< תְהִלִּים 48 >
שִׁ֥יר מִ֝זְמֹור לִבְנֵי־קֹֽרַח׃ גָּ֘דֹ֤ול יְהוָ֣ה וּמְהֻלָּ֣ל מְאֹ֑ד בְּעִ֥יר אֱ֝לֹהֵ֗ינוּ הַר־קָדְשֹֽׁו׃ | 1 |
Dakila ang Panginoon, at marapat pakapurihin, sa bayan ng aming Dios, sa kaniyang banal na bundok.
יְפֵ֥ה נֹוף֮ מְשֹׂ֪ושׂ כָּל־הָ֫אָ֥רֶץ הַר־צִ֭יֹּון יַרְכְּתֵ֣י צָפֹ֑ון קִ֝רְיַ֗ת מֶ֣לֶךְ רָֽב׃ | 2 |
Maganda sa kataasan, ang kagalakan ng buong lupa, siyang bundok ng Sion, sa mga dako ng hilagaan, na bayan ng dakilang Hari.
אֱלֹהִ֥ים בְּאַרְמְנֹותֶ֗יהָ נֹודַ֥ע לְמִשְׂגָּֽב׃ | 3 |
Ang Dios ay napakilala sa kaniyang mga bahay-hari, na pinakakanlungan.
כִּֽי־הִנֵּ֣ה הַ֭מְּלָכִים נֹֽועֲד֑וּ עָבְר֥וּ יַחְדָּֽו׃ | 4 |
Sapagka't narito, ang mga hari ay nagpupulong, sila'y nagsidaang magkakasama.
הֵ֣מָּה רָ֭אוּ כֵּ֣ן תָּמָ֑הוּ נִבְהֲל֥וּ נֶחְפָּֽזוּ׃ | 5 |
Kanilang nakita, nagsipanggilalas nga (sila) sila'y nanganglupaypay, sila'y nangagmadaling tumakas.
רְ֭עָדָה אֲחָזָ֣תַם שָׁ֑ם חִ֝֗יל כַּיֹּולֵֽדָה׃ | 6 |
Panginginig ay humawak sa kanila roon; sakit, gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam.
בְּר֥וּחַ קָדִ֑ים תְּ֝שַׁבֵּ֗ר אֳנִיֹּ֥ות תַּרְשִֽׁישׁ׃ | 7 |
Sa pamamagitan ng hanging silanganan iyong binabasag ang mga sasakyan sa Tharsis.
כַּאֲשֶׁ֤ר שָׁמַ֨עְנוּ ׀ כֵּ֤ן רָאִ֗ינוּ בְּעִיר־יְהוָ֣ה צְ֭בָאֹות בְּעִ֣יר אֱלֹהֵ֑ינוּ אֱלֹ֘הִ֤ים יְכֹונְנֶ֖הָ עַד־עֹולָ֣ם סֶֽלָה׃ | 8 |
Kung ano ang aming narinig, ay gayon ang aming nakita sa bayan ng Panginoon ng mga hukbo, sa bayan ng aming Dios: itatatag ito ng Dios magpakailan man. (Selah)
דִּמִּ֣ינוּ אֱלֹהִ֣ים חַסְדֶּ֑ךָ בְּ֝קֶ֗רֶב הֵיכָלֶֽךָ׃ | 9 |
Aming inaalaala ang iyong kagandahang-loob, Oh Dios, sa gitna ng iyong templo.
כְּשִׁמְךָ֤ אֱלֹהִ֗ים כֵּ֣ן תְּ֭הִלָּתְךָ עַל־קַצְוֵי־אֶ֑רֶץ צֶ֝֗דֶק מָלְאָ֥ה יְמִינֶֽךָ׃ | 10 |
Kung ano ang iyong pangalan, Oh Dios, gayon ang pagpuri sa iyo hanggang sa mga wakas ng lupa; ang iyong kanan ay puspos ng katuwiran.
יִשְׂמַ֤ח ׀ הַר־צִיֹּ֗ון תָּ֭גֵלְנָה בְּנֹ֣ות יְהוּדָ֑ה לְ֝מַ֗עַן מִשְׁפָּטֶֽיךָ׃ | 11 |
Matuwa ka bundok ng Sion, magalak ang mga anak na babae ng Juda, dahil sa iyong mga kahatulan.
סֹ֣בּוּ צִ֭יֹּון וְהַקִּיפ֑וּהָ סִ֝פְר֗וּ מִגְדָּלֶֽיהָ׃ | 12 |
Libutin ninyo ang Sion, at inyong ligirin siya: inyong saysayin ang mga moog niyaon.
שִׁ֤יתוּ לִבְּכֶ֨ם ׀ לְֽחֵילָ֗ה פַּסְּג֥וּ אַרְמְנֹותֶ֑יהָ לְמַ֥עַן תְּ֝סַפְּר֗וּ לְדֹ֣ור אַחֲרֹֽון׃ | 13 |
Tandaan ninyong mabuti ang kaniyang mga kuta, inyong masdan ang kaniyang mga bahay-hari; upang inyong maisaysay ito sa susunod na lahi.
כִּ֤י זֶ֨ה ׀ אֱלֹהִ֣ים אֱ֭לֹהֵינוּ עֹולָ֣ם וָעֶ֑ד ה֖וּא יְנַהֲגֵ֣נוּ עַל־מֽוּת׃ | 14 |
Sapagka't ang Dios na ito ay ating Dios magpakailan-kailan man: siya'y magiging ating patnubay hanggang sa kamatayan.