַמּוֹלִ֨יךְ אֹתָ֜נוּ בַּמִּדְבָּ֗ר בְּאֶ֨רֶץ עֲרָבָ֤ה וְשׁוּחָה֙ בְּאֶ֙רֶץ֙ צִיָּ֣ה וְצַלְמָ֔וֶת בְּאֶ֗רֶץ לֹֽא־עָ֤בַר בָּהּ֙ אִ֔ישׁ וְלֹֽא־יָשַׁ֥ב אָדָ֖ם שָֽׁם׃ 6
Hindi nila sinabi, 'Nasaan si Yahweh, ang nagpalaya sa atin mula sa lupain ng Egipto? Nasaan si Yahweh, ang nanguna sa atin sa ilang sa lupain ng Araba, sa may tuyong hukay at madilim na lupain, ang lupaing hindi nilalakaran at walang sinuman ang naninirahan?'
וָאָבִ֤יא אֶתְכֶם֙ אֶל־אֶ֣רֶץ הַכַּרְמֶ֔ל לֶאֱכֹ֥ל פִּרְיָ֖הּ וְטוּבָ֑הּ וַתָּבֹ֙אוּ֙ וַתְּטַמְּא֣וּ אֶת־אַרְצִ֔י וְנַחֲלָתִ֥י שַׂמְתֶּ֖ם לְתוֹעֵבָֽה׃ 7
Ngunit dinala ko kayo sa lupain ng Carmel upang kainin ang mga bunga nito at iba pang mga magagandang bagay! Ngunit nang dumating kayo, dinungisan ninyo ang aking lupain, ginawa ninyong kasuklam-suklam ang aking mana!
הַכֹּהֲנִ֗ים לֹ֤א אָֽמְרוּ֙ אַיֵּ֣ה יְהוָ֔ה וְתֹפְשֵׂ֤י הַתּוֹרָה֙ לֹ֣א יְדָע֔וּנִי וְהָרֹעִ֖ים פָּ֣שְׁעוּ בִ֑י וְהַנְּבִיאִים֙ נִבְּא֣וּ בַבַּ֔עַל וְאַחֲרֵ֥י לֹֽא־יוֹעִ֖לוּ הָלָֽכוּ׃ 8
Hindi sinabi ng pari, 'Nasaan si Yawheh?' at hindi ako inalala ng mga dalubhasa sa batas! Lumabag ang mga pastol laban sa akin. Nagpahayag ang mga propeta para kay Baal at lumakad sa hindi kapaki-pakinabang na mga bagay.
לָכֵ֗ן עֹ֛ד אָרִ֥יב אִתְּכֶ֖ם נְאֻם־יְהוָ֑ה וְאֶת־בְּנֵ֥י בְנֵיכֶ֖ם אָרִֽיב׃ 9
Kaya pararatangan ko pa rin kayo at ang anak ng inyong mga anak. Ito ang pahayag ni Yahweh.
כִּ֣י עִבְר֞וּ אִיֵּ֤י כִתִּיִּים֙ וּרְא֔וּ וְקֵדָ֛ר שִׁלְח֥וּ וְהִֽתְבּוֹנְנ֖וּ מְאֹ֑ד וּרְא֕וּ הֵ֥ן הָיְתָ֖ה כָּזֹֽאת׃ 10
Tumawid kayo sa baybayin ng Chittim at inyong tingnan. Magpadala kayo ng mga mensahero sa Cedar upang malaman at makikita ninyo kung mayroong nangyari noon na gaya nito.
הַהֵימִ֥יר גּוֹי֙ אֱלֹהִ֔ים וְהֵ֖מָּה לֹ֣א אֱלֹהִ֑ים וְעַמִּ֛י הֵמִ֥יר כְּבוֹד֖וֹ בְּל֥וֹא יוֹעִֽיל׃ 11
May bansa bang ipinagpalit ang mga diyos kahit hindi naman sila mga diyos? Ngunit ipinagpalit ng aking mga tao ang kanilang kaluwalhatian sa hindi makakatulong sa kanila.
שֹׁ֥מּוּ שָׁמַ֖יִם עַל־זֹ֑את וְשַׂעֲר֛וּ חָרְב֥וּ מְאֹ֖ד נְאֻם־יְהוָֽה׃ 12
Manginig kayo, mga kalangitan dahil dito! Masindak kayo at mangilabot. Ito ang pahayag ni Yahweh.
כִּֽי־שְׁתַּ֥יִם רָע֖וֹת עָשָׂ֣ה עַמִּ֑י אֹתִ֨י עָזְב֜וּ מְק֣וֹר ׀ מַ֣יִם חַיִּ֗ים לַחְצֹ֤ב לָהֶם֙ בֹּאר֔וֹת בֹּארֹת֙ נִשְׁבָּרִ֔ים אֲשֶׁ֥ר לֹא־יָכִ֖לוּ הַמָּֽיִם׃ 13
Sapagkat nakagawa sa akin ang aking mga tao ng dalawang kasamaan. Pinabayaan nila ang mga bukal na nagbibigay-buhay sa paggawa ng mga balon para sa kanilang mga sarili, mga sirang balon na walang tubig!
הַעֶ֙בֶד֙ יִשְׂרָאֵ֔ל אִם־יְלִ֥יד בַּ֖יִת ה֑וּא מַדּ֖וּעַ הָיָ֥ה לָבַֽז׃ 14
Alipin ba ang Israel? Hindi ba siya isinilang sa tahanan? Kung gayon, bakit siya ninakawan?
עָלָיו֙ יִשְׁאֲג֣וּ כְפִרִ֔ים נָתְנ֖וּ קוֹלָ֑ם וַיָּשִׁ֤יתוּ אַרְצוֹ֙ לְשַׁמָּ֔ה עָרָ֥יו נצתה מִבְּלִ֥י יֹשֵֽׁב׃ 15
Umaatungal ang mga batang leon laban sa kaniya. Nagsihiyawan sila at ginawang katakot-takot ang kaniyang lupain! Nawasak ang kaniyang mga lungsod ng walang sinuman ang naninirahan.
גַּם־בְּנֵי־נֹ֖ף ותחפנס יִרְע֖וּךְ קָדְקֹֽד׃ 16
Inahitan rin ng mga taga-Memfis at taga-Tafnes ang iyong bungo at ginawa kang alipin!
הֲלוֹא־זֹ֖את תַּעֲשֶׂה־לָּ֑ךְ עָזְבֵךְ֙ אֶת־יְהוָ֣ה אֱלֹהַ֔יִךְ בְּעֵ֖ת מוֹלִיכֵ֥ךְ בַּדָּֽרֶךְ׃ 17
Hindi mo ba ito ginawa sa iyong sarili nang talikuran mo si Yahweh na iyong Diyos habang pinangungunahan ka niya sa iyong paglalakbay?
וְעַתָּ֗ה מַה־לָּךְ֙ לְדֶ֣רֶךְ מִצְרַ֔יִם לִשְׁתּ֖וֹת מֵ֣י שִׁח֑וֹר וּמַה־לָּךְ֙ לְדֶ֣רֶךְ אַשּׁ֔וּר לִשְׁתּ֖וֹת מֵ֥י נָהָֽר׃ 18
Kaya ngayon, bakit ka pupunta sa Egipto at iinom ng tubig sa Sikor? Bakit ka pupunta sa Asiria at iinom ng tubig sa Ilog ng Eufrates?
תְּיַסְּרֵ֣ךְ רָעָתֵ֗ךְ וּמְשֻֽׁבוֹתַ֙יִךְ֙ תּוֹכִחֻ֔ךְ וּדְעִ֤י וּרְאִי֙ כִּי־רַ֣ע וָמָ֔ר עָזְבֵ֖ךְ אֶת־יְהוָ֣ה אֱלֹהָ֑יִךְ וְלֹ֤א פַחְדָּתִי֙ אֵלַ֔יִךְ נְאֻם־אֲדֹנָ֥י יְהוִ֖ה צְבָאֽוֹת׃ 19
Sinasaway ka ng iyong kasamaan at pinarurusahan ka ng iyong kataksilan. Kaya pag-isipan mo ito, unawain mo na masama at mapait para sa iyo na talikuran ako at hindi na ako katakutan, akong si Yahweh na iyong Diyos. Ito ang pahayag ni Yahweh, ang Panginoon ng mga hukbo.
כִּ֣י מֵעוֹלָ֞ם שָׁבַ֣רְתִּי עֻלֵּ֗ךְ נִתַּ֙קְתִּי֙ מוֹסְרֹתַ֔יִךְ וַתֹּאמְרִ֖י לֹ֣א אעבד כִּ֣י עַֽל־כָּל־גִּבְעָ֞ה גְּבֹהָ֗ה וְתַ֙חַת֙ כָּל־עֵ֣ץ רַעֲנָ֔ן אַ֖תְּ צֹעָ֥ה זֹנָֽה׃ 20
Sapagkat sinira ko ang iyong pamatok na mayroon ka noong mga sinaunang araw, sinira ko ang iyong mga tanikala. Ngunit sinabi mo pa rin, 'Hindi ako maglilingkod!' sapagkat yumuko ka sa bawat matataas na burol at sa ilalim ng bawat madahong puno, ikaw na mangangalunya.
וְאָֽנֹכִי֙ נְטַעְתִּ֣יךְ שֹׂרֵ֔ק כֻּלֹּ֖ה זֶ֣רַע אֱמֶ֑ת וְאֵיךְ֙ נֶהְפַּ֣כְתְּ לִ֔י סוּרֵ֖י הַגֶּ֥פֶן נָכְרִיָּֽה׃ 21
Ngunit ako mismo ang nagtanim sa iyo bilang isang piniling puno ng ubas, na isang tunay na binhi. Ngunit papaanong nagbago ka sa akin, isang hindi tapat mula sa ibang puno ng ubas!
כִּ֤י אִם־תְּכַבְּסִי֙ בַּנֶּ֔תֶר וְתַרְבִּי־לָ֖ךְ בֹּרִ֑ית נִכְתָּ֤ם עֲוֺנֵךְ֙ לְפָנַ֔י נְאֻ֖ם אֲדֹנָ֥י יְהוִֽה׃ 22
Sapagkat kahit linisin mo ang iyong sarili sa ilog o maghugas ka ng matapang na sabon, ang iyong pagkakasala ay isang bahid sa aking harapan. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
אֵ֣יךְ תֹּאמְרִ֞י לֹ֣א נִטְמֵ֗אתִי אַחֲרֵ֤י הַבְּעָלִים֙ לֹ֣א הָלַ֔כְתִּי רְאִ֤י דַרְכֵּךְ֙ בַּגַּ֔יְא דְּעִ֖י מֶ֣ה עָשִׂ֑ית בִּכְרָ֥ה קַלָּ֖ה מְשָׂרֶ֥כֶת דְּרָכֶֽיהָ׃ 23
Paano mo nasasabi, “Hindi ako nadungisan! Hindi ako sumunod sa mga Baal? Tingnan mo ang iyong pag-uugali sa mga lambak! Unawain mo ang iyong ginawa, para kang kamelyo na nagmamadaling tumakbo sa sarili nitong daan!
פֶּ֣רֶה ׀ לִמֻּ֣ד מִדְבָּ֗ר בְּאַוַּ֤ת נפשו שָׁאֲפָ֣ה ר֔וּחַ תַּאֲנָתָ֖הּ מִ֣י יְשִׁיבֶ֑נָּה כָּל־מְבַקְשֶׁ֙יהָ֙ לֹ֣א יִיעָ֔פוּ בְּחָדְשָׁ֖הּ יִמְצָאֽוּנְהָ׃ 24
Isa kang mailap na asno, na sanay sa ilang, nananabik sa buhay at humihingal sa walang kabuluhang hangin! Sino ang makapagbabalik sa kaniya kapag siya ay nag-iinit? Hindi mapapagod ang sinumang maghahanap sa kaniya. Pinupuntahan siya sa kabuwanan ng kaniyang pag-iinit.
מִנְעִ֤י רַגְלֵךְ֙ מִיָּחֵ֔ף וגורנך מִצִּמְאָ֑ה וַתֹּאמְרִ֣י נוֹאָ֔שׁ ל֕וֹא כִּֽי־אָהַ֥בְתִּי זָרִ֖ים וְאַחֲרֵיהֶ֥ם אֵלֵֽךְ׃ 25
Dapat mong iwasan na walang suot ang iyong mga paa at ang iyong lalamunan sa pagkauhaw! Ngunit sinabi mo, 'Walang pag-asa! Hindi, iniibig ko ang mga dayuhan at sasama ako sa kanila!'
כְּבֹ֤שֶׁת גַּנָּב֙ כִּ֣י יִמָּצֵ֔א כֵּ֥ן הֹבִ֖ישׁוּ בֵּ֣ית יִשְׂרָאֵ֑ל הֵ֤מָּה מַלְכֵיהֶם֙ שָֽׂרֵיהֶ֔ם וְכֹהֲנֵיהֶ֖ם וּנְבִיאֵיהֶֽם׃ 26
Katulad ng kahihiyan ng isang magnanakaw kapag siya ay nahuli, gayon din ang kahihiyan ng sambahayan ng Israel. Sila, ang kanilang mga hari, mga prinsipe, mga pari, at mga propeta!
אֹמְרִ֨ים לָעֵ֜ץ אָ֣בִי אַ֗תָּה וְלָאֶ֙בֶן֙ אַ֣תְּ ילדתני כִּֽי־פָנ֥וּ אֵלַ֛י עֹ֖רֶף וְלֹ֣א פָנִ֑ים וּבְעֵ֤ת רָֽעָתָם֙ יֹֽאמְר֔וּ ק֖וּמָה וְהוֹשִׁיעֵֽנוּ׃ 27
Sila ang mga nagsabi sa puno, 'Ikaw ang aking ama,' at sa bato, 'Ipinanganak mo ako.' Sapagkat nakaharap sa akin ang kanilang likuran at hindi ang kanilang mga mukha. Gayunpaman, sinasabi nila sa oras ng mga kaguluhan, 'Tumayo ka at iligtas mo kami!'
וְאַיֵּ֤ה אֱלֹהֶ֙יךָ֙ אֲשֶׁ֣ר עָשִׂ֣יתָ לָּ֔ךְ יָק֕וּמוּ אִם־יוֹשִׁיע֖וּךָ בְּעֵ֣ת רָעָתֶ֑ךָ כִּ֚י מִסְפַּ֣ר עָרֶ֔יךָ הָי֥וּ אֱלֹהֶ֖יךָ יְהוּדָֽה׃ ס 28
Ngunit nasaan ang mga diyos na inyong ginawa para sa inyong mga sarili? Patayuin ninyo sila kung nais nila kayong iligtas sa oras ng inyong mga kaguluhan, sapagkat kasindami ng inyong diyos ang inyong mga lungsod, oh Juda!
לָ֥מָּה תָרִ֖יבוּ אֵלָ֑י כֻּלְּכֶ֛ם פְּשַׁעְתֶּ֥ם בִּ֖י נְאֻם־יְהוָֽה ׃ 29
Kaya bakit ninyo ako pinararatangan na gumagawa ng masama? Nagkasala kayong lahat sa akin. Ito ang pahayag ni Yahweh.
לַשָּׁוְא֙ הִכֵּ֣יתִי אֶת־בְּנֵיכֶ֔ם מוּסָ֖ר לֹ֣א לָקָ֑חוּ אָכְלָ֧ה חַרְבְּכֶ֛ם נְבִֽיאֵיכֶ֖ם כְּאַרְיֵ֥ה מַשְׁחִֽית׃ 30
Pinarusahan ko ang inyong mga tao ng walang kabuluhan. Hindi nila tinanggap ang pagtutuwid. Nilamon ng inyong mga tabak ang mga propeta gaya ng mapaminsalang leon!
הַדּ֗וֹר אַתֶּם֙ רְא֣וּ דְבַר־יְהוָ֔ה הֲמִדְבָּ֤ר הָיִ֙יתִי֙ לְיִשְׂרָאֵ֔ל אִ֛ם אֶ֥רֶץ מַאְפֵּ֖לְיָ֑ה מַדּ֜וּעַ אָמְר֤וּ עַמִּי֙ רַ֔דְנוּ לֽוֹא־נָב֥וֹא ע֖וֹד אֵלֶֽיךָ׃ 31
Kayong mga nabibilang sa salinlahing ito! Bigyan ninyo ng pansin ang aking salita, ang salita ni Yahweh! Naging ilang ba ako sa Israel? O naging lupain ng matinding kadiliman? Bakit sinasabi ng aking mga tao, 'Maglibot tayo, hindi na kami pupunta sa iyo kailanman'?
הֲתִשְׁכַּ֤ח בְּתוּלָה֙ עֶדְיָ֔הּ כַּלָּ֖ה קִשֻּׁרֶ֑יהָ וְעַמִּ֣י שְׁכֵח֔וּנִי יָמִ֖ים אֵ֥ין מִסְפָּֽר׃ 32
Makakalimutan ba ng isang birhen ang kaniyang alahas, o ang talukbong ng babaing ikakasal? Ngunit nakalimutan na ako ng aking mga tao sa hindi na mabilang na mga araw!
מַה־תֵּיטִ֥בִי דַּרְכֵּ֖ךְ לְבַקֵּ֣שׁ אַהֲבָ֑ה לָכֵן֙ גַּ֣ם אֶת־הָרָע֔וֹת למדתי אֶת־דְּרָכָֽיִךְ׃ 33
Ganoon ka na lamang kahusay na humanap ng pag-ibig. Itinuro mo pa ang iyong mga pamamaraan sa mga makasalanang kababaihan.
גַּ֤ם בִּכְנָפַ֙יִךְ֙ נִמְצְא֔וּ דַּ֛ם נַפְשׁ֥וֹת אֶבְיוֹנִ֖ים נְקִיִּ֑ים לֹֽא־בַמַּחְתֶּ֥רֶת מְצָאתִ֖ים כִּ֥י עַל־כָּל־אֵֽלֶּה׃ 34
Nakita sa iyong mga kasuotan ang dugo ng mga dukha at walang kasalanang tao. Sila ang mga taong hindi nahuli sa mga gawaing pagnanakaw.
וַתֹּֽאמְרִי֙ כִּ֣י נִקֵּ֔יתִי אַ֛ךְ שָׁ֥ב אַפּ֖וֹ מִמֶּ֑נִּי הִנְנִי֙ נִשְׁפָּ֣ט אוֹתָ֔ךְ עַל־אָמְרֵ֖ךְ לֹ֥א חָטָֽאתִי׃ 35
Sa halip, sa lahat ng bagay na ito, patuloy mong sinasabi, 'Wala akong kasalanan, tiyak na hindi ibabaling ni Yahweh ang galit sa akin.' Ngunit tingnan mo! Mahahatulan ka sapagkat sinabi mo, 'Hindi ako nagkasala.'
מַה־תֵּזְלִ֥י מְאֹ֖ד לְשַׁנּ֣וֹת אֶת־דַּרְכֵּ֑ךְ גַּ֤ם מִמִּצְרַ֙יִם֙ תֵּב֔וֹשִׁי כַּאֲשֶׁר־בֹּ֖שְׁתְּ מֵאַשּֽׁוּר׃ 36
Bakit ninyo itinuturing na napakadali ng pagbabagong ito sa inyong pamamaraan? Bibiguin ka rin ng Egipto gaya ng ginawa sa iyo ng Asiria.
גַּ֣ם מֵאֵ֥ת זֶה֙ תֵּֽצְאִ֔י וְיָדַ֖יִךְ עַל־רֹאשֵׁ֑ךְ כִּֽי־מָאַ֤ס יְהֹוָה֙ בְּמִבְטַחַ֔יִךְ וְלֹ֥א תַצְלִ֖יחִי לָהֶֽם׃ 37
Malulungkot ka ring lalabas mula roon na nakapatong ang iyong mga kamay sa iyong ulo, sapagkat tinanggihan ni Yahweh ang iyong mga pinagkatiwalaan upang hindi ka nila matulungan.”

< יִרְמְיָהוּ 2 >