< תהילים 74 >

משכיל לאסף למה אלהים זנחת לנצח יעשן אפך בצאן מרעיתך 1
O Diyos, bakit mo kami laging tinatanggihan? Bakit ang iyong galit ay nag-aalab laban sa mga tupa ng iyong pastulan?
זכר עדתך קנית קדם-- גאלת שבט נחלתך הר-ציון זה שכנת בו 2
Alalahanin mo ang iyong bayan, na iyong tinubos noong sinaunang panahon, na iyong binili para maging sarili mong pamana, at sa Bundok ng Sion, kung saan ka nananahan.
הרימה פעמיך למשאות נצח כל-הרע אויב בקדש 3
Halika, tingnan mo ang mga lubos na pagkawasak, lahat ng pininsala na ginawa ng kaaway sa banal na lugar.
שאגו צרריך בקרב מועדך שמו אותתם אתות 4
Ang iyong mga kalaban ay umatungal sa gitna ng iyong itinakdang lugar; inilagay nila ang kanilang mga bandila.
יודע כמביא למעלה בסבך-עץ קרדמות 5
Sinibak nila gamit ang mga palakol gaya ng sa makapal na gubat.
ועת (ועתה) פתוחיה יחד-- בכשיל וכילפות יהלמון 6
Dinurog at sinira nila ang lahat ng mga inukit; sinira nila iyon gamit ang mga palakol at maso.
שלחו באש מקדשך לארץ חללו משכן-שמך 7
Sinunog nila ang iyong santuwaryo; nilapastangan nila kung saan ka naninirahan, at giniba ito.
אמרו בלבם נינם יחד שרפו כל-מועדי-אל בארץ 8
Sinabi nila sa kanilang mga puso, “Wawasakin namin silang lahat. “Sinunog nila ang lahat ng iyong mga tagpuang lugar sa lupain.
אותתינו לא ראינו אין-עוד נביא ולא-אתנו ידע עד-מה 9
Hindi na kami nakakikita ng anumang mga himala mula sa Diyos; wala ng propeta, at walang sinuman sa atin ang nakakaalam kung gaano ito tatagal.
עד-מתי אלהים יחרף צר ינאץ אויב שמך לנצח 10
O Diyos, gaano katagal ka lalaitin ng mga kaaway? Lalapastanganin ba ng kaaway ang iyong pangalan habang panahon?
למה תשיב ידך וימינך מקרב חוקך (חיקך) כלה 11
Bakit mo pinipigilan ang iyong kamay, ang iyong kanang kamay? Gamitin mo ang iyong kanang kamay mula sa iyong kasuotan at wasakin (sila)
ואלהים מלכי מקדם פעל ישועות בקרב הארץ 12
Gayumpaman, ang Diyos ang aking naging hari mula pa noong sinaunang panahon, na nagdadala ng kaligtasan sa daigdig.
אתה פוררת בעזך ים שברת ראשי תנינים על-המים 13
Hinati mo ang dagat sa pamamagitan ng iyong lakas; dinurog mo ang mga ulo ng halimaw na nasa dagat.
אתה רצצת ראשי לויתן תתננו מאכל לעם לציים 14
Dinurog mo ang mga ulo ng leviatan; pinakain mo siya sa mga naninirahan sa ilang.
אתה בקעת מעין ונחל אתה הובשת נהרות איתן 15
Binuksan mo ang mga bukal at batis; tinuyo mo ang mga dumadaloy na ilog.
לך יום אף-לך לילה אתה הכינות מאור ושמש 16
Ang araw ay sa iyo, at ang gabi ay sa iyo rin; nilagay mo ang araw at buwan.
אתה הצבת כל-גבולות ארץ קיץ וחרף אתה יצרתם 17
Inilagay mo ang lahat ng mga hangganan sa daigdig; ginawa mo ang tag-araw at taglamig.
זכר-זאת--אויב חרף יהוה ועם נבל נאצו שמך 18
Alalahanin mo, Yahweh, kung paano ka binato ng kaaway ng mga panlalait, at nilapastangan ng mga hangal ang iyong pangalan.
אל-תתן לחית נפש תורך חית ענייך אל-תשכח לנצח 19
Huwag mong ibigay ang buhay ng iyong kalapati sa isang mabangis na hayop. Huwag mong tuluyang kalimutan ang buhay ng iyong inaping bayan magpakailanman.
הבט לברית כי מלאו מחשכי-ארץ נאות חמס 20
Alalahanin mo ang iyong tipan, dahil ang madidilim na mga rehiyon sa daigdig ay puno ng mga lugar ng karahasan.
אל-ישב דך נכלם עני ואביון יהללו שמך 21
Huwag mong hayaang maibalik ang mga inapi sa kahihiyan; nawa purihin ng mahirap at inaapi ang iyong pangalan.
קומה אלהים ריבה ריבך זכר חרפתך מני-נבל כל-היום 22
Tumindig ka, O Diyos; ipagtanggol mo ang iyong sariling karangalan; alalahanin mo kung paano ka nilait ng mga hangal buong araw.
אל-תשכח קול צרריך שאון קמיך עלה תמיד 23
Huwag mong kalimutan ang tinig ng iyong mga kalaban o sigaw ng mga patuloy na sumasalungat sa iyo.

< תהילים 74 >