< תהילים 73 >
מזמור לאסף אך טוב לישראל אלהים-- לברי לבב | 1 |
Sadyang mabuti ang Diyos sa Israel sa mga may dalisay na puso.
ואני--כמעט נטוי (נטיו) רגלי כאין שפכה (שפכו) אשרי | 2 |
Pero para sa akin, halos dumulas ang aking mga paa; halos dumulas ang aking mga paa sa aking paghakbang
כי-קנאתי בהוללים שלום רשעים אראה | 3 |
dahil nainggit ako sa arogante nang makita ko ang kasaganaan ng masasama.
כי אין חרצבות למותם ובריא אולם | 4 |
Dahil wala silang sakit hanggang sa kanilang kamatayan, kundi (sila) ay malakas at nakakakain nang mabuti.
בעמל אנוש אינמו ועם-אדם לא ינגעו | 5 |
Malaya (sila) mula sa mga pasanin tulad ng ibang mga tao; hindi (sila) nahihirapan katulad ng ibang mga tao.
לכן ענקתמו גאוה יעטף-שית חמס למו | 6 |
Ang pagmamalaki ay nagpapaganda sa kanila na tulad ng kwintas na nakapalibot sa kanilang leeg; dinadamitan (sila) ng karahasan tulad ng balabal.
יצא מחלב עינמו עברו משכיות לבב | 7 |
Mula sa ganoong pagkabulag nagmumula ang kasalanan; ang masamang mga kaisipan ay tumatagos sa kanilang mga puso.
ימיקו וידברו ברע עשק ממרום ידברו | 8 |
Nangungutya silang nagsasabi ng mga masasamang bagay; nagmamalaki silang nagbabanta ng karahasan.
שתו בשמים פיהם ולשונם תהלך בארץ | 9 |
Nagsasalita (sila) laban sa kalangitan, at ang kanilang mga dila ay gumagala sa daigdig.
לכן ישיב (ישוב) עמו הלם ומי מלא ימצו למו | 10 |
Kaya, ang bayan ng Diyos ay nakikinig sa kanila at ninanamnam ang kanilang mga salita.
ואמרו איכה ידע-אל ויש דעה בעליון | 11 |
Sinasabi nila, “Paano nalalaman ng Diyos? Alam ba ng Diyos kung ano ang nangyayari?”
הנה-אלה רשעים ושלוי עולם השגו-חיל | 12 |
Pansinin ninyo: ang mga taong ito ay masama; wala silang inaalala, lalo pa silang nagiging mayaman.
אך-ריק זכיתי לבבי וארחץ בנקיון כפי | 13 |
Sadyang walang kabuluhan na bantayan ko ang aking puso at hugasan ang aking mga kamay sa kawalang-kasalanan.
ואהי נגוע כל-היום ותוכחתי לבקרים | 14 |
Dahil buong araw akong pinahirapan at dinisiplina bawat umaga.
אם-אמרתי אספרה כמו הנה דור בניך בגדתי | 15 |
Kung aking sinabi, “Sasabihin ko ang mga bagay na ito,” parang pinagtaksilan ko ang salinlahi ng inyong mga anak.
ואחשבה לדעת זאת עמל היא (הוא) בעיני | 16 |
Kahit na sinubukan kong unawain ang mga bagay na ito, napakahirap nito para sa akin.
עד-אבוא אל-מקדשי-אל אבינה לאחריתם | 17 |
Pagkatapos pumasok ako sa santuwaryo ng Diyos at naunawaan ang kanilang kapalaran.
אך בחלקות תשית למו הפלתם למשואות | 18 |
Sadyang inilalagay mo (sila) sa madudulas na mga lugar; dinadala mo (sila) sa pagkawasak.
איך היו לשמה כרגע ספו תמו מן-בלהות | 19 |
Paano (sila) naging disyerto sa isang iglap! Sumapit (sila) sa kanilang wakas at natapos sa kahindik-hindik na takot.
כחלום מהקיץ-- אדני בעיר צלמם תבזה | 20 |
Katulad (sila) ng panaginip matapos magising; Panginoon, kapag ikaw ay tumindig, wala kang iisiping ganoong mga panaginip.
כי יתחמץ לבבי וכליותי אשתונן | 21 |
Dahil nagdalamhati ang aking puso, at ako ay labis na nasugatan.
ואני-בער ולא אדע בהמות הייתי עמך | 22 |
Ako ay mangmang at kulang sa pananaw; ako ay katulad ng walang alam na hayop sa harapan mo.
ואני תמיד עמך אחזת ביד-ימיני | 23 |
Gayumpaman, ako ay palaging kasama mo; hawak mo ang aking kanang kamay.
בעצתך תנחני ואחר כבוד תקחני | 24 |
Gagabayan mo ako ng iyong payo at pagkatapos tanggapin mo ako sa kaluwalhatian.
מי-לי בשמים ועמך לא-חפצתי בארץ | 25 |
Sino ang hahanapin ko sa langit bukod sa iyo? Walang sinuman na nasa daigdig ang aking ninanais kundi ikaw.
כלה שארי ולבבי צור-לבבי וחלקי--אלהים לעולם | 26 |
Humina man ang aking katawan at ang aking puso, pero ang Diyos ang lakas ng aking puso magpakailanman.
כי-הנה רחקיך יאבדו הצמתה כל-זונה ממך | 27 |
Ang mga malayo sa iyo ay mamamatay; wawasakin mo ang lahat ng mga taksil sa iyo.
ואני קרבת אלהים-- לי-טוב שתי באדני יהוה מחסי לספר כל-מלאכותיך | 28 |
Pero para sa akin, ang kailangan ko lang gawin ay lumapit sa Diyos. Ginawa kong kublihan si Yahweh na aking Panginoon. Ipahahayag ko ang lahat ng iyong mga gawa.