< תהילים 90 >
תְּפִלָּה לְמֹשֶׁה אִֽישׁ־הָאֱלֹהִים אֲֽדֹנָי מָעוֹן אַתָּה הָיִיתָ לָּנוּ בְּדֹר וָדֹֽר׃ | 1 |
Ika-apat na aklat. Isang panalangin ni Moises ang lingkod ng Diyos. Panginoon, ikaw ang aming kublihan sa mga nakalipas na mga salinlahi.
בְּטֶרֶם ׀ הָרִים יֻלָּדוּ וַתְּחוֹלֵֽל אֶרֶץ וְתֵבֵל וּֽמֵעוֹלָם עַד־עוֹלָם אַתָּה אֵֽל׃ | 2 |
Bago nahubog ang mga bundok, o hinubog mo ang lupa at ang mundo, hanggang sa habang panahon, ikaw ay Diyos.
תָּשֵׁב אֱנוֹשׁ עַד־דַּכָּא וַתֹּאמֶר שׁוּבוּ בְנֵֽי־אָדָֽם׃ | 3 |
Binabalik mo sa alabok ang tao, at sinasabi mo, “Bumalik ka, ikaw na lahi ng tao.”
כִּי אֶלֶף שָׁנִים בְּֽעֵינֶיךָ כְּיוֹם אֶתְמוֹל כִּי יַֽעֲבֹר וְאַשְׁמוּרָה בַלָּֽיְלָה׃ | 4 |
Dahil ang isang libong taon ay parang kahapon na lumipas, na tulad ng hudyat sa gabi.
זְרַמְתָּם שֵׁנָה יִהְיוּ בַּבֹּקֶר כֶּחָצִיר יַחֲלֹֽף׃ | 5 |
Tinatangay mo (sila) tulad ng baha at nakakatulog (sila) sa umaga ay tulad (sila) ng sumisibol na damo.
בַּבֹּקֶר יָצִיץ וְחָלָף לָעֶרֶב יְמוֹלֵל וְיָבֵֽשׁ׃ | 6 |
Sa umaga ito ay namumulaklak at tumutubo; sa gabi ito ay nalalanta at natutuyot.
כִּֽי־כָלִינוּ בְאַפֶּךָ וּֽבַחֲמָתְךָ נִבְהָֽלְנוּ׃ | 7 |
Tunay nga na nilalamon kami ng iyong galit, at sa iyong poot kami ay lubhang natatakot.
שַׁתָּ עֲוֺנֹתֵינוּ לְנֶגְדֶּךָ עֲלֻמֵנוּ לִמְאוֹר פָּנֶֽיךָ׃ | 8 |
Nilagay mo ang mga kasalanan namin sa iyong harapan, ang aming mga nakatagong kasalanan sa liwanag ng iyong presensiya.
כִּי כׇל־יָמֵינוּ פָּנוּ בְעֶבְרָתֶךָ כִּלִּינוּ שָׁנֵינוּ כְמוֹ־הֶֽגֶה׃ | 9 |
Lumilipas ang aming buhay sa ilalim ng iyong poot; ang aming mga taon ay madaling lumilipas na tulad ng buntong-hininga.
יְמֵֽי־שְׁנוֹתֵינוּ בָהֶם שִׁבְעִים שָׁנָה וְאִם בִּגְבוּרֹת ׀ שְׁמוֹנִים שָׁנָה וְרׇהְבָּם עָמָל וָאָוֶן כִּי־גָז חִישׁ וַנָּעֻֽפָה׃ | 10 |
Ang aming mga taon ay pitumpu, walumpu kung kami ay malusog; pero kahit na ang aming pinakamainam na taon ay may suliranin at kapighatian. Oo, mabilis itong lumilipas, at tinatangay kami palayo.
מִֽי־יוֹדֵעַ עֹז אַפֶּךָ וּכְיִרְאָתְךָ עֶבְרָתֶֽךָ׃ | 11 |
Sino ang nakakaalam ng tindi ng iyong galit; ang poot mo na katumbas sa takot na dinudulot nito?
לִמְנוֹת יָמֵינוּ כֵּן הוֹדַע וְנָבִא לְבַב חׇכְמָֽה׃ | 12 |
Kaya turuan mo kaming isaalang-alang ang aming buhay para mamuhay kami ng may karunungan.
שׁוּבָה יְהֹוָה עַד־מָתָי וְהִנָּחֵם עַל־עֲבָדֶֽיךָ׃ | 13 |
Bumalik ka, Yahweh! Gaano pa ba katagal? Maawa ka sa iyong mga lingkod.
שַׂבְּעֵנוּ בַבֹּקֶר חַסְדֶּךָ וּֽנְרַנְּנָה וְנִשְׂמְחָה בְּכׇל־יָמֵֽינוּ׃ | 14 |
Bigyan mo kami sa umaga ng kasiyahan sa iyong katapatan sa tipan para magsaya kami at magalak sa lahat ng mga araw namin.
שַׂמְּחֵנוּ כִּימוֹת עִנִּיתָנוּ שְׁנוֹת רָאִינוּ רָעָֽה׃ | 15 |
Hayaan mo kaming magalak katumbas ng mga araw nang sinaktan mo kami at sa mga taon na nakaranas kami ng suliranin.
יֵרָאֶה אֶל־עֲבָדֶיךָ פׇעֳלֶךָ וַהֲדָרְךָ עַל־בְּנֵיהֶֽם׃ | 16 |
Hayaan mong makita ng iyong mga lingkod ang iyong mga gawa, at hayaang makita ng aming mga anak ang iyong kaluwalhatian.
וִיהִי ׀ נֹעַם אֲדֹנָי אֱלֹהֵינוּ עָלֵינוּ וּמַעֲשֵׂה יָדֵינוּ כּוֹנְנָה עָלֵינוּ וּֽמַעֲשֵׂה יָדֵינוּ כּוֹנְנֵֽהוּ׃ | 17 |
Nawa ang pabor ng Panginoon ay mapasaamin; pasaganahin ang gawa ng aming mga kamay; tunay nga, pasaganahin mo ang gawa ng aming mga kamay.