< תהילים 82 >

מִזְמוֹר לְאָסָף אֱֽלֹהִים נִצָּב בַּעֲדַת־אֵל בְּקֶרֶב אֱלֹהִים יִשְׁפֹּֽט׃ 1
Tumatayo ang Diyos sa banal na pagtitipon; sa kalagitnaan ng mga diyos, nagbibigay siya ng paghatol.
עַד־מָתַי תִּשְׁפְּטוּ־עָוֶל וּפְנֵי רְשָׁעִים תִּשְׂאוּ־סֶֽלָה׃ 2
Gaano katagal kang hahatol nang walang katarungan at magpapakita ng pagtatangi sa masasama? (Selah)
שִׁפְטוּ־דַל וְיָתוֹם עָנִי וָרָשׁ הַצְדִּֽיקוּ׃ 3
Ipagtanggol mo ang mahihirap at mga ulila sa ama; panatilihin mo ang mga karapatan ng pinapahirapan at dukha.
פַּלְּטוּ־דַל וְאֶבְיוֹן מִיַּד רְשָׁעִים הַצִּֽילוּ׃ 4
Sagipin mo ang mahihirap at nangangailangan; alisin mo (sila) sa kamay ng masasama.
לֹא יָדְעוּ ׀ וְלֹא יָבִינוּ בַּחֲשֵׁכָה יִתְהַלָּכוּ יִמּוֹטוּ כׇּל־מוֹסְדֵי אָֽרֶץ׃ 5
Hindi nila nalalaman ni nauunawaan; nagpapalabuy-laboy (sila) sa kadiliman; lahat ng mga pundasyon ng lupa ay gumuguho.
אֲֽנִי־אָמַרְתִּי אֱלֹהִים אַתֶּם וּבְנֵי עֶלְיוֹן כֻּלְּכֶֽם׃ 6
Sinabi ko, “Kayo ay mga diyos, at lahat kayong mga anak ng Kataas-taasan.
אָכֵן כְּאָדָם תְּמוּתוּן וּכְאַחַד הַשָּׂרִים תִּפֹּֽלוּ׃ 7
Gayumpaman mamamatay kayo tulad ng mga tao at babagsak tulad ng isa sa mga prinsipe.”
קוּמָה אֱלֹהִים שׇׁפְטָה הָאָרֶץ כִּֽי־אַתָּה תִנְחַל בְּכׇל־הַגּוֹיִֽם׃ 8
Bumangon, O Diyos, hatulan mo ang daigdig, dahil mamanahin mo ang lahat ng mga bansa.

< תהילים 82 >