< איוב 25 >
וַיַּעַן בִּלְדַּד הַשֻּׁחִי וַיֹּאמַֽר׃ | 1 |
Pagkatapos sumagot si Bildad ang Suhita at sinabi,
הַמְשֵׁל וָפַחַד עִמּוֹ עֹשֶׂה שָׁלוֹם בִּמְרוֹמָֽיו׃ | 2 |
“Nasa kaniya ang kapangyarihan at takot; nagtatakda siya ng kaayusan sa kaniyang mga matataas na lugar sa langit.
הֲיֵשׁ מִסְפָּר לִגְדוּדָיו וְעַל־מִי לֹא־יָקוּם אוֹרֵֽהוּ׃ | 3 |
May katapusan ba sa bilang ng kaniyang mga hukbo? Kanino ba hindi sumisikat ang kaniyang liwanag?
וּמַה־יִּצְדַּק אֱנוֹשׁ עִם־אֵל וּמַה־יִּזְכֶּה יְלוּד אִשָּֽׁה׃ | 4 |
Kung gayon, paano magiging matuwid ang tao sa Diyos? Paano ba magiging malinis, katanggap-tanggap sa kaniya, siya na ipinanganak ng isang babae?
הֵן עַד־יָרֵחַ וְלֹא יַאֲהִיל וְכוֹכָבִים לֹא־זַכּוּ בְעֵינָֽיו׃ | 5 |
Masdan mo, kahit na ang buwan ay walang liwanag sa kaniya; sa kaniyang paningin, ang mga bituin ay hindi dalisay.
אַף כִּֽי־אֱנוֹשׁ רִמָּה וּבֶן־אָדָם תּוֹלֵעָֽה׃ | 6 |
Gaano pa kaya ang tao, na isa lamang uod — isang anak ng tao, na isang uod!”