< שיר השירים 6 >
אנה הלך דודך היפה בנשים אנה פנה דודך ונבקשנו עמך | 1 |
Saan naparoon ang iyong sinisinta, Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae? Saan tumungo ang iyong sinisinta, upang siya'y aming mahanap na kasama mo?
דודי ירד לגנו לערגות הבשם--לרעות בגנים וללקט שושנים | 2 |
Ang sinisinta ko'y bumaba sa kaniyang halamanan, sa mga pitak ng mga especia, upang magaliw sa mga halaman, at upang mamitas ng mga lila.
אני לדודי ודודי לי הרעה בשושנים | 3 |
Ako'y sa aking sinisinta, at ang sinisinta ko ay akin: pinapastulan niya ang kaniyang kawan sa gitna ng mga lila.
יפה את רעיתי כתרצה נאוה כירושלם אימה כנדגלות | 4 |
Ikaw ay maganda, sinta ko, na gaya ng Tirsa, kahalihalina na gaya ng Jerusalem, kakilakilabot na gaya ng hukbo na may mga watawat.
הסבי עיניך מנגדי שהם הרהיבני שערך כעדר העזים שגלשו מן הגלעד | 5 |
Ihiwalay mo ang iyong mga mata sa akin, Sapagka't kanilang dinaig ako. Ang iyong buhok ay gaya ng kawan ng mga kambing, na nangahihilig sa gulod ng Galaad.
שניך כעדר הרחלים שעלו מן הרחצה שכלם מתאימות ושכלה אין בהם | 6 |
Ang iyong mga ngipin ay gaya ng kawan ng mga babaing tupa, na nagsiahong mula sa pagpaligo; na bawa't isa'y may anak na kambal, at walang baog sa kanila.
כפלח הרמון רקתך מבעד לצמתך | 7 |
Ang iyong mga pisngi ay gaya ng putol ng granada sa likod ng iyong lambong.
ששים המה מלכות ושמנים פילגשים ועלמות אין מספר | 8 |
May anim na pung reina, at walong pung babae; at mga dalaga na walang bilang.
אחת היא יונתי תמתי--אחת היא לאמה ברה היא ליולדתה ראוה בנות ויאשרוה מלכות ופילגשים ויהללוה | 9 |
Ang aking kalapati, ang aking sakdal ay isa lamang; siya ang bugtong ng kaniyang ina; siya ang pili ng nanganak sa kaniya. Nakita siya ng mga anak na babae, at tinawag siyang mapalad; Oo, ng mga reina at ng mga babae, at pinuri siya nila.
מי זאת הנשקפה כמו שחר יפה כלבנה ברה כחמה--אימה כנדגלות | 10 |
Sino siyang tumitinging parang umaga, maganda na parang buwan, maliwanag na parang araw, kakilakilabot na parang hukbo na may mga watawat?
אל גנת אגוז ירדתי לראות באבי הנחל לראות הפרחה הגפן הנצו הרמנים | 11 |
Ako'y bumaba sa halamanan ng mga pile, upang tingnan ang mga sariwang pananim ng libis, upang tingnan kung nagbubuko ang puno ng ubas, at ang mga puno ng granada ay namumulaklak.
לא ידעתי--נפשי שמתני מרכבות עמי נדיב | 12 |
Bago ko naalaman, inilagay ako ng aking kaluluwa sa gitna ng mga karo ng aking marangal na bayan.
שובי שובי השולמית שובי שובי ונחזה בך מה תחזו בשולמית כמחלת המחנים | 13 |
Bumalik ka, bumalik ka, Oh Sulamita; bumalik ka, bumalik ka, upang ikaw ay aming masdan. Bakit ninyo titingnan ang Sulamita, nang gaya sa sayaw ng Mahanaim.