< זְכַרְיָה 14 >
הִנֵּ֥ה יֹֽום־בָּ֖א לַֽיהוָ֑ה וְחֻלַּ֥ק שְׁלָלֵ֖ךְ בְּקִרְבֵּֽךְ׃ | 1 |
Narito ang araw ng Panginoon ay dumarating, na ang iyong samsam ay babahagihin sa gitna mo.
וְאָסַפְתִּ֨י אֶת־כָּל־הַגֹּויִ֥ם ׀ אֶֽל־יְרוּשָׁלַ͏ִם֮ לַמִּלְחָמָה֒ וְנִלְכְּדָ֣ה הָעִ֗יר וְנָשַׁ֙סּוּ֙ הַבָּ֣תִּ֔ים וְהַנָּשִׁ֖ים תִּשָּׁגַלְנָה (תִּשָּׁכַ֑בְנָה) וְיָצָ֞א חֲצִ֤י הָעִיר֙ בַּגֹּולָ֔ה וְיֶ֣תֶר הָעָ֔ם לֹ֥א יִכָּרֵ֖ת מִן־הָעִֽיר׃ | 2 |
Sapagka't aking pipisanin ang lahat na bansa laban sa Jerusalem sa pagbabaka; at ang bayan ay masasakop, at ang mga bahay ay lolooban, at ang mga babae ay dadahasin; at ang kalahati ng bayan ay yayaon sa pagkabihag, at ang nalabi sa bayan ay hindi mahihiwalay sa bayan.
וְיָצָ֣א יְהוָ֔ה וְנִלְחַ֖ם בַּגֹּויִ֣ם הָהֵ֑ם כְּיֹ֥ום הִֽלָּחֲמֹ֖ו בְּיֹ֥ום קְרָֽב׃ | 3 |
Kung magkagayo'y lalabas ang Panginoon, at makikipaglaban sa mga bansang yaon, gaya nang siya'y makipaglaban sa araw ng pagbabaka.
וְעָמְד֣וּ רַגְלָ֣יו בַּיֹּום־הַ֠הוּא עַל־הַ֨ר הַזֵּתִ֜ים אֲשֶׁ֨ר עַל־פְּנֵ֥י יְרוּשָׁלַ͏ִם֮ מִקֶּדֶם֒ וְנִבְקַע֩ הַ֨ר הַזֵּיתִ֤ים מֵֽחֶצְיֹו֙ מִזְרָ֣חָה וָיָ֔מָּה גֵּ֖יא גְּדֹולָ֣ה מְאֹ֑ד וּמָ֨שׁ חֲצִ֥י הָהָ֛ר צָפֹ֖ונָה וְחֶצְיֹו־נֶֽגְבָּה׃ | 4 |
At ang kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon sa bundok ng mga Olivo, na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silanganan; at ang bundok ng mga Olivo ay mahahati sa gitna niya, sa dakong silanganan at sa dakong kalunuran, at magiging totoong malaking libis; at ang kalahati ng bundok ay malilipat sa dakong hilagaan, at ang kalahati ay sa dakong timugan.
וְנַסְתֶּ֣ם גֵּֽיא־הָרַ֗י כִּֽי־יַגִּ֣יעַ גֵּי־הָרִים֮ אֶל־אָצַל֒ וְנַסְתֶּ֗ם כַּאֲשֶׁ֤ר נַסְתֶּם֙ מִפְּנֵ֣י הָרַ֔עַשׁ בִּימֵ֖י עֻזִּיָּ֣ה מֶֽלֶךְ־יְהוּדָ֑ה וּבָא֙ יְהוָ֣ה אֱלֹהַ֔י כָּל־קְדֹשִׁ֖ים עִמָּֽךְ׃ | 5 |
At kayo'y magsisitakas sa libis ng aking mga bundok; sapagka't ang libis ng mga bundok ay magsisiabot hanggang sa Azel; oo, kayo'y magsisitakas gaya nang kayo'y tumakas mula sa lindol nang mga kaarawan ni Uzzias na hari sa Juda; at ang Panginoon kong Dios ay darating, at ang lahat na banal na kasama niya.
וְהָיָ֖ה בַּיֹּ֣ום הַה֑וּא לֹֽא־יִהְיֶ֣ה אֹ֔ור יְקָרֹ֖ות יִקְפְּאוּן (וְקִפָּאֹֽון)׃ | 6 |
At mangyayari sa araw na yaon, na hindi magkakaroon ng liwanag; at ang mga nagniningning ay uurong.
וְהָיָ֣ה יֹום־אֶחָ֗ד ה֛וּא יִוָּדַ֥ע לַֽיהוָ֖ה לֹא־יֹ֣ום וְלֹא־לָ֑יְלָה וְהָיָ֥ה לְעֵֽת־עֶ֖רֶב יִֽהְיֶה־אֹֽור׃ | 7 |
Nguni't magiging isang araw na kilala sa Panginoon; hindi araw, at hindi gabi; nguni't mangyayari, na sa gabi ay magliliwanag.
וְהָיָ֣ה ׀ בַּיֹּ֣ום הַה֗וּא יֵצְא֤וּ מַֽיִם־חַיִּים֙ מִיר֣וּשָׁלַ֔͏ִם חֶצְיָ֗ם אֶל־הַיָּם֙ הַקַּדְמֹונִ֔י וְחֶצְיָ֖ם אֶל־הַיָּ֣ם הָאַחֲרֹ֑ון בַּקַּ֥יִץ וּבָחֹ֖רֶף יִֽהְיֶֽה׃ | 8 |
At mangyayari sa araw na yaon, na ang buhay na tubig ay magsisibalong mula sa Jerusalem; kalahati niyao'y sa dakong dagat silanganan, at kalahati niyao'y sa dakong dagat kalunuran: sa taginit at sa tagginaw mangyayari.
וְהָיָ֧ה יְהוָ֛ה לְמֶ֖לֶךְ עַל־כָּל־הָאָ֑רֶץ בַּיֹּ֣ום הַה֗וּא יִהְיֶ֧ה יְהוָ֛ה אֶחָ֖ד וּשְׁמֹ֥ו אֶחָֽד׃ | 9 |
At ang Panginoo'y magiging Hari sa buong lupa: sa araw na yao'y magiging ang Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa.
יִסֹּ֨וב כָּל־הָאָ֤רֶץ כָּעֲרָבָה֙ מִגֶּ֣בַע לְרִמֹּ֔ון נֶ֖גֶב יְרֽוּשָׁלָ֑͏ִם וְֽרָאֲמָה֩ וְיָשְׁבָ֨ה תַחְתֶּ֜יהָ לְמִשַּׁ֣עַר בִּנְיָמִ֗ן עַד־מְקֹ֞ום שַׁ֤עַר הָֽרִאשֹׁון֙ עַד־שַׁ֣עַר הַפִּנִּ֔ים וּמִגְדַּ֣ל חֲנַנְאֵ֔ל עַ֖ד יִקְבֵ֥י הַמֶּֽלֶךְ׃ | 10 |
Ang buong lupain ay magiging gaya ng Araba, mula sa Geba hanggang sa Rimmon na timugan ng Jerusalem; at siya'y matataas, at tatahan sa kaniyang dako, mula sa pintuang-bayan ng Benjamin hangang sa dako ng unang pintuang-bayan, hanggang sa sulok na pintuang-bayan, at mula sa moog ng Hananel hanggang sa pisaan ng ubas ng hari.
וְיָ֣שְׁבוּ בָ֔הּ וְחֵ֖רֶם לֹ֣א יִֽהְיֶה־עֹ֑וד וְיָשְׁבָ֥ה יְרוּשָׁלַ֖͏ִם לָבֶֽטַח׃ | 11 |
At ang mga tao'y magsisitahan doon, at hindi na magkakaroon pa ng sumpa; kundi ang Jerusalem ay tatahang tiwasay.
וְזֹ֣את ׀ תִּֽהְיֶ֣ה הַמַּגֵּפָ֗ה אֲשֶׁ֨ר יִגֹּ֤ף יְהוָה֙ אֶת־כָּל־הָ֣עַמִּ֔ים אֲשֶׁ֥ר צָבְא֖וּ עַל־יְרוּשָׁלָ֑͏ִם הָמֵ֣ק ׀ בְּשָׂרֹ֗ו וְהוּא֙ עֹמֵ֣ד עַל־רַגְלָ֔יו וְעֵינָיו֙ תִּמַּ֣קְנָה בְחֹֽרֵיהֶ֔ן וּלְשֹׁונֹ֖ו תִּמַּ֥ק בְּפִיהֶֽם׃ | 12 |
At ito ang salot na ipananalot ng Panginoon sa lahat na bayan na nakipagdigma laban sa Jerusalem: ang kanilang laman ay matutunaw samantalang sila'y nangakatayo ng kanilang mga paa, at ang kanilang mga mata'y mangatutunaw sa kanilang ukit, at ang kanilang dila ay matutunaw sa kanilang bibig.
וְהָיָה֙ בַּיֹּ֣ום הַה֔וּא תִּֽהְיֶ֧ה מְהֽוּמַת־יְהוָ֛ה רַבָּ֖ה בָּהֶ֑ם וְהֶחֱזִ֗יקוּ אִ֚ישׁ יַ֣ד רֵעֵ֔הוּ וְעָלְתָ֥ה יָדֹ֖ו עַל־יַ֥ד רֵעֵֽהוּ׃ | 13 |
At mangyayari sa araw na yaon, na magkakaroon ng isang malaking kaingay sa gitna nila na mula sa Panginoon; at hahawak ang bawa't isa sa kanila sa kamay ng kaniyang kapuwa, at ang kamay niya'y mabubuhat laban sa kamay ng kaniyang kapuwa.
וְגַ֨ם־יְהוּדָ֔ה תִּלָּחֵ֖ם בִּירֽוּשָׁלָ֑͏ִם וְאֻסַּף֩ חֵ֨יל כָּל־הַגֹּויִ֜ם סָבִ֗יב זָהָ֥ב וָכֶ֛סֶף וּבְגָדִ֖ים לָרֹ֥ב מְאֹֽד׃ | 14 |
At ang Juda naman ay makikipaglaban sa Jerusalem; at ang kayamanan ng lahat na bansa sa palibot ay mapipisan, ginto, at pilak, at kasuutan, na totoong sagana.
וְכֵ֨ן תִּֽהְיֶ֜ה מַגֵּפַ֣ת הַסּ֗וּס הַפֶּ֙רֶד֙ הַגָּמָ֣ל וְהַחֲמֹ֔ור וְכָ֨ל־הַבְּהֵמָ֔ה אֲשֶׁ֥ר יִהְיֶ֖ה בַּמַּחֲנֹ֣ות הָהֵ֑מָּה כַּמַּגֵּפָ֖ה הַזֹּֽאת׃ | 15 |
At magiging gayon ang salot sa kabayo, sa mula, sa kamelyo, at sa asno, at sa lahat ng hayop na naroroon, sa mga kampamentong yaon, na gaya ng salot na ito.
וְהָיָ֗ה כָּל־הַנֹּותָר֙ מִכָּל־הַגֹּויִ֔ם הַבָּאִ֖ים עַל־יְרֽוּשָׁלָ֑͏ִם וְעָל֞וּ מִדֵּ֧י שָׁנָ֣ה בְשָׁנָ֗ה לְהִֽשְׁתַּחֲוֹת֙ לְמֶ֙לֶךְ֙ יְהוָ֣ה צְבָאֹ֔ות וְלָחֹ֖ג אֶת־חַ֥ג הַסֻּכֹּֽות׃ | 16 |
At mangyayari, na bawa't maiwan, sa lahat na bansa na naparoon laban sa Jerusalem ay aahon taon-taon upang sumamba sa Hari, sa Panginoon ng mga hukbo, at upang ipangilin ang mga kapistahan ng mga balag.
וְ֠הָיָה אֲשֶׁ֨ר לֹֽא־יַעֲלֶ֜ה מֵאֵ֨ת מִשְׁפְּחֹ֤ות הָאָ֙רֶץ֙ אֶל־יְר֣וּשָׁלַ֔͏ִם לְהִֽשְׁתַּחֲוֹ֔ת לְמֶ֖לֶךְ יְהוָ֣ה צְבָאֹ֑ות וְלֹ֥א עֲלֵיהֶ֖ם יִהְיֶ֥ה הַגָּֽשֶׁם׃ | 17 |
At mangyayari, na ang sinoman sa mga angkan sa lupa na hindi umahon sa Jerusalem upang sumamba sa Hari, sa Panginoon ng mga hukbo, sila'y mawawalan ng ulan.
וְאִם־מִשְׁפַּ֨חַת מִצְרַ֧יִם לֹֽא־תַעֲלֶ֛ה וְלֹ֥א בָאָ֖ה וְלֹ֣א עֲלֵיהֶ֑ם תִּֽהְיֶ֣ה הַמַּגֵּפָ֗ה אֲשֶׁ֨ר יִגֹּ֤ף יְהוָה֙ אֶת־הַגֹּויִ֔ם אֲשֶׁר֙ לֹ֣א יַֽעֲל֔וּ לָחֹ֖ג אֶת־חַ֥ג הַסֻּכֹּֽות׃ | 18 |
At kung ang angkan ng Egipto ay hindi umahon at hindi pumaroon, mawawalan din ng ulan sila, magkakaroon ng salot, na ipinanalot ng Panginoon sa mga bansa na hindi magsisiahon upang ipagdiwang ang kapistahan ng mga balag.
זֹ֥את תִּהְיֶ֖ה חַטַּ֣את מִצְרָ֑יִם וְחַטַּאת֙ כָּל־הַגֹּויִ֔ם אֲשֶׁר֙ לֹ֣א יַֽעֲל֔וּ לָחֹ֖ג אֶת־חַ֥ג הַסֻּכֹּֽות׃ | 19 |
Ito ang magiging kaparusahan sa Egipto, at kaparusahan sa lahat na bansa na hindi magsisiahon upang ipagdiwang ang kapistahan ng mga balag.
בַּיֹּ֣ום הַה֗וּא יִֽהְיֶה֙ עַל־מְצִלֹּ֣ות הַסּ֔וּס קֹ֖דֶשׁ לַֽיהוָ֑ה וְהָיָ֤ה הַסִּירֹות֙ בְּבֵ֣ית יְהוָ֔ה כַּמִּזְרָקִ֖ים לִפְנֵ֥י הַמִּזְבֵּֽחַ׃ | 20 |
Sa araw na yaon ay magkakaroon sa mga kampanilya ng mga kabayo, KABANALAN SA PANGINOON; at ang mga palyok sa bahay ng Panginoon ay magiging gaya ng mga taza sa harap ng dambana.
וְ֠הָיָה כָּל־סִ֨יר בִּירוּשָׁלַ֜͏ִם וּבִֽיהוּדָ֗ה קֹ֚דֶשׁ לַיהוָ֣ה צְבָאֹ֔ות וּבָ֙אוּ֙ כָּל־הַזֹּ֣בְחִ֔ים וְלָקְח֥וּ מֵהֶ֖ם וּבִשְּׁל֣וּ בָהֶ֑ם וְלֹא־יִהְיֶ֨ה כְנַעֲנִ֥י עֹ֛וד בְּבֵית־יְהוָ֥ה צְבָאֹ֖ות בַּיֹּ֥ום הַהֽוּא׃ | 21 |
Oo, bawa't palyok sa Jerusalem at sa Juda ay aariing banal sa Panginoon ng mga hukbo; at silang lahat na nangaghahain ay magsisiparoon at magsisikuha niyaon, at magpapakulo roon: at sa araw na yaon ay hindi na magkakaroon pa ng Cananeo sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo.