< תהילים 74 >
משכיל לאסף למה אלהים זנחת לנצח יעשן אפך בצאן מרעיתך | 1 |
Oh Dios, bakit mo itinakuwil kami magpakailan man? Bakit ang iyong galit ay umuusok laban sa mga tupa ng iyong pastulan?
זכר עדתך קנית קדם-- גאלת שבט נחלתך הר-ציון זה שכנת בו | 2 |
Alalahanin mo ang iyong kapisanan na iyong binili ng una, na iyong tinubos upang maging lipi ng iyong mana; at ang bundok ng Sion na iyong tinahanan.
הרימה פעמיך למשאות נצח כל-הרע אויב בקדש | 3 |
Itaas mo ang iyong mga paa sa mga walang hanggang guho, ang lahat na kasamaang ginawa ng kaaway sa santuario.
שאגו צרריך בקרב מועדך שמו אותתם אתות | 4 |
Ang mga kaaway mo'y nagsisiangal sa gitna ng iyong kapulungan; kanilang itinaas ang kanilang mga watawat na pinakatanda.
יודע כמביא למעלה בסבך-עץ קרדמות | 5 |
Sila'y tila mga tao na nangagtaas ng mga palakol sa mga kakahuyan.
ועת (ועתה) פתוחיה יחד-- בכשיל וכילפות יהלמון | 6 |
At ngayo'y lahat ng gawang inanyuan doon. Kanilang pinagputolputol ng palakol at ng mga pamukpok.
שלחו באש מקדשך לארץ חללו משכן-שמך | 7 |
Kanilang sinilaban ng apoy ang iyong santuario; kanilang dinumhan ang tahanang dako ng iyong pangalan hanggang sa lupa.
אמרו בלבם נינם יחד שרפו כל-מועדי-אל בארץ | 8 |
Kanilang sinabi sa kanilang puso, ating gibaing paminsan: kanilang sinunog ang lahat na sinagoga ng Dios sa lupain.
אותתינו לא ראינו אין-עוד נביא ולא-אתנו ידע עד-מה | 9 |
Hindi namin nakikita ang aming mga tanda: Wala nang propeta pa; at wala mang sinoman sa amin na nakakaalam kung hanggang kailan.
עד-מתי אלהים יחרף צר ינאץ אויב שמך לנצח | 10 |
Hanggang kailan, Oh Dios, mangduduwahagi ang kaaway? Lalapastanganin ba ng kaaway ang iyong pangalan magpakailan man?
למה תשיב ידך וימינך מקרב חוקך (חיקך) כלה | 11 |
Bakit mo iniuurong ang iyong kamay, ang iyong kanan? Ilabas mo sa iyong sinapupunan, at iyong lipulin (sila)
ואלהים מלכי מקדם פעל ישועות בקרב הארץ | 12 |
Gayon ma'y ang Dios ay aking Hari ng una, na nagliligtas sa gitna ng lupa.
אתה פוררת בעזך ים שברת ראשי תנינים על-המים | 13 |
Iyong hinawi ang dagat sa iyong kalakasan: iyong pinagbasag ang mga ulo ng mga buwaya sa mga tubig.
אתה רצצת ראשי לויתן תתננו מאכל לעם לציים | 14 |
Iyong pinagputolputol ang mga ulo ng leviatan, ibinigay mo siya na pagkain sa bayan na tumatahan sa ilang.
אתה בקעת מעין ונחל אתה הובשת נהרות איתן | 15 |
Ikaw ay nagbukas ng bukal at ilog: iyong tinutuyo ang mga malaking ilog.
לך יום אף-לך לילה אתה הכינות מאור ושמש | 16 |
Ang araw ay iyo, ang gabi ay iyo rin: iyong inihanda ang liwanag at ang araw.
אתה הצבת כל-גבולות ארץ קיץ וחרף אתה יצרתם | 17 |
Iyong inilagay ang lahat ng mga hangganan ng lupa: iyong ginawa ang taginit at taginaw.
זכר-זאת--אויב חרף יהוה ועם נבל נאצו שמך | 18 |
Iyong alalahanin ito, na nangduwahagi ang kaaway, Oh Panginoon, at nilapastangan ng mangmang na bayan ang iyong pangalan.
אל-תתן לחית נפש תורך חית ענייך אל-תשכח לנצח | 19 |
Oh huwag mong ibigay ang kaluluwa ng inakay ng iyong kalapati sa mabangis na hayop: huwag mong kalimutan ang buhay ng iyong dukha magpakailan man.
הבט לברית כי מלאו מחשכי-ארץ נאות חמס | 20 |
Magkaroong pitagan ka sa tipan: sapagka't ang mga madilim na dako ng lupa ay puno ng mga tahanan ng karahasan.
אל-ישב דך נכלם עני ואביון יהללו שמך | 21 |
Oh huwag bumalik na may kahihiyan ang naaapi: pupurihin ng dukha at mapagkailangan ang iyong pangalan.
קומה אלהים ריבה ריבך זכר חרפתך מני-נבל כל-היום | 22 |
Bumangon ka, Oh Dios, ipaglaban mo ang iyong sariling usap: alalahanin mo kung paanong dinuduwahagi ka ng mangmang buong araw.
אל-תשכח קול צרריך שאון קמיך עלה תמיד | 23 |
Huwag mong kalimutan ang tinig ng iyong mga kaaway: ang ingay niyaong nagsisibangon laban sa iyo ay patuloy na lumalala.