< איוב 27 >
וַיֹּסֶף אִיּוֹב שְׂאֵת מְשָׁלוֹ וַיֹּאמַֽר׃ | 1 |
Muling nagsalita si Job at sinabi,
חַי־אֵל הֵסִיר מִשְׁפָּטִי וְשַׁדַּי הֵמַר נַפְשִֽׁי׃ | 2 |
Habang nabubuhay ang Diyos, na siyang nag-alis ng aking katarungan, ang Makapangyarihan, na may gawa ng kapaitan ko sa aking buhay,
כִּי־כׇל־עוֹד נִשְׁמָתִי בִי וְרוּחַ אֱלוֹהַּ בְּאַפִּֽי׃ | 3 |
na habang nasa akin pa ang aking buhay at ang hininga mula sa Diyos ay nasa mga butas ng aking ilong,
אִם־תְּדַבֵּרְנָה שְׂפָתַי עַוְלָה וּלְשׁוֹנִי אִם־יֶהְגֶּה רְמִיָּֽה׃ | 4 |
tunay nga hindi magsasalita ng hindi matuwid ang aking mga labi, ni magsasalita ng panlilinlang ang aking dila.
חָלִילָה לִּי אִם־אַצְדִּיק אֶתְכֶם עַד־אֶגְוָע לֹֽא־אָסִיר תֻּמָּתִי מִמֶּֽנִּי׃ | 5 |
Hinding-hindi ko matatanggap na kayo ay tama; hanggang mamatay ako, hindi ko kailanman itatanggi ang aking dangal.
בְּצִדְקָתִי הֶחֱזַקְתִּי וְלֹא אַרְפֶּהָ לֹא־יֶחֱרַף לְבָבִי מִיָּמָֽי׃ | 6 |
Pinaninindigan ko ang aking pagkamatuwid at hindi ko ito bibitiwan; hindi ako susumbatan ng aking mga isipan habang ako ay nabubuhay.
יְהִי כְרָשָׁע אֹיְבִי וּמִתְקוֹמְמִי כְעַוָּֽל׃ | 7 |
Hayaang ang aking kaaway ay maging tulad ng isang masamang tao; hayaang ang lumalaban sa akin ay maging tulad ng isang makasalanang tao.
כִּי מַה־תִּקְוַת חָנֵף כִּי יִבְצָע כִּי יֵשֶׁל אֱלוֹהַּ נַפְשֽׁוֹ׃ | 8 |
Para saan ang pag-asa ng isang taong walang diyos kapag kinitil siya ng Diyos, kapag kinuha ng Diyos ang kaniyang buhay?
הֲֽצַעֲקָתוֹ יִשְׁמַע ׀ אֵל כִּֽי־תָבוֹא עָלָיו צָרָֽה׃ | 9 |
Maririnig ba ng Diyos ang kaniyang iyak kapag dumating ang kaguluhan sa kaniya?
אִם־עַל־שַׁדַּי יִתְעַנָּג יִקְרָא אֱלוֹהַּ בְּכׇל־עֵֽת׃ | 10 |
Kaluluguran ba niya ang Makapangyarihan at tatawag sa Diyos sa lahat ng oras?
אוֹרֶה אֶתְכֶם בְּיַד־אֵל אֲשֶׁר עִם־שַׁדַּי לֹא אֲכַחֵֽד׃ | 11 |
Ituturo ko sa inyo ang tungkol sa kamay ng Diyos; hindi ko itatago ang mga isipan ng Makapangyarihan.
הֵן־אַתֶּם כֻּלְּכֶם חֲזִיתֶם וְלָמָּה־זֶּה הֶבֶל תֶּהְבָּֽלוּ׃ | 12 |
Tingnan ninyo, kayong lahat mismo ang nakakita nito; kung gayon bakit ninyo sinabi ang lahat ng mga walang katuturan na ito?
זֶה ׀ חֵלֶק־אָדָם רָשָׁע ׀ עִם־אֵל וְֽנַחֲלַת עָרִיצִים מִשַּׁדַּי יִקָּֽחוּ׃ | 13 |
Ito ang kapalaran na itatakda ng Diyos para sa isang masamang tao, ang pamana na tinatanggap ng nang-aapi mula sa Makapangyarihan:
אִם־יִרְבּוּ בָנָיו לְמוֹ־חָרֶב וְצֶאֱצָאָיו לֹא יִשְׂבְּעוּ־לָֽחֶם׃ | 14 |
Kapag dumami ang kaniyang mga anak, ito ay para sa tabak; ang kaniyang mga anak ay hindi kailanman magkakaroon ng sapat na pagkain.
שְׂרִידָו בַּמָּוֶת יִקָּבֵרוּ וְאַלְמְנֹתָיו לֹא תִבְכֶּֽינָה׃ | 15 |
Ang mga mananatiling buhay ay ililibing ng salot, at ang kanilang mga biyuda ay hindi magluluksa para sa kanila.
אִם־יִצְבֹּר כֶּעָפָר כָּסֶף וְכַחֹמֶר יָכִין מַלְבּֽוּשׁ׃ | 16 |
Kahit na ang masamang tao ay nagtatambak ng pilak na parang alikabok, at nagtatamabk ng kasuotan na parang luwad,
יָכִין וְצַדִּיק יִלְבָּשׁ וְכֶסֶף נָקִי יַחֲלֹֽק׃ | 17 |
maaaring magyambak siya ng kasuotan, pero isusuot ito ng mga matutuwid na tao, at paghahati-hatian ng mga inosenteng tao ang pilak.
בָּנָה כָעָשׁ בֵּיתוֹ וּכְסֻכָּה עָשָׂה נֹצֵֽר׃ | 18 |
Tinatayo niya ang kaniyang bahay tulad ng isang gagamba, tulad ng isang kubo na ginagawa ng isang bantay.
עָשִׁיר יִשְׁכַּב וְלֹא יֵאָסֵף עֵינָיו פָּקַח וְאֵינֶֽנּוּ׃ | 19 |
Mayaman siyang humihiga sa kama, pero hindi niya laging gagawin ito; imumulat niya ang kaniyang mga mata, at lahat ng bagay ay wala na.
תַּשִּׂיגֵהוּ כַמַּיִם בַּלָּהוֹת לַיְלָה גְּנָבַתּוּ סוּפָֽה׃ | 20 |
Inaabutan siya ng mga malalaking takot tulad ng tubig sa baha; tinatangay siya ng isang bagyo sa gabi.
יִשָּׂאֵהוּ קָדִים וְיֵלַךְ וִישָׂעֲרֵהוּ מִמְּקֹמֽוֹ׃ | 21 |
Tinatangay siya ng hanging silangan, at siya ay nawawala; tinatangay siya nito mula sa kaniyang lugar.
וְיַשְׁלֵךְ עָלָיו וְלֹא יַחְמֹל מִיָּדוֹ בָּרוֹחַ יִבְרָֽח׃ | 22 |
Binabayo siya nito nang walang humpay; sinisikap niyang tumakas mula sa mga kamay nito.
יִשְׂפֹּק עָלֵימוֹ כַפֵּימוֹ וְיִשְׁרֹק עָלָיו מִמְּקֹמֽוֹ׃ | 23 |
Ipinapalakpak nito ang kaniyang mga kamay sa kaniya sa pangungutya; sinasagitsit siya nito mula sa kaniyang lugar.