< יְחֶזְקֵאל 16 >

וַיְהִ֥י דְבַר־יְהוָ֖ה אֵלַ֥י לֵאמֹֽר׃ 1
Muling ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi.
בֶּן־אָדָ֕ם הֹודַ֥ע אֶת־יְרוּשָׁלַ֖͏ִם אֶת־תֹּועֲבֹתֶֽיהָ׃ 2
Anak ng tao, ipakilala mo sa Jerusalem ang kaniyang mga kasuklamsuklam.
וְאָמַרְתָּ֞ כֹּה־אָמַ֨ר אֲדֹנָ֤י יְהוִה֙ לִיר֣וּשָׁלַ֔͏ִם מְכֹרֹתַ֙יִךְ֙ וּמֹ֣לְדֹתַ֔יִךְ מֵאֶ֖רֶץ הַֽכְּנַעֲנִ֑י אָבִ֥יךְ הָאֱמֹרִ֖י וְאִמֵּ֥ךְ חִתִּֽית׃ 3
At sabihin mo, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa Jerusalem: Ang iyong pinagmulan at ang iyong kapanganakan ay ang lupain ng Cananeo; ang Amorrheo ay iyong Ama, at ang iyong ina ay Hethea.
וּמֹולְדֹותַ֗יִךְ בְּיֹ֨ום הוּלֶּ֤דֶת אֹתָךְ֙ לֹֽא־כָרַּ֣ת שָׁרֵּ֔ךְ וּבְמַ֥יִם לֹֽא־רֻחַ֖צְתְּ לְמִשְׁעִ֑י וְהָמְלֵ֙חַ֙ לֹ֣א הֻמְלַ֔חַתְּ וְהָחְתֵּ֖ל לֹ֥א חֻתָּֽלְתְּ׃ 4
At tungkol sa iyong kapanganakan, nang araw na ikaw ay ipanganak ay hindi naputol ang iyong pusod, o napaliguan ka man sa tubig upang linisin ka; ikaw ay hindi pinahiran ng asin, o nabalot man.
לֹא־חָ֨סָה עָלַ֜יִךְ עַ֗יִן לַעֲשֹׂ֥ות לָ֛ךְ אַחַ֥ת מֵאֵ֖לֶּה לְחֻמְלָ֣ה עָלָ֑יִךְ וַֽתֻּשְׁלְכִ֞י אֶל־פְּנֵ֤י הַשָּׂדֶה֙ בְּגֹ֣עַל נַפְשֵׁ֔ךְ בְּיֹ֖ום הֻלֶּ֥דֶת אֹתָֽךְ׃ 5
Walang matang nahabag sa iyo; upang gawin ang anoman sa mga ito sa iyo, na maawa sa iyo; kundi ikaw ay nahagis sa luwal na parang, sapagka't ang iyong pagkatao ay itinakuwil, nang araw na ikaw ay ipanganak.
וָאֶעֱבֹ֤ר עָלַ֙יִךְ֙ וָֽאֶרְאֵ֔ךְ מִתְבֹּוסֶ֖סֶת בְּדָמָ֑יִךְ וָאֹ֤מַר לָךְ֙ בְּדָמַ֣יִךְ חֲיִ֔י וָאֹ֥מַר לָ֖ךְ בְּדָמַ֥יִךְ חֲיִֽי׃ 6
At nang ako'y dumaan sa tabi mo, at makita kita na nagugumon sa iyong dugo, sinabi ko sa iyo, Bagaman ikaw ay nagugumon sa iyong dugo, mabuhay ka: oo, sinabi ko sa iyo, Bagaman ikaw ay nagugumon sa iyong dugo, mabuhay ka.
רְבָבָ֗ה כְּצֶ֤מַח הַשָּׂדֶה֙ נְתַתִּ֔יךְ וַתִּרְבִּי֙ וַֽתִּגְדְּלִ֔י וַתָּבֹ֖אִי בַּעֲדִ֣י עֲדָיִ֑ים שָׁדַ֤יִם נָכֹ֙נוּ֙ וּשְׂעָרֵ֣ךְ צִמֵּ֔חַ וְאַ֖תְּ עֵרֹ֥ם וְעֶרְיָֽה׃ 7
Pinarami kita na parang damo sa parang, at ikaw ay kumapal at dumakilang mainam, at ikaw ay nagtamo ng mainam na kagayakan: ang iyong dibdib ay naganyo, at ang iyong buhok ay lumago; gayon ma'y ikaw ay hubo at hubad.
וָאֶעֱבֹ֨ר עָלַ֜יִךְ וָאֶרְאֵ֗ךְ וְהִנֵּ֤ה עִתֵּךְ֙ עֵ֣ת דֹּדִ֔ים וָאֶפְרֹ֤שׂ כְּנָפִי֙ עָלַ֔יִךְ וָאֲכַסֶּ֖ה עֶרְוָתֵ֑ךְ וָאֶשָּׁ֣בַֽע לָ֠ךְ וָאָבֹ֨וא בִבְרִ֜ית אֹתָ֗ךְ נְאֻ֛ם אֲדֹנָ֥י יְהוִ֖ה וַתִּ֥הְיִי לִֽי׃ 8
Nang ako nga'y magdaan sa tabi mo, at tumingin sa iyo, narito, ang iyong panahon ay panahon ng pagibig; at aking iniladlad ang aking balabal sa iyo, at tinakpan ko ang iyong kahubaran: oo, ako'y sumumpa sa iyo, at nakipagtipan sa iyo, sabi ng Panginoong Dios, at ikaw ay naging akin.
וָאֶרְחָצֵ֣ךְ בַּמַּ֔יִם וָאֶשְׁטֹ֥ף דָּמַ֖יִךְ מֵֽעָלָ֑יִךְ וָאֲסֻכֵ֖ךְ בַּשָּֽׁמֶן׃ 9
Nang magkagayo'y pinaliguan kita ng tubig; oo, aking nilinis na mainam ang iyong dugo, at pinahiran kita ng langis.
וָאַלְבִּישֵׁ֣ךְ רִקְמָ֔ה וָאֶנְעֲלֵ֖ךְ תָּ֑חַשׁ וָאֶחְבְּשֵׁ֣ךְ בַּשֵּׁ֔שׁ וַאֲכַסֵּ֖ךְ מֶֽשִׁי׃ 10
Binihisan din naman kita ng yaring may burda, at sinapatusan kita ng balat ng foka, at binigkisan kita sa palibot ng mainam na kayong lino, at binalot kita ng sutla.
וָאֶעְדֵּ֖ךְ עֶ֑דִי וָאֶתְּנָ֤ה צְמִידִים֙ עַל־יָדַ֔יִךְ וְרָבִ֖יד עַל־גְּרֹונֵֽךְ׃ 11
Ginayakan din naman kita ng hiyas, at nilagyan ko ng mga pulsera ang iyong mga kamay, at ng isang kuwintas ang iyong leeg.
וָאֶתֵּ֥ן נֶ֙זֶם֙ עַל־אַפֵּ֔ךְ וַעֲגִילִ֖ים עַל־אָזְנָ֑יִךְ וַעֲטֶ֥רֶת תִּפְאֶ֖רֶת בְּרֹאשֵֽׁךְ׃ 12
At nilagyan ko ng hikaw ang iyong ilong, at ng mga hikaw ang iyong mga tainga, at isang magandang putong ang iyong ulo.
וַתַּעְדִּ֞י זָהָ֣ב וָכֶ֗סֶף וּמַלְבּוּשֵׁךְ֙ שֵׁשִׁי (שֵׁ֤שׁ) וָמֶ֙שִׁי֙ וְרִקְמָ֔ה סֹ֧לֶת וּדְבַ֛שׁ וָשֶׁ֖מֶן אָכָלְתִּי (אָכָ֑לְתְּ) וַתִּ֙יפִי֙ בִּמְאֹ֣ד מְאֹ֔ד וַֽתִּצְלְחִ֖י לִמְלוּכָֽה׃ 13
Ganito ka nagayakan ng ginto at pilak; at ang iyong damit ay mainam na kayong lino, at sutla at yaring may burda; ikaw ay kumain ng mainam na harina, at ng pulot, at ng langis; at ikaw ay lubhang maganda, at ikaw ay guminhawa sa kalagayang pagkahari.
וַיֵּ֨צֵא לָ֥ךְ שֵׁ֛ם בַּגֹּויִ֖ם בְּיָפְיֵ֑ךְ כִּ֣י ׀ כָּלִ֣יל ה֗וּא בַּֽהֲדָרִי֙ אֲשֶׁר־שַׂ֣מְתִּי עָלַ֔יִךְ נְאֻ֖ם אֲדֹנָ֥י יְהוִֽה׃ 14
At ang iyong kabantugan ay nangalat sa gitna ng mga bansa dahil sa iyong kagandahan; sapagka't naging sakdal dahil sa aking kamahalan na aking inilagay sa iyo, sabi ng Panginoong Dios.
וַתִּבְטְחִ֣י בְיָפְיֵ֔ךְ וַתִּזְנִ֖י עַל־שְׁמֵ֑ךְ וַתִּשְׁפְּכִ֧י אֶת־תַּזְנוּתַ֛יִךְ עַל־כָּל־עֹובֵ֖ר לֹו־יֶֽהִי׃ 15
Nguni't ikaw ay tumiwala sa iyong kagandahan, at nagpatutot dahil sa iyong kabantugan, at ikinalat mo ang iyong mga pakikiapid sa bawa't nagdaraan; yao'y kaniya nga.
וַתִּקְחִ֣י מִבְּגָדַ֗יִךְ וַתַּֽעֲשִׂי־לָךְ֙ בָּמֹ֣ות טְלֻאֹ֔ות וַתִּזְנִ֖י עֲלֵיהֶ֑ם לֹ֥א בָאֹ֖ות וְלֹ֥א יִהְיֶֽה׃ 16
At kinuha mo ang iyong mga suot, at ginawa mo para sa iyo ang mga mataas na dako na kagayakan na may sarisaring kulay, at nagpatutot sa kanila: ang gayong mga bagay ay hindi na darating, o mangyayari pa man.
וַתִּקְחִ֞י כְּלֵ֣י תִפְאַרְתֵּ֗ךְ מִזְּהָבִ֤י וּמִכַּסְפִּי֙ אֲשֶׁ֣ר נָתַ֣תִּי לָ֔ךְ וַתַּעֲשִׂי־לָ֖ךְ צַלְמֵ֣י זָכָ֑ר וַתִּזְנִי־בָֽם׃ 17
Kinuha mo naman ang iyong mga magandang hiyas na ginto at pilak, na aking ibinigay sa iyo, at ginawa mo sa iyo ng mga larawan ng mga tao, at iyong ipinagpatutot sa kanila;
וַתִּקְחִ֛י אֶת־בִּגְדֵ֥י רִקְמָתֵ֖ךְ וַתְּכַסִּ֑ים וְשַׁמְנִי֙ וּקְטָרְתִּ֔י נָתַתִּי (נָתַ֖תְּ) לִפְנֵיהֶֽם׃ 18
At iyong kinuha ang iyong mga bihisang may burda, at ibinalot mo sa kanila, at inilagay mo ang aking langis at ang aking kamangyan sa harap nila.
וְלַחְמִי֩ אֲשֶׁר־נָתַ֨תִּי לָ֜ךְ סֹ֣לֶת וָשֶׁ֤מֶן וּדְבַשׁ֙ הֶֽאֱכַלְתִּ֔יךְ וּנְתַתִּ֧יהוּ לִפְנֵיהֶ֛ם לְרֵ֥יחַ נִיחֹ֖חַ וַיֶּ֑הִי נְאֻ֖ם אֲדֹנָ֥י יְהוִֽה׃ 19
Ang aking tinapay naman na aking ibinigay sa iyo, mainam na harina, at langis, pulot, na aking ipinakain sa iyo, iyong inilagay nga sa harap nila na pinakamasarap na amoy; at ganito nangyari, sabi ng Panginoong Dios.
וַתִּקְחִ֞י אֶת־בָּנַ֤יִךְ וְאֶת־בְּנֹותַ֙יִךְ֙ אֲשֶׁ֣ר יָלַ֣דְתְּ לִ֔י וַתִּזְבָּחִ֥ים לָהֶ֖ם לֶאֱכֹ֑ול הַמְעַ֖ט מִתַּזְנֻתֵךְ (מִתַּזְנוּתָֽיִךְ)׃ 20
Bukod dito'y kinuha mo ang iyong mga anak na lalake at babae, na iyong ipinanganak sa akin, at ang mga ito ay iyong inihain sa kanila upang lamunin. Ang iyo bagang mga pakikiapid ay maliit na bagay.
וַֽתִּשְׁחֲטִ֖י אֶת־בָּנָ֑י וַֽתִּתְּנִ֔ים בְּהַעֲבִ֥יר אֹותָ֖ם לָהֶֽם׃ 21
Na iyong pinatay ang aking mga anak, at iyong ibinigay sila na pinararaan sila sa apoy?
וְאֵ֤ת כָּל־תֹּועֲבֹתַ֙יִךְ֙ וְתַזְנֻתַ֔יִךְ לֹ֥א זָכַרְתִּי (זָכַ֖רְתְּ) אֶת־יְמֵ֣י נְעוּרָ֑יִךְ בִּֽהְיֹותֵךְ֙ עֵרֹ֣ם וְעֶרְיָ֔ה מִתְבֹּוסֶ֥סֶת בְּדָמֵ֖ךְ הָיִֽית׃ 22
At sa lahat ng iyong mga kasuklamsuklam, at ng iyong mga pakikiapid hindi mo inalaala ang mga kaarawan ng iyong kabataan, nang ikaw ay hubo at hubad, at nagugumon sa iyong dugo.
וַיְהִ֕י אַחֲרֵ֖י כָּל־רָעָתֵ֑ךְ אֹ֣וי אֹ֣וי לָ֔ךְ נְאֻ֖ם אֲדֹנָ֥י יְהוִֽה׃ 23
At nangyari, pagkatapos ng iyong buong kasamaan (sa aba, sa aba mo! sabi ng Panginoong Dios),
וַתִּבְנִי־לָ֖ךְ גֶּ֑ב וַתַּעֲשִׂי־לָ֥ךְ רָמָ֖ה בְּכָל־רְחֹֽוב׃ 24
Na ikaw ay nagtayo para sa iyo ng isang matayog na dako, at gumawa ka para sa iyo ng mataas na dako sa bawa't lansangan.
אֶל־כָּל־רֹ֣אשׁ דֶּ֗רֶךְ בָּנִית֙ רָֽמָתֵ֔ךְ וַתְּתַֽעֲבִי֙ אֶת־יָפְיֵ֔ךְ וַתְּפַשְּׂקִ֥י אֶת־רַגְלַ֖יִךְ לְכָל־עֹובֵ֑ר וַתַּרְבִּ֖י אֶת־תַּזְנֻתֵךְ (תַּזְנוּתָֽיִךְ)׃ 25
Itinayo mo ang iyong mataas na dako sa bawa't bukana ng daan, at ginawa mong kasuklamsuklam ang iyong kagandahan, at ibinuka mo ang iyong mga paa sa bawa't nagdaraan, at pinarami mo ang iyong pakikiapid.
וַתִּזְנִ֧י אֶל־בְּנֵֽי־מִצְרַ֛יִם שְׁכֵנַ֖יִךְ גִּדְלֵ֣י בָשָׂ֑ר וַתַּרְבִּ֥י אֶת־תַּזְנֻתֵ֖ךְ לְהַכְעִיסֵֽנִי׃ 26
Ikaw naman ay nakiapid din sa mga taga Egipto, na iyong mga kalapit bayan, na malaki sa pangangatawan; at iyong pinarami ang iyong pakikiapid upang mungkahiin mo ako sa galit.
וְהִנֵּ֨ה נָטִ֤יתִי יָדִי֙ עָלַ֔יִךְ וָאֶגְרַ֖ע חֻקֵּ֑ךְ וָאֶתְּנֵ֞ךְ בְּנֶ֤פֶשׁ שֹׂנְאֹותַ֙יִךְ֙ בְּנֹ֣ות פְּלִשְׁתִּ֔ים הַנִּכְלָמֹ֖ות מִדַּרְכֵּ֥ךְ זִמָּֽה׃ 27
Narito nga, iniunat ko ang aking kamay sa iyo, at binawasan ko ang iyong karaniwang pagkain, at ibinigay kita sa balang maibigan ng nangagtatanim sa iyo, na mga anak na babae ng mga Filisteo, na nangapapahiya sa iyong kalibugan.
וַתִּזְנִי֙ אֶל־בְּנֵ֣י אַשּׁ֔וּר מִבִּלְתִּ֖י שָׂבְעָתֵ֑ךְ וַתִּזְנִ֕ים וְגַ֖ם לֹ֥א שָׂבָֽעַתְּ׃ 28
Ikaw naman ay nagpatutot din sa mga taga Asiria, sapagka't ikaw ay hindi nasisiyahan: oo, ikaw ay nagpatutot sa kanila, at gayon ma'y hindi ka nasisiyahan.
וַתַּרְבִּ֧י אֶת־תַּזְנוּתֵ֛ךְ אֶל־אֶ֥רֶץ כְּנַ֖עַן כַּשְׂדִּ֑ימָה וְגַם־בְּזֹ֖את לֹ֥א שָׂבָֽעַתְּ׃ 29
Bukod dito'y iyong pinarami ang iyong pakikiapid sa lupain ng Canaan, hanggang sa Caldea; at gayon ma'y hindi ka nasisiyahan.
מָ֤ה אֲמֻלָה֙ לִבָּתֵ֔ךְ נְאֻ֖ם אֲדֹנָ֣י יְהוִ֑ה בַּעֲשֹׂותֵךְ֙ אֶת־כָּל־אֵ֔לֶּה מַעֲשֵׂ֥ה אִשָּֽׁה־זֹונָ֖ה שַׁלָּֽטֶת׃ 30
Pagkahinahina ng iyong loob, sabi ng Panginoong Dios, palibhasa'y iyong ginagawa ang lahat na bagay na ito, na gawa ng isang hambog na patutot:
בִּבְנֹותַ֤יִךְ גַּבֵּךְ֙ בְּרֹ֣אשׁ כָּל־דֶּ֔רֶךְ וְרָמָתֵ֥ךְ עָשִׂיתִי (עָשִׂ֖ית) בְּכָל־רְחֹ֑וב וְלֹא־הָיִיתי (הָיִ֥ית) כַּזֹּונָ֖ה לְקַלֵּ֥ס אֶתְנָֽן׃ 31
Sa iyong pagtatayo ng iyong matayog na dako sa bukana ng bawa't daan, at ginagawa mo ang iyong mataas na dako sa bawa't lansangan; at hindi ka naging gaya ng isang patutot sa iyong pagwawalang kabuluhan ng upa.
הָאִשָּׁ֖ה הַמְּנָאָ֑פֶת תַּ֣חַת אִישָׁ֔הּ תִּקַּ֖ח אֶת־זָרִֽים׃ 32
Isang babae na napakakalunya! na tumatanggap sa iba na kahalili ng kaniyang asawa!
לְכָל־זֹנֹ֖ות יִתְּנוּ־נֵ֑דֶה וְאַ֨תְּ נָתַ֤תְּ אֶת־נְדָנַ֙יִךְ֙ לְכָל־מְאַֽהֲבַ֔יִךְ וַתִּשְׁחֳדִ֣י אֹותָ֗ם לָבֹ֥וא אֵלַ֛יִךְ מִסָּבִ֖יב בְּתַזְנוּתָֽיִךְ׃ 33
Sila'y nagbibigay ng mga kaloob sa lahat ng mga patutot: nguni't ikaw ay nagbibigay ng iyong mga kaloob sa lahat na mangliligaw sa iyo, at iyong sinusuhulan sila, upang sila'y magsilapit sa iyo sa bawa't dako, dahil sa iyong mga pakikiapid.
וַיְהִי־בָ֨ךְ הֵ֤פֶךְ מִן־הַנָּשִׁים֙ בְּתַזְנוּתַ֔יִךְ וְאַחֲרַ֖יִךְ לֹ֣א זוּנָּ֑ה וּבְתִתֵּ֣ךְ אֶתְנָ֗ן וְאֶתְנַ֛ן לֹ֥א נִתַּן־לָ֖ךְ וַתְּהִ֥י לְהֶֽפֶךְ׃ 34
At ang kaibahan ng ibang mga babae ay nasa iyo sa iyong mga pakikiapid, sa paraang walang sumusunod sa iyo upang makiapid: at sa iyong pagbibigay ng upa, at walang upa na ibinibigay sa iyo, kaya't ikaw ay kaiba.
לָכֵ֣ן זֹונָ֔ה שִׁמְעִ֖י דְּבַר־יְהוָֽה׃ פ 35
Kaya't, Oh patutot, pakinggan mo ang salita ng Panginoon:
כֹּֽה־אָמַ֞ר אֲדֹנָ֣י יְהֹוִ֗ה יַ֣עַן הִשָּׁפֵ֤ךְ נְחֻשְׁתֵּךְ֙ וַתִּגָּלֶ֣ה עֶרְוָתֵ֔ךְ בְּתַזְנוּתַ֖יִךְ עַל־מְאַהֲבָ֑יִךְ וְעַל֙ כָּל־גִּלּוּלֵ֣י תֹועֲבֹותַ֔יִךְ וְכִדְמֵ֣י בָנַ֔יִךְ אֲשֶׁ֥ר נָתַ֖תְּ לָהֶֽם׃ 36
Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't ang iyong karumihan ay nahayag, at ang iyong kahubaran ay nalitaw sa iyong mga pakikiapid sa mga mangliligaw sa iyo; at dahil sa lahat ng diosdiosan na iyong mga kasuklamsuklam, at dahil sa dugo ng iyong mga anak, na iyong ibinigay sa kanila;
לָ֠כֵן הִנְנִ֨י מְקַבֵּ֤ץ אֶת־כָּל־מְאַהֲבַ֙יִךְ֙ אֲשֶׁ֣ר עָרַ֣בְתְּ עֲלֵיהֶ֔ם וְאֵת֙ כָּל־אֲשֶׁ֣ר אָהַ֔בְתְּ עַ֖ל כָּל־אֲשֶׁ֣ר שָׂנֵ֑את וְקִבַּצְתִּי֩ אֹתָ֨ם עָלַ֜יִךְ מִסָּבִ֗יב וְגִלֵּיתִ֤י עֶרְוָתֵךְ֙ אֲלֵהֶ֔ם וְרָא֖וּ אֶת־כָּל־עֶרְוָתֵֽךְ׃ 37
Kaya't, narito, aking pipisanin ang lahat na mangingibig sa iyo, na iyong pinagkaroonan ng kalayawan, at lahat ng iyong inibig, sangpu ng lahat na iyong kinapuotan; akin ngang pipisanin sila laban sa iyo sa bawa't dako, at aking ililitaw ang iyong kahubaran sa kanila, upang kanilang makita ang iyong buong kahubaran.
וּשְׁפַטְתִּיךְ֙ מִשְׁפְּטֵ֣י נֹאֲפֹ֔ות וְשֹׁפְכֹ֖ת דָּ֑ם וּנְתַתִּ֕יךְ דַּ֥ם חֵמָ֖ה וְקִנְאָֽה׃ 38
At aking hahatulan ka na gaya ng hatol sa mga babaing nangangalunya at nagbububo ng dugo; at aking dadalhin sa iyo ang dugo ng kapusukan at ng paninibugho.
וְנָתַתִּ֨י אֹותָ֜ךְ בְּיָדָ֗ם וְהָרְס֤וּ גַבֵּךְ֙ וְנִתְּצ֣וּ רָמֹתַ֔יִךְ וְהִפְשִׁ֤יטוּ אֹותָךְ֙ בְּגָדַ֔יִךְ וְלָקְח֖וּ כְּלֵ֣י תִפְאַרְתֵּ֑ךְ וְהִנִּיח֖וּךְ עֵירֹ֥ם וְעֶרְיָֽה׃ 39
Ikaw ay ibibigay ko rin sa kanilang kamay, at kanilang ibabagsak ang iyong matayog na dako, at igigiba ang iyong mga mataas na dako, at kanilang huhubaran ka ng iyong mga suot, at kukunin ang iyong magandang mga hiyas; at kanilang iiwan ka na hubo at hubad.
וְהֶעֱל֤וּ עָלַ֙יִךְ֙ קָהָ֔ל וְרָגְמ֥וּ אֹותָ֖ךְ בָּאָ֑בֶן וּבִתְּק֖וּךְ בְּחַרְבֹותָֽם׃ 40
Sila naman ay mangagaahon ng isang pulutong laban sa iyo, at babatuhin ka nila ng mga bato, at palalagpasan ka ng kanilang mga tabak.
וְשָׂרְפ֤וּ בָתַּ֙יִךְ֙ בָּאֵ֔שׁ וְעָשׂוּ־בָ֣ךְ שְׁפָטִ֔ים לְעֵינֵ֖י נָשִׁ֣ים רַבֹּ֑ות וְהִשְׁבַּתִּיךְ֙ מִזֹּונָ֔ה וְגַם־אֶתְנַ֖ן לֹ֥א תִתְּנִי־עֹֽוד׃ 41
At susunugin nila ng apoy ang iyong mga bahay, at maglalapat ng mga kahatulan sa iyo sa paningin ng maraming babae; at aking patitigilin ka sa pagpapapatutot, at ikaw naman ay hindi na magbibigay pa ng upa.
וַהֲנִחֹתִ֤י חֲמָתִי֙ בָּ֔ךְ וְסָ֥רָה קִנְאָתִ֖י מִמֵּ֑ךְ וְשָׁ֣קַטְתִּ֔י וְלֹ֥א אֶכְעַ֖ס עֹֽוד׃ 42
Sa gayo'y aking papawiin ang aking kapusukan sa iyo, at ang aking paninibugho ay hihiwalay sa iyo, at ako'y matatahimik, at hindi na magagalit pa.
יַ֗עַן אֲשֶׁ֤ר לֹֽא־זָכַרְתִּי (זָכַרְתְּ֙) אֶת־יְמֵ֣י נְעוּרַ֔יִךְ וַתִּרְגְּזִי־לִ֖י בְּכָל־אֵ֑לֶּה וְגַם־אֲנִ֨י הֵ֜א דַּרְכֵּ֣ךְ ׀ בְּרֹ֣אשׁ נָתַ֗תִּי נְאֻם֙ אֲדֹנָ֣י יְהוִ֔ה וְלֹ֤א עָשִׂיתִי (עָשִׂית֙) אֶת־הַזִּמָּ֔ה עַ֖ל כָּל־תֹּועֲבֹתָֽיִךְ׃ 43
Sapagka't hindi mo naalaala ang mga kaarawan ng iyong kabataan, kundi ako'y pinapagiinit mo sa lahat ng mga bagay na ito; kaya't, narito, akin namang pararatingin ang iyong lakad sa iyong ulo, sabi ng Panginoong Dios: at hindi ka na gagawa ng kahalayang ito, na higit kay sa lahat ng iyong mga kasuklamsuklam.
הִנֵּה֙ כָּל־הַמֹּשֵׁ֔ל עָלַ֥יִךְ יִמְשֹׁ֖ל לֵאמֹ֑ר כְּאִמָּ֖ה בִּתָּֽהּ׃ 44
Narito, bawa't sumasambit ng mga kawikaan ay sasambitin ang kawikaang ito laban sa iyo, na sasabihin, Kung ano ang ina, gayon ang kaniyang anak na babae.
בַּת־אִמֵּ֣ךְ אַ֔תְּ גֹּעֶ֥לֶת אִישָׁ֖הּ וּבָנֶ֑יהָ וַאֲחֹ֨ות אֲחֹותֵ֜ךְ אַ֗תְּ אֲשֶׁ֤ר גָּֽעֲ֙לוּ֙ אַנְשֵׁיהֶ֣ן וּבְנֵיהֶ֔ן אִמְּכֶ֣ן חִתִּ֔ית וַאֲבִיכֶ֖ן אֱמֹרִֽי׃ 45
Ikaw ang anak na babae ng iyong ina, na nagtakuwil ng kaniyang asawa at ng kaniyang mga anak; at ikaw ang kapatid ng iyong mga kapatid, na nagtakuwil ng kanilang mga asawa at ng kanilang mga anak: ang inyong ina ay Hetea, at ang inyong ama ay Amorrheo.
וַאֲחֹותֵ֨ךְ הַגְּדֹולָ֤ה שֹֽׁמְרֹון֙ הִ֣יא וּבְנֹותֶ֔יהָ הַיֹּושֶׁ֖בֶת עַל־שְׂמֹאולֵ֑ךְ וַאֲחֹותֵ֞ךְ הַקְּטַנָּ֣ה מִמֵּ֗ךְ הַיֹּושֶׁ֙בֶת֙ מִֽימִינֵ֔ךְ סְדֹ֖ם וּבְנֹותֶֽיהָ׃ 46
At ang iyong panganay na kapatid na babae ay ang Samaria na tumatahan sa iyong kaliwa, siya at ang kaniyang mga anak na babae; at ang iyong bunsong kapatid na babae na tumatahan sa iyong kanan ay Sodoma at ang kaniyang mga anak.
וְלֹ֤א בְדַרְכֵיהֶן֙ הָלַ֔כְתְּ וּבְתֹועֲבֹֽותֵיהֶ֖ן עָשִׂיתִי (עָשִׂ֑ית) כִּמְעַ֣ט קָ֔ט וַתַּשְׁחִ֥תִי מֵהֵ֖ן בְּכָל־דְּרָכָֽיִךְ׃ 47
Gayon ma'y hindi ka lumakad sa kanilang mga lakad, o gumawa man ng ayon sa kanilang kasuklamsuklam, kundi wari napakaliit na bagay, ikaw ay hamak na higit kay sa kanila sa lahat ng iyong mga lakad.
חַי־אָ֗נִי נְאֻם֙ אֲדֹנָ֣י יְהוִ֔ה אִם־עָֽשְׂתָה֙ סְדֹ֣ם אֲחֹותֵ֔ךְ הִ֖יא וּבְנֹותֶ֑יהָ כַּאֲשֶׁ֣ר עָשִׂ֔ית אַ֖תְּ וּבְנֹותָֽיִךְ׃ 48
Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, ang Sodoma na iyong kapatid na babae ay hindi gumawa, siya o ang kaniyang mga anak na babae man, na gaya ng iyong ginawa, ng ginawa mo, at ng iyong mga anak na babae.
הִנֵּה־זֶ֣ה הָיָ֔ה עֲוֹ֖ן סְדֹ֣ם אֲחֹותֵ֑ךְ גָּאֹ֨ון שִׂבְעַת־לֶ֜חֶם וְשַׁלְוַ֣ת הַשְׁקֵ֗ט הָ֤יָה לָהּ֙ וְלִבְנֹותֶ֔יהָ וְיַד־עָנִ֥י וְאֶבְיֹ֖ון לֹ֥א הֶחֱזִֽיקָה׃ 49
Narito, ito ang kasamaan ng iyong kapatid na babae na Sodoma; kapalaluan, kayamuan sa tinapay, at ang malabis na kapahingahan ay nasa kaniya at sa kaniyang mga anak na babae; at hindi man niya pinalakas ang kamay ng dukha at mapagkailangan.
וַֽתִּגְבְּהֶ֔ינָה וַתַּעֲשֶׂ֥ינָה תֹועֵבָ֖ה לְפָנָ֑י וָאָסִ֥יר אֶתְהֶ֖ן כַּאֲשֶׁ֥ר רָאִֽיתִי׃ ס 50
At sila'y palalo at gumawa ng kasuklamsuklam sa harap ko: kaya't aking inalis sila, ayon sa aking minagaling.
וְשֹׁ֣מְרֹ֔ון כַּחֲצִ֥י חַטֹּאתַ֖יִךְ לֹ֣א חָטָ֑אָה וַתַּרְבִּ֤י אֶת־תֹּועֲבֹותַ֙יִךְ֙ מֵהֵ֔נָּה וַתְּצַדְּקִי֙ אֶת־אֲחֹותֵךְ (אֲחֹותַ֔יִךְ) בְּכָל־תֹּועֲבֹותַ֖יִךְ אֲשֶׁ֥ר עָשִׂיתי (עָשִֽׂית)׃ 51
Kahit ang Samaria ay hindi nakagawa ng kalahati ng iyong mga kasalanan, nguni't pinarami mo ang iyong mga kasuklamsuklam na higit kay sa kanila, at iyong pinabuti ang iyong mga kapatid na babae sa pamamagitan ng lahat mong mga kasuklamsuklam na iyong ginawa.
גַּם־אַ֣תְּ ׀ שְׂאִ֣י כְלִמָּתֵ֗ךְ אֲשֶׁ֤ר פִּלַּלְתְּ֙ לַֽאֲחֹותֵ֔ךְ בְּחַטֹּאתַ֛יִךְ אֲשֶׁר־הִתְעַ֥בְתְּ מֵהֵ֖ן תִּצְדַּ֣קְנָה מִמֵּ֑ךְ וְגַם־אַ֥תְּ בֹּ֙ושִׁי֙ וּשְׂאִ֣י כְלִמָּתֵ֔ךְ בְּצַדֶּקְתֵּ֖ךְ אַחְיֹותֵֽךְ׃ 52
Ikaw rin naman, taglayin mo ang iyong sariling kahihiyan, sa iyong paglalapat ng kahatulan sa iyong mga kapatid na babae; sa iyong mga kasalanan na iyong nagawa na higit na kasuklamsuklam kay sa kanila, sila'y lalong matuwid kay sa iyo: oo, malito ka, at taglayin mo ang iyong kahihiyan, sa iyong pagpapabuti sa iyong mga kapatid na babae.
וְשַׁבְתִּי֙ אֶת־שְׁבִ֣יתְהֶ֔ן אֶת־שְׁבִית (שְׁב֤וּת) סְדֹם֙ וּבְנֹותֶ֔יהָ וְאֶת־שְׁבִית (שְׁב֥וּת) שֹׁמְרֹ֖ון וּבְנֹותֶ֑יהָ וּשְׁבִית (וּשְׁב֥וּת) שְׁבִיתַ֖יִךְ בְּתֹוכָֽהְנָה׃ 53
At aking panunumbalikin uli sila mula sa kanilang pagkabihag, sa pagkabihag ng Sodoma at ng kaniyang mga anak na babae, at sa pagkabihag ng Samaria at ng kaniyang mga anak na babae, at sa pagkabihag ng iyong mga bihag sa gitna nila.
לְמַ֙עַן֙ תִּשְׂאִ֣י כְלִמָּתֵ֔ךְ וְנִכְלַ֕מְתְּ מִכֹּ֖ל אֲשֶׁ֣ר עָשִׂ֑ית בְּנַחֲמֵ֖ךְ אֹתָֽן׃ 54
Upang iyong taglayin ang iyong sariling kahihiyan, at ikaw ay mapahiya dahil sa lahat na iyong ginawa sa iyong pagaliw sa kanila.
וַאֲחֹותַ֗יִךְ סְדֹ֤ם וּבְנֹותֶ֙יהָ֙ תָּשֹׁ֣בְןָ לְקַדְמָתָ֔ן וְשֹֽׁמְרֹון֙ וּבְנֹותֶ֔יהָ תָּשֹׁ֖בְןָ לְקַדְמָתָ֑ן וְאַתְּ֙ וּבְנֹותַ֔יִךְ תְּשֻׁבֶ֖ינָה לְקַדְמַתְכֶֽן׃ 55
At ang iyong mga kapatid na babae ang Sodoma at ang kaniyang mga anak na babae mangagbabalik sa kanilang dating kalagayan; at ang Samaria at ang kaniyang mga anak na babae ay mangagbabalik sa kanilang dating kalagayan; at ikaw at ang iyong mga anak ay mangagbabalik sa inyong dating kalagayan.
וְלֹ֤וא הָֽיְתָה֙ סְדֹ֣ם אֲחֹותֵ֔ךְ לִשְׁמוּעָ֖ה בְּפִ֑יךְ בְּיֹ֖ום גְּאֹונָֽיִךְ׃ 56
Sapagka't ang iyong kapatid na babae na Sodoma ay hindi nabanggit ng iyong bibig sa kaarawan ng iyong kapalaluan;
בְּטֶרֶם֮ תִּגָּלֶ֣ה רָעָתֵךְ֒ כְּמֹ֗ו עֵ֚ת חֶרְפַּ֣ת בְּנֹות־אֲרָ֔ם וְכָל־סְבִיבֹותֶ֖יהָ בְּנֹ֣ות פְּלִשְׁתִּ֑ים הַשָּׁאטֹ֥ות אֹותָ֖ךְ מִסָּבִֽיב׃ 57
Bago nalitaw ang iyong kasamaan, gaya sa panahon ng kapulaan sa mga anak na babae ng Siria, at sa lahat na nangasa palibot niya, na mga anak na babae ng mga Filisteo, na siyang kumukutya sa iyo sa palibot.
אֶת־זִמָּתֵ֥ךְ וְאֶת־תֹּועֲבֹותַ֖יִךְ אַ֣תְּ נְשָׂאתִ֑ים נְאֻ֖ם יְהוָֽה׃ ס 58
Iyong isinagawa ang iyong kahalayan at ang iyong mga kasuklamsuklam, sabi ng Panginoon.
כִּ֣י כֹ֤ה אָמַר֙ אֲדֹנָ֣י יְהוִ֔ה וְעָשִׂית (וְעָשִׂ֥יתִי) אֹותָ֖ךְ כַּאֲשֶׁ֣ר עָשִׂ֑ית אֲשֶׁר־בָּזִ֥ית אָלָ֖ה לְהָפֵ֥ר בְּרִֽית׃ 59
Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Akin namang gagawin sa iyo na gaya ng iyong ginawa, na iyong hinamak ang sumpa sa pagsira ng tipan.
וְזָכַרְתִּ֨י אֲנִ֧י אֶת־בְּרִיתִ֛י אֹותָ֖ךְ בִּימֵ֣י נְעוּרָ֑יִךְ וַהֲקִמֹותִ֥י לָ֖ךְ בְּרִ֥ית עֹולָֽם׃ 60
Gayon ma'y aalalahanin ko ang aking tipan sa iyo nang mga kaarawan ng iyong kabataan, at aking itatatag sa iyo ang isang walang hanggang tipan.
וְזָכַ֣רְתְּ אֶת־דְּרָכַיִךְ֮ וְנִכְלַמְתְּ֒ בְּקַחְתֵּ֗ךְ אֶת־אֲחֹותַ֙יִךְ֙ הַגְּדֹלֹ֣ות מִמֵּ֔ךְ אֶל־הַקְּטַנֹּ֖ות מִמֵּ֑ךְ וְנָתַתִּ֨י אֶתְהֶ֥ן לָ֛ךְ לְבָנֹ֖ות וְלֹ֥א מִבְּרִיתֵֽךְ׃ 61
Kung magkagayo'y aalalahanin mo ang iyong mga lakad, at mapapahiya ka, pagka iyong tatanggapin ang iyong mga kapatid na babae, ang iyong mga matandang kapatid at ang iyong batang kapatid: at aking ibibigay sila sa iyo na mga pinakaanak na babae, nguni't hindi sa pamamagitan ng iyong tipan.
וַהֲקִימֹותִ֥י אֲנִ֛י אֶת־בְּרִיתִ֖י אִתָּ֑ךְ וְיָדַ֖עַתְּ כִּֽי־אֲנִ֥י יְהוָֽה׃ 62
At aking itatatag ang aking tipan sa iyo; at iyong malalaman na ako ang Panginoon;
לְמַ֤עַן תִּזְכְּרִי֙ וָבֹ֔שְׁתְּ וְלֹ֨א יִֽהְיֶה־לָּ֥ךְ עֹוד֙ פִּתְחֹ֣ון פֶּ֔ה מִפְּנֵ֖י כְּלִמָּתֵ֑ךְ בְּכַפְּרִי־לָךְ֙ לְכָל־אֲשֶׁ֣ר עָשִׂ֔ית נְאֻ֖ם אֲדֹנָ֥י יְהוִֽה׃ ס 63
Upang iyong maalaala, at malito ka, at kailan pa man ay hindi mo na bukahin ang iyong bibig, dahil sa iyong kahihiyan, pagka aking pinatawad ka ng lahat na iyong nagawa, sabi ng Panginoong Dios.

< יְחֶזְקֵאל 16 >