< איכה 3 >
אֲנִי הַגֶּבֶר רָאָה עֳנִי בְּשֵׁבֶט עֶבְרָתֽוֹ׃ | 1 |
Ako ay isang taong nakakita ng paghihirap sa ilalim ng pamalo ng matinding galit ni Yahweh.
אוֹתִי נָהַג וַיֹּלַךְ חֹשֶׁךְ וְלֹא־אֽוֹר׃ | 2 |
Itinaboy niya ako at pinalakad sa kadiliman sa halip na liwanag.
אַךְ בִּי יָשֻׁב יַהֲפֹךְ יָדוֹ כׇּל־הַיּֽוֹם׃ | 3 |
Tunay siyang bumaling laban sa akin, buong araw niyang ibinabaling ang kamay niya laban sa akin.
בִּלָּה בְשָׂרִי וְעוֹרִי שִׁבַּר עַצְמוֹתָֽי׃ | 4 |
Ang aking laman at balat ay ginutay niya, ang aking mga buto ay binali niya.
בָּנָה עָלַי וַיַּקַּף רֹאשׁ וּתְלָאָֽה׃ | 5 |
Gumawa siya ng mga gawaing paglusob na sa akin ay laban, at pinaligiran ako ng kapaitan at kahirapan.
בְּמַחֲשַׁכִּים הוֹשִׁיבַנִי כְּמֵתֵי עוֹלָֽם׃ | 6 |
Sa mga madilim na lugar niya ako pinatira, tulad nilang mga patay na noon pa.
גָּדַר בַּעֲדִי וְלֹא אֵצֵא הִכְבִּיד נְחׇשְׁתִּֽי׃ | 7 |
Gumawa siya ng pader sa paligid ko at hindi ako makatakas. Pinabigat niya ang aking mga posas.
גַּם כִּי אֶזְעַק וַאֲשַׁוֵּעַ שָׂתַם תְּפִלָּתִֽי׃ | 8 |
Kahit na tumawag at sumigaw ako ng tulong, aking mga panalangin ay kaniyang kinukulong.
גָּדַר דְּרָכַי בְּגָזִית נְתִיבֹתַי עִוָּֽה׃ | 9 |
Hinarangan niya ang aking landas ng mga pader na gawa sa sinibak na bato, hindi tuwid ang bawat daanang aking tinatahak.
דֹּב אֹרֵב הוּא לִי (אריה) [אֲרִי] בְּמִסְתָּרִֽים׃ | 10 |
Tulad siya ng osong naghihintay upang tambangan ako, isang leon na nasa pagtatago.
דְּרָכַי סוֹרֵר וַֽיְפַשְּׁחֵנִי שָׂמַנִי שֹׁמֵֽם׃ | 11 |
Inilihis niya ang mga landas ko. Ginugutay at pinapabayaan niya ako.
דָּרַךְ קַשְׁתּוֹ וַיַּצִּיבֵנִי כַּמַּטָּרָא לַחֵֽץ׃ | 12 |
Iniunat niya ang kaniyang pana at minarkahan ako bilang tudlaan ng palaso.
הֵבִיא בְּכִלְיֹתָי בְּנֵי אַשְׁפָּתֽוֹ׃ | 13 |
Ipinadala niya ang mga palaso mula sa kaniyang sisidlan upang pumasok sa aking mga bato.
הָיִיתִי שְּׂחֹק לְכׇל־עַמִּי נְגִינָתָם כׇּל־הַיּֽוֹם׃ | 14 |
Ako ay naging katatawanan sa lahat ng aking mga kababayan, ang paksa sa mapanuyang awit nila sa araw-araw.
הִשְׂבִּיעַנִי בַמְּרוֹרִים הִרְוַנִי לַעֲנָֽה׃ | 15 |
Pinuno niya ako ng kapaitan at pinilit painumin ng ajenjo.
וַיַּגְרֵס בֶּֽחָצָץ שִׁנָּי הִכְפִּישַׁנִי בָּאֵֽפֶר׃ | 16 |
Dinurog niya ang aking mga ngipin ng bato, sa alikabok ay isinubsob niya ako.
וַתִּזְנַח מִשָּׁלוֹם נַפְשִׁי נָשִׁיתִי טוֹבָֽה׃ | 17 |
Sa aking buhay ay tinanggal mo ang kapayapaan, hindi ko na maalala pa ang alinmang kaligayahan.
וָאֹמַר אָבַד נִצְחִי וְתוֹחַלְתִּי מֵיְהֹוָֽה׃ | 18 |
Kaya sinabi ko, “Ang aking tatag ay nawala na at ang aking pag-asa kay Yahweh ay naubos na.”
זְכׇר־עׇנְיִי וּמְרוּדִי לַעֲנָה וָרֹֽאשׁ׃ | 19 |
Inaalala ko ang aking kahirapan at ang aking pagkaligaw sa ajenjo at kapaitan.
זָכוֹר תִּזְכּוֹר (ותשיח) [וְתָשׁוֹחַ] עָלַי נַפְשִֽׁי׃ | 20 |
Tiyak na ito ay aking inaalala, at sa loob ko ay yumuyukod ako sa kawalan ng pag-asa.
זֹאת אָשִׁיב אֶל־לִבִּי עַל־כֵּן אוֹחִֽיל׃ | 21 |
Ngunit ito ang aking inaalala, at ito ang dahilang ako ay may pag-asa:
חַֽסְדֵי יְהֹוָה כִּי לֹא־תָמְנוּ כִּי לֹא־כָלוּ רַחֲמָֽיו׃ | 22 |
Ito ay sa pamamagitan ng katapatan sa kasunduan ni Yahweh kaya hindi tayo nalipol, sapagkat ang kaniyang mga kilos ng kahabagan ay hindi nagwakas.
חֲדָשִׁים לַבְּקָרִים רַבָּה אֱמוּנָתֶֽךָ׃ | 23 |
Ang mga kilos ng kahabagan niya ay muling nagaganap sa bawat umaga, katapatan mo ay dakila!
חֶלְקִי יְהֹוָה אָמְרָה נַפְשִׁי עַל־כֵּן אוֹחִיל לֽוֹ׃ | 24 |
“Si Yahweh ay aking mana,” sinabi ko sa aking sarili, kaya aasa ako sa kaniya.
טוֹב יְהֹוָה לְקֹוָו לְנֶפֶשׁ תִּדְרְשֶֽׁנּוּ׃ | 25 |
Si Yahweh ay mabuti sa sinumang naghihintay sa kaniya, sa buhay na naghahanap sa kaniya.
טוֹב וְיָחִיל וְדוּמָם לִתְשׁוּעַת יְהֹוָֽה׃ | 26 |
Mabuti ang maghintay sa pagliligtas ni Yahweh nang tahimik.
טוֹב לַגֶּבֶר כִּֽי־יִשָּׂא עֹל בִּנְעוּרָֽיו׃ | 27 |
Mabuti sa isang tao na ang pamatok sa kaniyang kabataan ay kaniyang natitiis.
יֵשֵׁב בָּדָד וְיִדֹּם כִּי נָטַל עָלָֽיו׃ | 28 |
Hayaan siyang manahimik at umupong mag-isa, dahil inilagay ito ni Yahweh sa kaniya.
יִתֵּן בֶּֽעָפָר פִּיהוּ אוּלַי יֵשׁ תִּקְוָֽה׃ | 29 |
Hayaang ilagay niya sa alikabok ang bibig niya, at marahil mayroong pag-asa.
יִתֵּן לְמַכֵּהוּ לֶחִי יִשְׂבַּע בְּחֶרְפָּֽה׃ | 30 |
Hayaang ang kaniyang pisngi ay ibigay niya sa sinumang humahampas sa kaniya. Hayaang mapuno siya ng kahihiyan,
כִּי לֹא יִזְנַח לְעוֹלָם אֲדֹנָֽי׃ | 31 |
sapagkat hindi siya tatanggihan ng Panginoon magpakailanman!
כִּי אִם־הוֹגָה וְרִחַם כְּרֹב חֲסָדָֽיו׃ | 32 |
Sapagkat kahit na nagdadala siya ng kalungkutan, nagpapakita rin siya ng kahabagan na lumalabas mula sa kaniyang kadakilaan ng kaniyang katapatan sa kasunduan.
כִּי לֹא עִנָּה מִלִּבּוֹ וַיַּגֶּה בְּנֵי־אִֽישׁ׃ | 33 |
Sapagkat hindi siya nagmamalupit mula sa kaniyang puso, o nagpapahirap sa mga anak ng mga tao.
לְדַכֵּא תַּחַת רַגְלָיו כֹּל אֲסִירֵי אָֽרֶץ׃ | 34 |
Sa pagdurog sa lahat ng mga bihag sa lupa sa ilalim ng kaniyang paa,
לְהַטּוֹת מִשְׁפַּט־גָּבֶר נֶגֶד פְּנֵי עֶלְיֽוֹן׃ | 35 |
sa paglihis sa katarungan ng mga tao sa harapan ng mukha ng Kataas-taasan,
לְ עַ וֵּת אָדָם בְּרִיבוֹ אֲדֹנָי לֹא רָאָֽה׃ | 36 |
sa paghadlang sa isang tao sa kaniyang katwiran—hindi ba nakikita ng Panginoon?
מִי זֶה אָמַר וַתֶּהִי אֲדֹנָי לֹא צִוָּֽה׃ | 37 |
Sino ang nagsasalita at nangyayari kapag hindi ito iniutos ng Panginoon?
מִפִּי עֶלְיוֹן לֹא תֵצֵא הָרָעוֹת וְהַטּֽוֹב׃ | 38 |
Hindi ba parehong kapahamakan at katagumpayan ay nagmumula sa bibig ng Kataas-taasan?
מַה־יִּתְאוֹנֵן אָדָם חָי גֶּבֶר עַל־חֲטָאָֽו׃ | 39 |
Paano makakadaing ang sinumang taong nabubuhay? Paaano makakadaing ang sinumang tao tungkol sa kaparusahan ng kaniyang mga kasalanan?
נַחְפְּשָׂה דְרָכֵינוּ וְֽנַחְקֹרָה וְנָשׁוּבָה עַד־יְהֹוָֽה׃ | 40 |
Siyasatin at suriin natin ang ating mga pamamaraan, at muling manumbalik kay Yahweh.
נִשָּׂא לְבָבֵנוּ אֶל־כַּפָּיִם אֶל־אֵל בַּשָּׁמָֽיִם׃ | 41 |
Itaas natin ang ating mga puso at mga kamay sa Diyos sa kalangitan at manalangin:
נַחְנוּ פָשַׁעְנוּ וּמָרִינוּ אַתָּה לֹא סָלָֽחְתָּ׃ | 42 |
“Laban sa iyo kami ay nagkasala at naghimagsik, kaya kami ay hindi mo pinatawad.
סַכּוֹתָה בָאַף וַֽתִּרְדְּפֵנוּ הָרַגְתָּ לֹא חָמָֽלְתָּ׃ | 43 |
Tinakpan mo ang iyong sarili ng galit at hinabol kami. Pinagpapatay mo kami, at hindi mo kami kinahabagan.
סַכּוֹתָה בֶֽעָנָן לָךְ מֵעֲבוֹר תְּפִלָּֽה׃ | 44 |
Tinakpan mo ang iyong sarili ng ulap, upang walang panalangin ang makakalampas.
סְחִי וּמָאוֹס תְּשִׂימֵנוּ בְּקֶרֶב הָעַמִּֽים׃ | 45 |
Ginawa mo kaming mga taong itinakwil at dumi sa iba't ibang mga lahi.
פָּצוּ עָלֵינוּ פִּיהֶם כׇּל־אֹיְבֵֽינוּ׃ | 46 |
Ibinuka ng lahat ng aming mga kaaway ang kanilang bibig nang may pangungutya laban sa amin.
פַּחַד וָפַחַת הָיָה לָנוּ הַשֵּׁאת וְהַשָּֽׁבֶר׃ | 47 |
Dumating sa amin ang takot sa hukay, pagkasira at pagkaluray.”
פַּלְגֵי־מַיִם תֵּרַד עֵינִי עַל־שֶׁבֶר בַּת־עַמִּֽי׃ | 48 |
Umaagos ng daloy ng tubig ang mata ko dahil sa pagkaluray ng anak na babae ng mga kababayan ko.
עֵינִי נִגְּרָה וְלֹא תִדְמֶה מֵאֵין הֲפֻגֽוֹת׃ | 49 |
Umaagos ang mga mata ko, at hindi tumitigil ang mga ito, sapagkat wala itong katapusan
עַד־יַשְׁקִיף וְיֵרֶא יְהֹוָה מִשָּׁמָֽיִם׃ | 50 |
hanggang sa tumunghay at tumingin si Yahweh mula sa kalangitan.
עֵינִי עֽוֹלְלָה לְנַפְשִׁי מִכֹּל בְּנוֹת עִירִֽי׃ | 51 |
Nagbibigay ng matinding sakit sa aking buhay ang mata ko dahil sa lahat ng mga anak na babae sa lungsod ko.
צוֹד צָדוּנִי כַּצִּפּוֹר אֹיְבַי חִנָּֽם׃ | 52 |
Walang tigil akong tinutugis tulad ng isang ibon ng aking mga kaaway nang walang dahilan.
צָֽמְתוּ בַבּוֹר חַיָּי וַיַּדּוּ־אֶבֶן בִּֽי׃ | 53 |
Sinira nila sa balon ang buhay ko at sa ibabaw ko ay naglagay ng isang bato.
צָֽפוּ־מַיִם עַל־רֹאשִׁי אָמַרְתִּי נִגְזָֽרְתִּי׃ | 54 |
Dumaloy ang tubig sa aking ulo, sinabi ko, “Nilagot ako!”
קָרָאתִי שִׁמְךָ יְהֹוָה מִבּוֹר תַּחְתִּיּֽוֹת׃ | 55 |
Tinawag ko ang iyong pangalan, Yahweh, mula sa pinakamababang hukay.
קוֹלִי שָׁמָעְתָּ אַל־תַּעְלֵם אׇזְנְךָ לְרַוְחָתִי לְשַׁוְעָתִֽי׃ | 56 |
Narinig mo ang aking tinig nang sinabi ko, “Huwag mong itago ang iyong tainga sa aking pagtawag ng tulong, sa aking pagsigaw ng saklolo!
קָרַבְתָּ בְּיוֹם אֶקְרָאֶךָּ אָמַרְתָּ אַל־תִּירָֽא׃ | 57 |
Lumapit ka sa araw na tinawag kita, sinabi mo sa akin, “Huwag kang mangamba!”
רַבְתָּ אֲדֹנָי רִיבֵי נַפְשִׁי גָּאַלְתָּ חַיָּֽי׃ | 58 |
Panginoon, ipinagtanggol mo ako nang ako ay nasa paglilitis para sa buhay ko, iniligtas mo ang buhay ko!
רָאִיתָה יְהֹוָה עַוָּתָתִי שׇׁפְטָה מִשְׁפָּטִֽי׃ | 59 |
Yahweh, nakita mo ang kanilang pang-aapi sa akin. Hatulan mo nang makatarungan ang aking usapin.
רָאִיתָה כׇּל־נִקְמָתָם כׇּל־מַחְשְׁבֹתָם לִֽי׃ | 60 |
Nakita mo ang lahat kanilang mga kilos ng paghihiganti, lahat ng kanilang binabalak laban sa akin.
שָׁמַעְתָּ חֶרְפָּתָם יְהֹוָה כׇּל־מַחְשְׁבֹתָם עָלָֽי׃ | 61 |
Narinig mo ang panghahamak nila, Yahweh, at lahat ng kanilang mga balak tungkol sa akin.
שִׂפְתֵי קָמַי וְהֶגְיוֹנָם עָלַי כׇּל־הַיּֽוֹם׃ | 62 |
Narinig mo ang mga labi ng mga tumindig laban sa akin, narinig mo ang kanilang malalim na kaisipang laban sa akin sa buong araw.
שִׁבְתָּם וְקִֽימָתָם הַבִּיטָה אֲנִי מַנְגִּינָתָֽם׃ | 63 |
Maging sa kanilang pag-upo o sa kanilang pagtayo, tingnan mo Yahweh! Ako ang paksa sa kanilang awit ng pangungutya.
תָּשִׁיב לָהֶם גְּמוּל יְהֹוָה כְּמַעֲשֵׂה יְדֵיהֶֽם׃ | 64 |
Gumanti ka sa kanila, Yahweh, gaya ng pinsalang ginawa ng kanilang mga kamay.
תִּתֵּן לָהֶם מְגִנַּת־לֵב תַּאֲלָֽתְךָ לָהֶֽם׃ | 65 |
Lagyan mo ng takot ang kanilang mga puso, lagyan mo sila ng sumpa.
תִּרְדֹּף בְּאַף וְתַשְׁמִידֵם מִתַּחַת שְׁמֵי יְהֹוָֽה׃ | 66 |
Habulin mo sila sa iyong galit at lipulin mo sila saanman sa ilalim ng kalangitan, Yahweh!