< תְהִלִּים 17 >
תְּפִלָּ֗ה לְדָ֫וִ֥ד שִׁמְעָ֤ה יְהוָ֨ה ׀ צֶ֗דֶק הַקְשִׁ֥יבָה רִנָּתִ֗י הַאֲזִ֥ינָה תְפִלָּתִ֑י בְּ֝לֹ֗א שִׂפְתֵ֥י מִרְמָֽה׃ | 1 |
Pakinggan mo ang pagsamo ko ng katarungan, O Yahweh; pansinin mo ang aking panawagan ng tulong! Paglaanan mo ng iyong tainga ang panalangin ko, mula sa mga labi na walang panlilinlang.
מִ֭לְּפָנֶיךָ מִשְׁפָּטִ֣י יֵצֵ֑א עֵ֝ינֶ֗יךָ תֶּחֱזֶ֥ינָה מֵישָׁרִֽים׃ | 2 |
Hayaan mong ang pagpapawalang-sala sa akin ay magmula sa iyon piling; makita nawa ng iyong mga mata kung ano ang tama!
בָּ֘חַ֤נְתָּ לִבִּ֨י ׀ פָּ֘קַ֤דְתָּ לַּ֗יְלָה צְרַפְתַּ֥נִי בַל־תִּמְצָ֑א זַ֝מֹּתִ֗י בַּל־יַעֲבָר־פִּֽי׃ | 3 |
Kung susubukin mo ang puso ko, kung daratnan mo ako sa gabi, lilinisin mo ako at wala kang makikitang anumang masamang balakin; ang bibig ko ay hindi magkakasala.
לִפְעֻלּ֣וֹת אָ֭דָם בִּדְבַ֣ר שְׂפָתֶ֑יךָ אֲנִ֥י שָׁ֝מַ֗רְתִּי אָרְח֥וֹת פָּרִֽיץ׃ | 4 |
Patungkol sa gawi ng sangkatauhan, sa salita ng mga labi mo kaya lumayo ako sa kasamaan.
תָּמֹ֣ךְ אֲ֭שֻׁרַי בְּמַעְגְּלוֹתֶ֑יךָ בַּל־נָמ֥וֹטּוּ פְעָמָֽי׃ | 5 |
Ang mga yapak ko ay nanatiling nakatuon sa iyong gabay; ang paanan ko ay hindi lumihis.
אֲנִֽי־קְרָאתִ֣יךָ כִֽי־תַעֲנֵ֣נִי אֵ֑ל הַֽט־אָזְנְךָ֥ לִ֝֗י שְׁמַ֣ע אִמְרָתִֽי׃ | 6 |
Nananawagan ako sa iyo, dahil tinutugon mo ako, O Diyos; ibaling mo ang pandinig mo sa akin at pakinggan mo ako sa aking sasabihin.
הַפְלֵ֣ה חֲ֭סָדֶיךָ מוֹשִׁ֣יעַ חוֹסִ֑ים מִ֝מִּתְקוֹמְמִ֗ים בִּֽימִינֶֽךָ׃ | 7 |
Ipakita mo ang katapatan mo sa tipan sa kaaya-ayang paraan, ikaw na nagliligtas, sa pamamagitan ng iyong kanang kamay, ng mga kumukibli sa iyo mula sa kanilang mga kaaway.
שָׁ֭מְרֵנִי כְּאִישׁ֣וֹן בַּת־עָ֑יִן בְּצֵ֥ל כְּ֝נָפֶ֗יךָ תַּסְתִּירֵֽנִי׃ | 8 |
Ingatan mo ako tulad ng sinta mong irog; itago mo ako sa ilalim ng anino ng iyong mga pakpak
מִפְּנֵ֣י רְ֭שָׁעִים ז֣וּ שַׁדּ֑וּנִי אֹיְבַ֥י בְּ֝נֶ֗פֶשׁ יַקִּ֥יפוּ עָלָֽי׃ | 9 |
mula sa presensiya ng masasama na nananakit sa akin, mga kaaway kong pumapaligid sa akin.
חֶלְבָּ֥מוֹ סָּגְר֑וּ פִּ֝֗ימוֹ דִּבְּר֥וּ בְגֵאֽוּת׃ | 10 |
Wala silang awa kaninuman; ang mga bibig nila ay nagsasalita nang may kayabangan.
אַ֭שֻּׁרֵינוּ עַתָּ֣ה סְבָב֑וּנוּ עֵינֵיהֶ֥ם יָ֝שִׁ֗יתוּ לִנְט֥וֹת בָּאָֽרֶץ׃ | 11 |
Pinaligiran nila ang aking mga yapak. Binabalak nila na pabagsakin ako.
דִּמְיֹנ֗וֹ כְּ֭אַרְיֵה יִכְס֣וֹף לִטְר֑וֹף וְ֝כִכְפִ֗יר יֹשֵׁ֥ב בְּמִסְתָּרִֽים׃ | 12 |
Tulad (sila) ng isang leon na sabik para sa isang biktima, tulad ng isang batang leon na nakaabang sa mga liblib na lugar.
קוּמָ֤ה יְהוָ֗ה קַדְּמָ֣ה פָ֭נָיו הַכְרִיעֵ֑הוּ פַּלְּטָ֥ה נַ֝פְשִׁ֗י מֵרָשָׁ֥ע חַרְבֶּֽךָ׃ | 13 |
Tumayo ka, O Yahweh! Lusubin mo (sila) Pabagsakin mo (sila) Iligtas mo ako mula sa masasama sa pamamagitan ng iyong tabak!
מִֽמְתִ֥ים יָדְךָ֨ ׀ יְהוָ֡ה מִֽמְתִ֬ים מֵחֶ֗לֶד חֶלְקָ֥ם בַּֽחַיִּים֮ וּֽצְפוּנְךָ֮ תְּמַלֵּ֪א בִ֫טְנָ֥ם יִשְׂבְּע֥וּ בָנִ֑ים וְהִנִּ֥יחוּ יִ֝תְרָ֗ם לְעוֹלְלֵיהֶֽם׃ | 14 |
Sagipin mo ako mula sa mga tao sa pamamagitan ng iyong kamay, O Yahweh, mula sa mga tao ng mundong ito na ang yaman ay sa buhay na ito lamang! Pupunuin mo ng yaman ang mga tiyan ng iyong mga pinahahalagahan; magkakaroon (sila) ng maraming anak at iiwan ang kanilang yaman sa kanilang mga anak.
אֲנִ֗י בְּ֭צֶדֶק אֶחֱזֶ֣ה פָנֶ֑יךָ אֶשְׂבְּעָ֥ה בְ֝הָקִ֗יץ תְּמוּנָתֶֽךָ׃ | 15 |
Ako, makikita ko ang iyong mukha sa katuwiran; masisiyahan ako sa paggising ko nang ikaw ang aking nakikita.