< תְהִלִּים 83 >
שִׁ֖יר מִזְמֹ֣ור לְאָסָֽף׃ אֱלֹהִ֥ים אַל־דֳּמִי־לָ֑ךְ אַל־תֶּחֱרַ֖שׁ וְאַל־תִּשְׁקֹ֣ט אֵֽל׃ | 1 |
O Diyos, huwag kang manahimik! Huwag mo kaming isawalang bahala at manatiling hindi kumikilos, O Diyos.
כִּֽי־הִנֵּ֣ה אֹ֭ויְבֶיךָ יֶהֱמָי֑וּן וּ֝מְשַׂנְאֶ֗יךָ נָ֣שְׂאוּ רֹֽאשׁ׃ | 2 |
Tingnan mo, ang iyong mga kaaway ay nanggugulo, at ang mga napopoot sa iyo ay nagmamataas.
עַֽל־עַ֭מְּךָ יַעֲרִ֣ימוּ סֹ֑וד וְ֝יִתְיָעֲצ֗וּ עַל־צְפוּנֶֽיךָ׃ | 3 |
(Sila) ay nagsasabwatan laban sa iyong bayan at magkakasamang nagbabalak laban sa iyong mga pinangangalagaan.
אָמְר֗וּ לְ֭כוּ וְנַכְחִידֵ֣ם מִגֹּ֑וי וְלֹֽא־יִזָּכֵ֖ר שֵֽׁם־יִשְׂרָאֵ֣ל עֹֽוד׃ | 4 |
Sinabi nila, “Halina, at wasakin natin (sila) bilang isang bansa. Sa gayon ang pangalan ng Israel ay hindi na maaalala pa.”
כִּ֤י נֹועֲצ֣וּ לֵ֣ב יַחְדָּ֑ו עָ֝לֶ֗יךָ בְּרִ֣ית יִכְרֹֽתוּ׃ | 5 |
Sama-sama silang nagbalak ng isang mahusay na paraan; gumawa (sila) ng alyansa laban sa iyo.
אָהֳלֵ֣י אֱ֭דֹום וְיִשְׁמְעֵאלִ֗ים מֹואָ֥ב וְהַגְרֽ͏ִים׃ | 6 |
Kabilang dito ang mga tolda ng Edom at ang mga Ismaelita, at ang mga mamamayan ng Moab at ang Agarenos, na nagbalak ng masama kasama nina
גְּבָ֣ל וְ֭עַמֹּון וַעֲמָלֵ֑ק פְּ֝לֶ֗שֶׁת עִם־יֹ֥שְׁבֵי צֹֽור׃ | 7 |
Gebal, Ammon, Amalek; kabilang din dito ang Filistia at ang mga nakatira sa Tiro.
גַּם־אַ֭שּׁוּר נִלְוָ֣ה עִמָּ֑ם הָ֤י֥וּ זְרֹ֖ועַ לִבְנֵי־לֹ֣וט סֶֽלָה׃ | 8 |
Ang Asiria ay kaanib din nila; (sila) ay tumutulong sa kaapu-apuhan ni Lot. (Selah)
עֲשֵֽׂה־לָהֶ֥ם כְּמִדְיָ֑ן כְּֽסִֽיסְרָ֥א כְ֝יָבִ֗ין בְּנַ֣חַל קִישֹֽׁון׃ | 9 |
Gawin mo sa kanila ang tulad ng ginawa mo sa Midian, sa Sisera at sa Jabi sa Ilog ng Kison.
נִשְׁמְד֥וּ בְֽעֵין־דֹּ֑אר הָ֥יוּ דֹּ֝֗מֶן לָאֲדָמָֽה׃ | 10 |
Namatay (sila) sa Endor at naging tulad ng pataba sa lupa.
שִׁיתֵ֣מֹו נְ֭דִיבֵמֹו כְּעֹרֵ֣ב וְכִזְאֵ֑ב וּֽכְזֶ֥בַח וּ֝כְצַלְמֻנָּ֗ע כָּל־נְסִיכֵֽמֹו׃ | 11 |
Gawin mong tulad nina Oreb at Zeeb ang kanilang mga maharlika, at lahat ng kanilang mga prinsipe tulad nina Zeba at Zalmuna.
אֲשֶׁ֣ר אָ֭מְרוּ נִ֣ירֲשָׁה לָּ֑נוּ אֵ֝֗ת נְאֹ֣ות אֱלֹהִֽים׃ | 12 |
Sinabi nila, “Kunin natin ang mga pastulan ng Diyos.”
אֱֽלֹהַ֗י שִׁיתֵ֥מֹו כַגַּלְגַּ֑ל כְּ֝קַ֗שׁ לִפְנֵי־רֽוּחַ׃ | 13 |
Aking Diyos, gawin mo silang tulad ng ipo-ipong alikabok, tulad ng ipa sa hangin,
כְּאֵ֥שׁ תִּבְעַר־יָ֑עַר וּ֝כְלֶהָבָ֗ה תְּלַהֵ֥ט הָרִֽים׃ | 14 |
tulad ng apoy na sumusunog sa gubat, at tulad ng apoy na sumusunog sa kabundukan.
כֵּ֭ן תִּרְדְּפֵ֣ם בְּסַעֲרֶ֑ךָ וּבְסוּפָתְךָ֥ תְבַהֲלֵֽם׃ | 15 |
Habulin mo (sila) ng iyong malakas na hangin, at sindakin (sila) ng iyong bagyo.
מַלֵּ֣א פְנֵיהֶ֣ם קָלֹ֑ון וִֽיבַקְשׁ֖וּ שִׁמְךָ֣ יְהוָֽה׃ | 16 |
Balutan mo ang kanilang mga mukha ng kahihiyan para hanapin nila ang iyong mukha, Yahweh.
יֵבֹ֖שׁוּ וְיִבָּהֲל֥וּ עֲדֵי־עַ֗ד וְֽיַחְפְּר֥וּ וְיֹאבֵֽדוּ׃ | 17 |
Nawa mailagay (sila) sa kahihiyan at masindak magpakailanman; nawa ay mamatay (sila) sa kahihiyan.
וֽ͏ְיֵדְע֗וּ כִּֽי־אַתָּ֬ה שִׁמְךָ֣ יְהוָ֣ה לְבַדֶּ֑ךָ עֶ֝לְיֹ֗ון עַל־כָּל־הָאָֽרֶץ׃ | 18 |
At malalaman nila na ikaw lamang, Yahweh, ang Kataas-taasan sa buong mundo.