< תהילים 96 >
שירו ליהוה שיר חדש שירו ליהוה כל-הארץ | 1 |
O, umawit kay Yahweh ng isang bagong awitin; umawit kay Yahweh, buong daigdig.
שירו ליהוה ברכו שמו בשרו מיום-ליום ישועתו | 2 |
Umawit kay Yahweh, purihin ang kanyang pangalan; ipahayag ang kanyang kaligtasan araw-araw.
ספרו בגוים כבודו בכל-העמים נפלאותיו | 3 |
Ipahayag ang kanyang kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa, ang kanyang kahanga-hangang mga gawa sa gitna ng lahat ng mga bansa.
כי גדול יהוה ומהלל מאד נורא הוא על-כל-אלהים | 4 |
Dahil si Yahweh ay dakila at marapat siyang papurihan ng lubos. Dapat siyang katakutan higit sa lahat ng ibang mga diyos.
כי כל-אלהי העמים אלילים ויהוה שמים עשה | 5 |
Dahil lahat ng mga diyos ng mga bansa ay mga diyus-diyosan, pero si Yahweh ang lumikha ng kalangitan.
הוד-והדר לפניו עז ותפארת במקדשו | 6 |
Kaningningan at kamahalan ang nasa kanyang presensiya. Kalakasan at kagandahan ang nasa kanyang santuwaryo.
הבו ליהוה משפחות עמים הבו ליהוה כבוד ועז | 7 |
Iukol kay Yahweh, kayong mga angkan ng mga tao, iukol kay Yahweh ang kaluwalhatian at kalakasan.
הבו ליהוה כבוד שמו שאו-מנחה ובאו לחצרותיו | 8 |
Iukol kay Yahweh ang kaluwalhatiang nararapat sa kanyang pangalan. Magdala ng handog at magsipasok sa kanyang mga silid.
השתחוו ליהוה בהדרת-קדש חילו מפניו כל-הארץ | 9 |
Magbigay galang kay Yahweh sa kanyang banal na kaningningan. Manginig kayo sa kanyang harapan, buong daigdig.
אמרו בגוים יהוה מלך-- אף-תכון תבל בל-תמוט ידין עמים במישרים | 10 |
Sabihin ninyo sa gitna ng mga bansa, si Yahweh ang naghahari. Ang mundo rin ay itinatag; hindi ito mayayanig. Hinahatulan niya ang mga tao nang patas.
ישמחו השמים ותגל הארץ ירעם הים ומלאו | 11 |
Hayaang ang kalangitan ay magalak, at ang daigdig ay magdiwang; hayaang ang dagat ay rumagasa at ang mga laman nito ay sumigaw nang may kagalakan.
יעלז שדי וכל-אשר-בו אז ירננו כל-עצי-יער | 12 |
Hayaang magalak ang mga bukirin at lahat ng nasa kanila. Pagkatapos hayaang ang mga puno sa kagubatan sumigaw sa kagalakan
לפני יהוה כי בא-- כי בא לשפט הארץ ישפט-תבל בצדק ועמים באמונתו | 13 |
sa harapan ni Yahweh, dahil siya ay darating. Siya ay darating para hatulan ang daigdig batay sa katuwiran at ang mga tao batay sa kanyang katapatan.