< איוב 26 >
וַיַּעַן אִיּוֹב וַיֹּאמַֽר׃ | 1 |
Pagkatapos sumagot si Job at sinabi,
מֶה־עָזַרְתָּ לְלֹא־כֹחַ הוֹשַׁעְתָּ זְרוֹעַ לֹא־עֹֽז׃ | 2 |
Ganoon mo natulungan ang isang walang kapangyarihan! Ganoon mo iniligtas ang bisig na walang kalakasan!
מַה־יָּעַצְתָּ לְלֹא חׇכְמָה וְתֻשִׁיָּה לָרֹב הוֹדָֽעְתָּ׃ | 3 |
Ganoon mo pinayuhan ang isang walang karunungan at ipinahayag sa kaniya ang tamang kaalaman!
אֶת־מִי הִגַּדְתָּ מִלִּין וְנִשְׁמַת־מִי יָצְאָה מִמֶּֽךָּ׃ | 4 |
Kaninong tulong ang tinutukoy mo? Kaninong espiritu ang lumabas mula sa iyo?
הָרְפָאִים יְחוֹלָלוּ מִתַּחַת מַיִם וְשֹׁכְנֵיהֶֽם׃ | 5 |
Tumugon si Bildad, “Ang mga namatay, ang mga kaluluwa, ay nanginginig, ang mga naninirahan sa ilalim ng karagatan.
עָרוֹם שְׁאוֹל נֶגְדּוֹ וְאֵין כְּסוּת לָאֲבַדּֽוֹן׃ (Sheol ) | 6 |
Hubad ang Sheol sa harap ng Diyos; mismong ang pagkawasak ay walang panakip laban sa kaniya. (Sheol )
נֹטֶה צָפוֹן עַל־תֹּהוּ תֹּלֶה אֶרֶץ עַל־בְּלִי־מָֽה׃ | 7 |
Inuunat niya ang hilaga sa walang laman na kalawakan at ibinibitin ang daigdig sa gitna ng kawalan.
צֹרֵֽר־מַיִם בְּעָבָיו וְלֹֽא־נִבְקַע עָנָן תַּחְתָּֽם׃ | 8 |
Binibigkis niya ang mga tubig sa kaniyang mga makapal na ulap, pero hindi sumasabog ang mga ulap sa ilalim nila.
מְאַחֵז פְּנֵֽי־כִסֵּה פַּרְשֵׁז עָלָיו עֲנָנֽוֹ׃ | 9 |
Tinatakpan niya ang mukha ng buwan at inilalatag dito ang kaniyang mga ulap.
חֹֽק־חָג עַל־פְּנֵי־מָיִם עַד־תַּכְלִית אוֹר עִם־חֹֽשֶׁךְ׃ | 10 |
Umukit siya ng isang pabilog na hangganan sa ibabaw ng mga tubig bilang guhit sa pagitan ng liwanag at kadiliman.
עַמּוּדֵי שָׁמַיִם יְרוֹפָפוּ וְיִתְמְהוּ מִגַּעֲרָתֽוֹ׃ | 11 |
Nanginginig ang mga haligi ng langit at nabibigla sa kaniyang pagsasaway.
בְּכֹחוֹ רָגַע הַיָּם (ובתובנתו) [וּבִתְבוּנָתוֹ] מָחַץ רָֽהַב׃ | 12 |
Pinakalma niya ang dagat sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan; sa pamamagitan ng kaniyang pang-unawa, winasak niya si Rahab.
בְּרוּחוֹ שָׁמַיִם שִׁפְרָה חֹלְלָה יָדוֹ נָחָשׁ בָּרִֽחַ׃ | 13 |
Sa pamamagitan ng kaniyang hininga, pinagliwanag niya ang kalangitan mula sa mga bagyo; ang mga kalangitan ay pinagliwanag mula sa mga bagyo; sinaksak ng kaniyang kamay ang tumatakas na ahas.
הֶן־אֵלֶּה ׀ קְצוֹת דְּרָכָו וּמַה־שֵּׁמֶץ דָּבָר נִשְׁמַע־בּוֹ וְרַעַם גְּבוּרֹתָו מִי יִתְבּוֹנָֽן׃ | 14 |
Tingnan mo, ang mga ito ay mga palawit lamang ng kaniyang mga pamamaraan; kay hinang bulong ang naririing natin mula sa kaniya! Sino ang makakaunawa sa kulog ng kaniyang kapangyarihan?