< תהילים 63 >
מִזְמוֹר לְדָוִד בִּהְיוֹתוֹ בְּמִדְבַּר יְהוּדָֽה׃ אֱלֹהִים ׀ אֵלִי אַתָּה אֲֽשַׁחֲרֶךָּ צָמְאָה לְךָ ׀ נַפְשִׁי כָּמַהּ לְךָ בְשָׂרִי בְּאֶֽרֶץ־צִיָּה וְעָיֵף בְּלִי־מָֽיִם׃ | 1 |
O Diyos, ikaw ang aking Diyos! Masigasig kitang hinahanap, nauuhaw ang aking kaluluwa sa iyo, at nananabik ang aking laman sa iyo, sa tuyot at tigang na lupa na walang tubig.
כֵּן בַּקֹּדֶשׁ חֲזִיתִךָ לִרְאוֹת עֻזְּךָ וּכְבוֹדֶֽךָ׃ | 2 |
Kaya tumingin ako sa iyo sa mga banal na mga tao para makita ko ang iyong kapangyarihan at kaluwalhatian.
כִּי־טוֹב חַסְדְּךָ מֵחַיִּים שְׂפָתַי יְשַׁבְּחֽוּנְךָ׃ | 3 |
Dahil higit pa sa buhay ang iyong katapatan sa tipan, magpupuri ang aking mga labi sa iyo.
כֵּן אֲבָרֶכְךָ בְחַיָּי בְּשִׁמְךָ אֶשָּׂא כַפָּֽי׃ | 4 |
Kaya pagpapalain kita habang ako ay nabubuhay; itataas ko ang aking mga kamay sa iyong pangalan.
כְּמוֹ חֵלֶב וָדֶשֶׁן תִּשְׂבַּע נַפְשִׁי וְשִׂפְתֵי רְנָנוֹת יְהַלֶּל־פִּֽי׃ | 5 |
Parang tulad ito ng pagkain ng utak sa buto at mga taba; sa aking mga labing nagagalak pupurihin ka ng aking bibig.
אִם־זְכַרְתִּיךָ עַל־יְצוּעָי בְּאַשְׁמֻרוֹת אֶהְגֶּה־בָּֽךְ׃ | 6 |
Kapag naiisip ko ang tungkol sa iyo sa aking higaan at pinagninilay-nilayan kita sa mga oras ng gabi.
כִּֽי־הָיִיתָ עֶזְרָתָה לִּי וּבְצֵל כְּנָפֶיךָ אֲרַנֵּֽן׃ | 7 |
Dahil ikaw ang aking tulong, at magagalak ako sa anino ng iyong mga pakpak.
דָּבְקָה נַפְשִׁי אַחֲרֶיךָ בִּי תָּמְכָה יְמִינֶֽךָ׃ | 8 |
Kumakapit ako sa iyo; inaalalayan mo ako ng iyong kanang kamay.
וְהֵמָּה לְשׁוֹאָה יְבַקְשׁוּ נַפְשִׁי יָבֹאוּ בְּֽתַחְתִּיּוֹת הָאָֽרֶץ׃ | 9 |
Pero mapupunta sa kailaliman ng bahagi ng mundo (sila) na naghahanap para wasakin ang buhay ko.
יַגִּירֻהוּ עַל־יְדֵי־חָרֶב מְנָת שֻׁעָלִים יִהְיֽוּ׃ | 10 |
Ibibigay (sila) sa ilalim ng kapangyarihan ng espada, at magiging pagkain (sila) para sa mga asong ligaw.
וְהַמֶּלֶךְ יִשְׂמַח בֵּאלֹהִים יִתְהַלֵּל כׇּל־הַנִּשְׁבָּע בּוֹ כִּי יִסָּכֵר פִּי דוֹבְרֵי־שָֽׁקֶר׃ | 11 |
Pero magagalak ang hari sa Diyos; ang lahat ng nanunumpa sa kaniya ay ipagmamalaki siya, pero ang bibig ng mga nagsasalita ng kasinungalingan ay mahihinto.