< יִרְמְיָהוּ 18 >

הַדָּבָר֙ אֲשֶׁ֣ר הָיָ֣ה אֶֽל־יִרְמְיָ֔הוּ מֵאֵ֥ת יְהוָ֖ה לֵאמֹֽר׃ 1
Ito ang salita ni Yahweh na dumating kay Jeremias at sinabing,
ק֥וּם וְיָרַדְתָּ֖ בֵּ֣ית הַיּוֹצֵ֑ר וְשָׁ֖מָּה אַשְׁמִֽיעֲךָ֥ אֶת־דְּבָרָֽי׃ 2
“Bumangon ka at pumunta sa bahay ng magpapalayok, sapagkat ipaparinig ko sa iyo ang aking salita roon.”
וָאֵרֵ֖ד בֵּ֣ית הַיּוֹצֵ֑ר והנהו עֹשֶׂ֥ה מְלָאכָ֖ה עַל־הָאָבְנָֽיִם׃ 3
Kaya pumunta ako sa bahay ng magpapalayok, at masdan! Gumagawa ang magpapalayok sa kaniyang gawaan.
וְנִשְׁחַ֣ת הַכְּלִ֗י אֲשֶׁ֨ר ה֥וּא עֹשֶׂ֛ה בַּחֹ֖מֶר בְּיַ֣ד הַיּוֹצֵ֑ר וְשָׁ֗ב וַֽיַּעֲשֵׂ֙הוּ֙ כְּלִ֣י אַחֵ֔ר כַּאֲשֶׁ֥ר יָשַׁ֛ר בְּעֵינֵ֥י הַיּוֹצֵ֖ר לַעֲשֽׂוֹת׃ פ 4
Ngunit ang hawak niyang malagkit na lupa na kaniyang hinuhulma ay nasira sa kaniyang kamay, kaya nagbago ang kaniyang isip at gumawa ng isa pang bagay na sa tingin niya ay mabuti na gawin.
וַיְהִ֥י דְבַר־יְהוָ֖ה אֵלַ֥י לֵאמֽוֹר׃ 5
Pagkatapos, dumating ang salita ng Panginoon sa akin at sinabing,
הֲכַיּוֹצֵ֨ר הַזֶּ֜ה לֹא־אוּכַ֨ל לַעֲשׂ֥וֹת לָכֶ֛ם בֵּ֥ית יִשְׂרָאֵ֖ל נְאֻם־יְהוָ֑ה הִנֵּ֤ה כַחֹ֙מֶר֙ בְּיַ֣ד הַיּוֹצֵ֔ר כֵּן־אַתֶּ֥ם בְּיָדִ֖י בֵּ֥ית יִשְׂרָאֵֽל׃ ס 6
“Wala ba akong kakayahan na kumilos sa inyo ng tulad ng magpapalayok na ito, sambahayan ng Israel? — Ito ang pahayag ni Yahweh. Tingnan mo! tulad ng malagkit na lupa sa kamay ng isang magpapalayok— ganyan kayo sa aking kamay, sambahayan ng Israel.
רֶ֣גַע אֲדַבֵּ֔ר עַל־גּ֖וֹי וְעַל־מַמְלָכָ֑ה לִנְת֥וֹשׁ וְלִנְת֖וֹץ וּֽלְהַאֲבִֽיד׃ 7
Sa isang sandali, maaari akong magpahayag ng isang bagay tungkol sa isang bansa o isang kaharian, na aking aalisin, gigibain, o wawasakin ito.
וְשָׁב֙ הַגּ֣וֹי הַה֔וּא מֵרָ֣עָת֔וֹ אֲשֶׁ֥ר דִּבַּ֖רְתִּי עָלָ֑יו וְנִֽחַמְתִּי֙ עַל־הָ֣רָעָ֔ה אֲשֶׁ֥ר חָשַׁ֖בְתִּי לַעֲשׂ֥וֹת לֽוֹ׃ ס 8
Ngunit, kung ang bansa na aking pinahayagan ay tatalikod sa kasamaan nito, kung gayon mahahabag ako mula sa sakuna na binabalak kong dalhin dito.
וְרֶ֣גַע אֲדַבֵּ֔ר עַל־גּ֖וֹי וְעַל־מַמְלָכָ֑ה לִבְנֹ֖ת וְלִנְטֹֽעַ׃ 9
Sa isa pang sandali, maaari kong ipahayag ang tungkol sa isang bansa o isang kaharian, na aking itatayo o itatanim ito.
וְעָשָׂ֤ה הרעה בְּעֵינַ֔י לְבִלְתִּ֖י שְׁמֹ֣עַ בְּקוֹלִ֑י וְנִֽחַמְתִּי֙ עַל־הַטּוֹבָ֔ה אֲשֶׁ֥ר אָמַ֖רְתִּי לְהֵיטִ֥יב אוֹתֽוֹ׃ ס 10
Ngunit kung gagawa ito ng masama sa aking paningin sa pamamagitan ng hindi pakikinig sa aking tinig, ititigil ko ang aking sinabi na gagawin kong mabuti para sa kanila.
וְעַתָּ֡ה אֱמָר־נָ֣א אֶל־אִישׁ־יְהוּדָה֩ וְעַל־יוֹשְׁבֵ֨י יְרוּשָׁלִַ֜ם לֵאמֹ֗ר כֹּ֚ה אָמַ֣ר יְהוָ֔ה הִנֵּ֨ה אָנֹכִ֜י יוֹצֵ֤ר עֲלֵיכֶם֙ רָעָ֔ה וְחֹשֵׁ֥ב עֲלֵיכֶ֖ם מַֽחֲשָׁבָ֑ה שׁ֣וּבוּ נָ֗א אִ֚ישׁ מִדַּרְכּ֣וֹ הָֽרָעָ֔ה וְהֵיטִ֥יבוּ דַרְכֵיכֶ֖ם וּמַעַלְלֵיכֶֽם׃ 11
Kaya ngayon, magsalita ka sa mga kalalakihan ng Juda at sa mga naninirahan sa Jerusalem at sabihin, “Ito ang sinasabi ni Yahweh: Tingnan mo, bubuo ako ng sakuna laban sa inyo. May binabalak ako laban sa inyo. Magsisi, ang bawat tao mula sa kaniyang masamang landas, kaya ang inyong mga pamamaraan at inyong mga nakaugalian ang magdadala ng mabuti sa inyo.'
וְאָמְר֖וּ נוֹאָ֑שׁ כִּֽי־אַחֲרֵ֤י מַחְשְׁבוֹתֵ֙ינוּ֙ נֵלֵ֔ךְ וְאִ֛ישׁ שְׁרִר֥וּת לִבּֽוֹ־הָרָ֖ע נַעֲשֶֽׂה׃ ס 12
Ngunit sasabihin nila, 'Hindi ito mahalaga. Kikilos kami ayon sa aming sariling mga balak. Gagawin ng bawat isa kung ano ang masama sa kaniya, ang mga ninanais ng kanilang matitigas na puso.'
לָכֵ֗ן כֹּ֚ה אָמַ֣ר יְהוָ֔ה שַֽׁאֲלוּ־נָא֙ בַּגּוֹיִ֔ם מִ֥י שָׁמַ֖ע כָּאֵ֑לֶּה שַֽׁעֲרֻרִת֙ עָשְׂתָ֣ה מְאֹ֔ד בְּתוּלַ֖ת יִשְׂרָאֵֽל׃ 13
Samakatwid ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Tanungin mo ang mga bansa, sino ang nakarinig ng ganitong bagay? Ang birheng Israel ay nakagawa ng isang kakila-kilabot na gawa.
הֲיַעֲזֹ֥ב מִצּ֛וּר שָׂדַ֖י שֶׁ֣לֶג לְבָנ֑וֹן אִם־יִנָּתְשׁ֗וּ מַ֛יִם זָרִ֥ים קָרִ֖ים נוֹזְלִֽים׃ 14
Mawawala ba ang niyebe ng Lebanon sa mga mabatong mga burol sa mga parang? Ang mga batis ng kabundukan na mula sa malayo ay natutuyuan ba ng tubig?
כִּֽי־שְׁכֵחֻ֥נִי עַמִּ֖י לַשָּׁ֣וְא יְקַטֵּ֑רוּ וַיַּכְשִׁל֤וּם בְּדַרְכֵיהֶם֙ שְׁבִילֵ֣י עוֹלָ֔ם לָלֶ֣כֶת נְתִיב֔וֹת דֶּ֖רֶךְ לֹ֥א סְלוּלָֽה׃ 15
Ngunit kinalimutan ako ng aking mga tao. Gumawa sila ng mga handog para sa walang kabuluhang diyus-diyosan at gumawa ng ikakatisod sa kanilang daraanan; iniwan nila ang sinaunang daan upang lumakad sa maikling daan.
לָשׂ֥וּם אַרְצָ֛ם לְשַׁמָּ֖ה שרוקת עוֹלָ֑ם כֹּ֚ל עוֹבֵ֣ר עָלֶ֔יהָ יִשֹּׁ֖ם וְיָנִ֥יד בְּרֹאשֽׁוֹ׃ 16
Ang kanilang mga lupain ay magiging isang katatakutan, isang bagay ng walang hanggang panunutsut. Bawat isa na dadaan sa kaniya ay mangangatog at iiling ang kaniyang ulo.
כְּרֽוּחַ־קָדִ֥ים אֲפִיצֵ֖ם לִפְנֵ֣י אוֹיֵ֑ב עֹ֧רֶף וְלֹֽא־פָנִ֛ים אֶרְאֵ֖ם בְּי֥וֹם אֵידָֽם׃ ס 17
Pangangalatin ko sila sa harap ng kanilang mga kaaway tulad ng hangin sa silangan. Ipapakita ko sa kanila ang aking likuran, at hindi ang aking mukha, sa araw ng kanilang sakuna.”
וַיֹּאמְר֗וּ לְכ֨וּ וְנַחְשְׁבָ֣ה עַֽל־יִרְמְיָהוּ֮ מַחֲשָׁבוֹת֒ כִּי֩ לֹא־תֹאבַ֨ד תּוֹרָ֜ה מִכֹּהֵ֗ן וְעֵצָה֙ מֵֽחָכָ֔ם וְדָבָ֖ר מִנָּבִ֑יא לְכוּ֙ וְנַכֵּ֣הוּ בַלָּשׁ֔וֹן וְאַל־נַקְשִׁ֖יבָה אֶל־כָּל־דְּבָרָֽיו׃ 18
Kaya sinabi ng mga tao, “Halikayo, gumawa tayo ng masamang balak laban kay Jeremias, sapagkat ang kautusan ay hindi mawawala sa mga pari, o payo sa mga taong marurunong, o mga salita sa mga propeta. Halikayo, atin siyang labanan ng ating mga pananalita at huwag nang magbigay pansin sa anumang bagay na kaniyang ipapahayag.”
הַקְשִׁ֥יבָה יְהוָ֖ה אֵלָ֑י וּשְׁמַ֖ע לְק֥וֹל יְרִיבָֽי׃ 19
Magbigay pansin sa akin, Yahweh! At makinig sa ingay ng aking mga kaaway.
הַיְשֻׁלַּ֤ם תַּֽחַת־טוֹבָה֙ רָעָ֔ה כִּֽי־כָר֥וּ שׁוּחָ֖ה לְנַפְשִׁ֑י זְכֹ֣ר ׀ עָמְדִ֣י לְפָנֶ֗יךָ לְדַבֵּ֤ר עֲלֵיהֶם֙ טוֹבָ֔ה לְהָשִׁ֥יב אֶת־חֲמָתְךָ֖ מֵהֶֽם׃ 20
Talaga bang ang sakuna mula sa kanila ang aking gantimpala sa pagiging mabuti sa kanila? Sapagkat humukay sila ng isang malalim na hukay para sa akin. Alalahanin kung paano sila tumayo sa iyong harapan upang magsalita sa kanilang mga pangangailangan, upang ang iyong matinding galit ay ilayo mula sa kanila.
לָכֵן֩ תֵּ֨ן אֶת־בְּנֵיהֶ֜ם לָרָעָ֗ב וְהַגִּרֵם֮ עַל־יְדֵי־חֶרֶב֒ וְתִֽהְיֶ֨נָה נְשֵׁיהֶ֤ם שַׁכֻּלוֹת֙ וְאַלְמָנ֔וֹת וְאַ֨נְשֵׁיהֶ֔ם יִֽהְי֖וּ הֲרֻ֣גֵי מָ֑וֶת בַּח֣וּרֵיהֶ֔ם מֻכֵּי־חֶ֖רֶב בַּמִּלְחָמָֽה׃ 21
Samakatwid ipasakamay mo ang kanilang mga anak sa pagkagutom, at ibigay sila sa ilalim ng kapangyarihan ng espada. Kaya hayaan ang kanilang mga kababaihan na mawalan at maging mga balo, at ang kanilang mga kalalakihan ay mapatay, at ang mga batang kalalakihan nila ay mamatay sa labanan sa pamamagitan ng espada.
תִּשָּׁמַ֤ע זְעָקָה֙ מִבָּ֣תֵּיהֶ֔ם כִּֽי־תָבִ֧יא עֲלֵיהֶ֛ם גְּד֖וּד פִּתְאֹ֑ם כִּֽי־כָר֤וּ שיחה לְלָכְדֵ֔נִי וּפַחִ֖ים טָמְנ֥וּ לְרַגְלָֽי׃ 22
Hayaang marinig ang isang hiyaw ng pagkabalisa mula sa kanilang mga tahanan, kapag biglaang magpapadala ka ng mga tao laban sa kanila. Sapagkat humukay sila ng isang malalim na hukay upang bihagin ako at may nakatagong patibong para sa aking paa.
וְאַתָּ֣ה יְ֠הוָה יָדַ֜עְתָּ אֶֽת־כָּל־עֲצָתָ֤ם עָלַי֙ לַמָּ֔וֶת אַל־תְּכַפֵּר֙ עַל־עֲוֺנָ֔ם וְחַטָּאתָ֖ם מִלְּפָנֶ֣יךָ אַל־תֶּ֑מְחִי והיו מֻכְשָׁלִים֙ לְפָנֶ֔יךָ בְּעֵ֥ת אַפְּךָ֖ עֲשֵׂ֥ה בָהֶֽם׃ ס 23
Ngunit ikaw Yahweh, nalalaman mo ang kanilang mga balak laban sa akin upang patayin ako. Huwag mong patawarin ang kanilang mga kasamaan at mga kasalanan. Huwag mong alisin ang kanilang mga kasalanan mula sa iyo. Sa halip, hayaan silang matanggal mula sa harapan mo. Kumilos laban sa kanila sa panahon ng iyong poot.

< יִרְמְיָהוּ 18 >