< זכריה 1 >
בַּחֹדֶשׁ הַשְּׁמִינִי בִּשְׁנַת שְׁתַּיִם לְדָרְיָוֶשׁ הָיָה דְבַר־יְהֹוָה אֶל־זְכַרְיָה בֶּן־בֶּרֶכְיָה בֶּן־עִדּוֹ הַנָּבִיא לֵאמֹֽר׃ | 1 |
Nang ikawalong buwan ng ikalawang taon ng paghahari ni Dario, dumating ang salita ni Yahweh kay Zacarias na anak ni Berequias na anak ni propeta Iddo na nagsasabi,
קָצַף יְהֹוָה עַל־אֲבֽוֹתֵיכֶם קָֽצֶף׃ | 2 |
“Lubhang nagalit si Yahweh sa inyong mga ama!
וְאָמַרְתָּ אֲלֵהֶם כֹּה אָמַר יְהֹוָה צְבָאוֹת שׁוּבוּ אֵלַי נְאֻם יְהֹוָה צְבָאוֹת וְאָשׁוּב אֲלֵיכֶם אָמַר יְהֹוָה צְבָאֽוֹת׃ | 3 |
Sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, “Bumalik kayo sa akin!” Ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo. “At babalik ako sa inyo.” Sabi ni Yahweh ng mga hukbo.
אַל־תִּהְיוּ כַאֲבֹֽתֵיכֶם אֲשֶׁר קָרְאֽוּ־אֲלֵיהֶם הַנְּבִיאִים הָרִֽאשֹׁנִים לֵאמֹר כֹּה אָמַר יְהֹוָה צְבָאוֹת שׁוּבוּ נָא מִדַּרְכֵיכֶם הָרָעִים (ומעליליכם) [וּמַֽעַלְלֵיכֶם] הָֽרָעִים וְלֹא שָׁמְעוּ וְלֹֽא־הִקְשִׁיבוּ אֵלַי נְאֻם־יְהֹוָֽה׃ | 4 |
Huwag kayong maging katulad ng inyong mga amang sinigawan ng mga propeta noong nakaraan na nagsasabi, “Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: tumalikod kayo sa inyong mga masasamang gawain at kaugalian!” Ngunit hindi sila nakinig at hindi nila ako binigyan ng pansin.” Ito ang pahayag ni Yahweh.
אֲבֽוֹתֵיכֶם אַיֵּה־הֵם וְהַנְּבִאִים הַלְעוֹלָם יִֽחְיֽוּ׃ | 5 |
“Nasaan ang inyong mga ama? At ang mga propeta, naririto ba sila magpakailanman?
אַךְ ׀ דְּבָרַי וְחֻקַּי אֲשֶׁר צִוִּיתִי אֶת־עֲבָדַי הַנְּבִיאִים הֲלוֹא הִשִּׂיגוּ אֲבֹתֵיכֶם וַיָּשׁוּבוּ וַיֹּאמְרוּ כַּאֲשֶׁר זָמַם יְהֹוָה צְבָאוֹת לַעֲשׂוֹת לָנוּ כִּדְרָכֵינוּ וּכְמַעֲלָלֵינוּ כֵּן עָשָׂה אִתָּֽנוּ׃ | 6 |
Ngunit ang aking mga salita at mga kautausan na iniutos ko sa aking mga lingkod na mga propeta, hindi ba nito naabot ang inyong mga ama? Kaya nagsisi sila at sinabi, “Gaya ng binalak gawin sa atin ni Yahweh ng mga hukbo dahil sa ating mga salita at gawain, kaya niya ginawa sa atin.”
בְּיוֹם עֶשְׂרִים וְאַרְבָּעָה לְעַשְׁתֵּֽי־עָשָׂר חֹדֶשׁ הוּא־חֹדֶשׁ שְׁבָט בִּשְׁנַת שְׁתַּיִם לְדָרְיָוֶשׁ הָיָה דְבַר־יְהֹוָה אֶל־זְכַרְיָה בֶּן־בֶּרֶכְיָהוּ בֶּן־עִדּוֹא הַנָּבִיא לֵאמֹֽר׃ | 7 |
Nang ikadalawampu't-apat na araw ng ikalabing isang buwan, na siyang buwan ng Sebath, na ikalawang taon ng paghahari ni Dario, dumating ang salita ni Yahweh kay Zacarias na anak ni Berequias na anak ni propeta Iddo na nagsasabi,
רָאִיתִי ׀ הַלַּיְלָה וְהִנֵּה־אִישׁ רֹכֵב עַל־סוּס אָדֹם וְהוּא עֹמֵד בֵּין הַהֲדַסִּים אֲשֶׁר בַּמְּצֻלָה וְאַחֲרָיו סוּסִים אֲדֻמִּים שְׂרֻקִּים וּלְבָנִֽים׃ | 8 |
“Nakita ko sa gabi at tingnan mo! nakasakay ang isang lalaki sa pulang kabayo at nasa kalagitnaan siya ng mga puno ng mirto na nasa lambak at sa likod niya ay may mga pula, mapula na kayumanggi at mga puting kabayo.”
וָאֹמַר מָה־אֵלֶּה אֲדֹנִי וַיֹּאמֶר אֵלַי הַמַּלְאָךְ הַדֹּבֵר בִּי אֲנִי אַרְאֶךָּ מָה־הֵמָּה אֵֽלֶּה׃ | 9 |
Sinabi ko, “Ano ang mga ito Panginoon?” At sinabi sa akin ng anghel na kumausap sa akin, “Ipapakita ko sa iyo kung ano ang mga ito.”
וַיַּעַן הָאִישׁ הָעֹמֵד בֵּין־הַהֲדַסִּים וַיֹּאמַר אֵלֶּה אֲשֶׁר שָׁלַח יְהֹוָה לְהִתְהַלֵּךְ בָּאָֽרֶץ׃ | 10 |
Pagkatapos, sumagot ang lalaking nakatayo sa kalagitnaan ng mga puno ng mirto at sinabi, “Ito ang mga isinugo ni Yahweh upang maglibot sa buong daigdig.”
וַֽיַּעֲנוּ אֶת־מַלְאַךְ יְהֹוָה הָֽעֹמֵד בֵּין הַהֲדַסִּים וַיֹּאמְרוּ הִתְהַלַּכְנוּ בָאָרֶץ וְהִנֵּה כׇל־הָאָרֶץ יֹשֶׁבֶת וְשֹׁקָֽטֶת׃ | 11 |
Tumugon sila sa anghel ni Yahweh na nakatayo sa kalagitnaan ng mga puno ng mirto, sinabi nila sa kaniya, “Matagal na kaming naglilibot sa buong daigdig, tingnan mo, ang buong daigdig ay nananatili at nagpapahinga.”
וַיַּעַן מַלְאַךְ־יְהֹוָה וַיֹּאמַר יְהֹוָה צְבָאוֹת עַד־מָתַי אַתָּה לֹֽא־תְרַחֵם אֶת־יְרוּשָׁלַ͏ִם וְאֵת עָרֵי יְהוּדָה אֲשֶׁר זָעַמְתָּה זֶה שִׁבְעִים שָׁנָֽה׃ | 12 |
Pagkatapos, sinagot ng anghel si Yahweh at sinabi, “Yahweh ng mga hukbo, gaano katagal kang hindi magpapakita ng pagkahabag sa Jerusalem at sa mga lungsod ng Juda na nagdusa ng iyong pagkagalit nitong pitumpung taon”?
וַיַּעַן יְהֹוָה אֶת־הַמַּלְאָךְ הַדֹּבֵר בִּי דְּבָרִים טוֹבִים דְּבָרִים נִחֻמִֽים׃ | 13 |
Sinagot ni Yahweh ang anghel na kumausap sa akin nang may mga magagandang salita at mga salitang pang-aliw.
וַיֹּאמֶר אֵלַי הַמַּלְאָךְ הַדֹּבֵר בִּי קְרָא לֵאמֹר כֹּה אָמַר יְהֹוָה צְבָאוֹת קִנֵּאתִי לִירוּשָׁלַ͏ִם וּלְצִיּוֹן קִנְאָה גְדוֹלָֽה׃ | 14 |
Kaya sinabi ng anghel na nakipag-usap sa akin, “Sumigaw ka at iyong sabihin, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: “Naninibugho ako para sa Jerusalem at Sion nang may matinding damdamin!
וְקֶצֶף גָּדוֹל אֲנִי קֹצֵף עַל־הַגּוֹיִם הַשַּֽׁאֲנַנִּים אֲשֶׁר אֲנִי קָצַפְתִּי מְּעָט וְהֵמָּה עָזְרוּ לְרָעָֽה׃ | 15 |
At labis akong nagagalit sa mga bansang matiwasay sapagkat hindi ako nalugod at tumulong sila sa pagbubungad ng kadalamhatian.”
לָכֵן כֹּֽה־אָמַר יְהֹוָה שַׁבְתִּי לִירוּשָׁלַ͏ִם בְּֽרַחֲמִים בֵּיתִי יִבָּנֶה בָּהּ נְאֻם יְהֹוָה צְבָאוֹת (וקוה) [וְקָו] יִנָּטֶה עַל־יְרוּשָׁלָֽ͏ִם׃ | 16 |
Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: “Bumalik ako sa Jerusalem ng may pagkaawa. Itatatag ang aking tahanan sa kaniya at iuunat sa Jerusalem ang panukat na linya!”- ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo.
עוֹד ׀ קְרָא לֵאמֹר כֹּה אָמַר יְהֹוָה צְבָאוֹת עוֹד תְּפוּצֶנָה עָרַי מִטּוֹב וְנִחַם יְהֹוָה עוֹד אֶת־צִיּוֹן וּבָחַר עוֹד בִּירוּשָׁלָֽ͏ִם׃ | 17 |
Muli, sumigaw ka na magsasabi, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Ang aking mga lungsod ay muling mapupuno ng kabutihan at muling aaliwin ni Yahweh ang Sion at muli niyang pipiliin ang Jerusalem.”
וָאֶשָּׂא אֶת־עֵינַי וָאֵרֶא וְהִנֵּה אַרְבַּע קְרָנֽוֹת׃ | 18 |
Pagkatapos, tumingala ako at nakakita ng apat na sungay!
וָאֹמַר אֶל־הַמַּלְאָךְ הַדֹּבֵר בִּי מָה־אֵלֶּה וַיֹּאמֶר אֵלַי אֵלֶּה הַקְּרָנוֹת אֲשֶׁר זֵרוּ אֶת־יְהוּדָה אֶת־יִשְׂרָאֵל וִירוּשָׁלָֽ͏ִם׃ | 19 |
Nagsalita ako sa anghel na nakipag-usap sa akin, “Ano ang mga ito?” Sinagot niya ako, “Ito ang mga sungay na nagpakalat sa Juda, Israel at Jerusalem.”
וַיַּרְאֵנִי יְהֹוָה אַרְבָּעָה חָרָשִֽׁים׃ | 20 |
Pagkatapos, ipinakita sa akin ni Yahweh ang apat na panday.
וָאֹמַר מָה אֵלֶּה בָאִים לַֽעֲשׂוֹת וַיֹּאמֶר לֵאמֹר אֵלֶּה הַקְּרָנוֹת אֲשֶׁר־זֵרוּ אֶת־יְהוּדָה כְּפִי־אִישׁ לֹא־נָשָׂא רֹאשׁוֹ וַיָּבֹאוּ אֵלֶּה לְהַחֲרִיד אֹתָם לְיַדּוֹת אֶת־קַרְנוֹת הַגּוֹיִם הַנֹּשְׂאִים קֶרֶן אֶל־אֶרֶץ יְהוּדָה לְזָרוֹתָֽהּ׃ | 21 |
Sinabi ko, “Ano ang gagawin ng mga taong ito?” Sumagot siya at sinabi, “Ito ang mga sungay na nagpakalat sa Juda upang walang sinuman ang makapag-angat ng kaniyang ulo. Ngunit dumarating ang mga taong ito upang palayasin sila, upang ibagsak ang mga sungay ng mga bansang nag-angat ng anumang sungay laban sa lupain ng Juda upang ikalat siya.