< תהילים 9 >
למנצח על-מות לבן מזמור לדוד ב אודה יהוה בכל-לבי אספרה כל-נפלאותיך | 1 |
Para sa punong manunugtog; nakatakda sa estilo ng Muth Laben. Isang awit ni David. Buong puso akong magpapasalamat kay Yahweh; ihahayag ko ang lahat ng kamangha-mangha mong mga gawain.
אשמחה ואעלצה בך אזמרה שמך עליון | 2 |
Magagalak ako at magsasaya sa iyo; aawit ako ng papuri sa iyong pangalan, Kataas-taasan!
בשוב-אויבי אחור יכשלו ויאבדו מפניך | 3 |
Kapag bumalik ang mga kaaway ko, madadapa (sila) at mapupuksa sa harapan mo.
כי-עשית משפטי ודיני ישבת לכסא שופט צדק | 4 |
Dahil pinagtanggol mo ang aking makatuwirang layunin; nakaluklok ka sa iyong trono, makatuwirang hukom!
גערת גוים אבדת רשע שמם מחית לעולם ועד | 5 |
Sinindak mo ang mga bansa sa pamamagitan ng iyong panlabang sigaw; winasak mo ang masama; binura mo ang kanilang alaala magpakailanman.
האויב תמו חרבות--לנצח וערים נתשת--אבד זכרם המה | 6 |
Nagiba ang mga kaaway tulad ng mga lugar na gumuho nang gapiin mo ang kanilang mga lungsod. Lahat ng alaala tungkol sa kanila ay naglaho.
ויהוה לעולם ישב כונן למשפט כסאו | 7 |
Pero nananatili si Yahweh magpakailanman; tinatatag niya ang kaniyang trono para sa katarungan.
והוא ישפט-תבל בצדק ידין לאמים במישרים | 8 |
Hinahatulan niya ang mundo ng pantay. Gumagawa siya ng makatarungang mga pasya para sa mga bansa.
ויהי יהוה משגב לדך משגב לעתות בצרה | 9 |
Magiging matibay na tanggulan din si Yahweh para sa mga inaapi, isang matibay na tanggulan sa panahon ng kaguluhan.
ויבטחו בך יודעי שמך כי לא-עזבת דרשיך יהוה | 10 |
Nagtitiwala ang nakakakilala ng pangalan mo, dahil ikaw, Yahweh, ay hindi nang-iiwan ng mga lumalalapit sa iyo.
זמרו--ליהוה ישב ציון הגידו בעמים עלילותיו | 11 |
Umawit ng mga papuri kay Yahweh, ang namumuno sa Sion; sabihin sa lahat ng bansa ang kaniyang ginawa.
כי-דרש דמים אותם זכר לא-שכח צעקת עניים (ענוים) | 12 |
Dahil ang Diyos na naghihiganti sa pagdanak ng dugo ay nakaaalala; hindi niya nakalilimutan ang daing ng mga inaapi.
חננני יהוה--ראה עניי משנאי מרוממי משערי מות | 13 |
Maawa ka sa akin, Yahweh; tingnan mo kung paano ako inaapi ng mga kinamumuhian ako, ikaw na kayang agawin ako mula sa mga tarangkahan ng kamatayan.
למען אספרה כל-תהלתיך בשערי בת-ציון--אגילה בישועתך | 14 |
Para maihayag ko ang lahat ng kapurihan mo. Sa mga tarangkahan ng anak na babae ng Sion magsasaya ako sa iyong kaligtasan!
טבעו גוים בשחת עשו ברשת-זו טמנו נלכדה רגלם | 15 |
Lumubog ang mga bansa sa hukay na ginawa nila; nahuli ang mga paa nila sa lambat na tinago nila.
נודע יהוה--משפט עשה בפעל כפיו נוקש רשע הגיון סלה | 16 |
Hinayag ni Yahweh ang kaniyang sarili; nagsagawa siya ng paghatol; nahuli sa patibong ang masama dahil sa sarili niyang mga ginawa. (Selah)
ישובו רשעים לשאולה כל-גוים שכחי אלהים (Sheol ) | 17 |
Ang mga masasama ay binalik at pinadala sa sheol, ang patutunguhan ng mga bansa na lumimot sa Diyos. (Sheol )
כי לא לנצח ישכח אביון תקות ענוים (עניים) תאבד לעד | 18 |
Dahil ang mga nangangailangan ay hindi kailanman makalilimutan, o itataboy ang mga pag-asa ng mga inaapi.
קומה יהוה אל-יעז אנוש ישפטו גוים על-פניך | 19 |
Bumangon ka, Yahweh; huwag mo kaming hayaang lupigin ng tao; nawa mahatulan ang mga bansa sa iyong paningin.
שיתה יהוה מורה--להם ידעו גוים--אנוש המה סלה | 20 |
Sindakin mo (sila) Yahweh; nawa malaman ng mga bansa na (sila) ay tao lamang. (Selah)