< תהילים 66 >
למנצח שיר מזמור הריעו לאלהים כל-הארץ | 1 |
Mag-ingay sa galak para sa Diyos, lahat ng nilalang;
זמרו כבוד-שמו שימו כבוד תהלתו | 2 |
Awitin ang kaluwalhatian ng kaniyang pangalan; gawing maluwalhati ang kaniyang kapurihan.
אמרו לאלהים מה-נורא מעשיך ברב עזך יכחשו לך איביך | 3 |
Sabihin mo sa Diyos, “Nakakikilabot ang iyong mga gawa! Sa pamamagitan ng kadakilaan ng iyong kapangyarihan, magpapasakop sa iyo ang iyong mga kaaway.
כל-הארץ ישתחוו לך--ויזמרו-לך יזמרו שמך סלה | 4 |
Sasamba at aawit sa iyo ang lahat ng nasa lupa; aawit (sila) sa iyong pangalan.” (Selah)
לכו וראו מפעלות אלהים נורא עלילה על-בני אדם | 5 |
Halika at tingnan ang mga gawa ng Diyos; kinatatakutan siya sa kaniyang mga ginagawa sa mga anak ng mga tao.
הפך ים ליבשה--בנהר יעברו ברגל שם נשמחה-בו | 6 |
Ginawa niyang tuyong lupa ang dagat; tumawid (sila) sa ilog nang naglalakad; nagalak kami sa kaniya roon.
משל בגבורתו עולם-- עיניו בגוים תצפינה הסוררים אל-ירימו (ירומו) למו סלה | 7 |
Namumuno siya magpakailanman sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan; pinagmamasdan ng kaniyang mga mata ang mga bansa; huwag hayaang itaas ng mga suwail ang kanilang mga sarili. (Selah)
ברכו עמים אלהינו והשמיעו קול תהלתו | 8 |
Purihin ang Diyos, kayong mga tao, hayaang marinig ang tinig ng kaniyang kapurihan.
השם נפשנו בחיים ולא-נתן למוט רגלנו | 9 |
Iniingatan niya tayo sa mga nabubuhay, at hindi pinapahintulutang madulas ang ating mga paa.
כי-בחנתנו אלהים צרפתנו כצרף-כסף | 10 |
Dahil ikaw, O Diyos, ang sumubok sa amin; sinubok mo kami gaya ng pilak.
הבאתנו במצודה שמת מועקה במתנינו | 11 |
Dinala mo kami sa isang lambat; nilagyan mo kami ng matinding pabigat sa aming mga balakang.
הרכבת אנוש לראשנו באנו-באש ובמים ותוציאנו לרויה | 12 |
Pinasakay mo ang mga tao sa aming mga ulo; dumaan kami sa apoy at tubig; pero inilabas mo kami sa malawak na lugar.
אבוא ביתך בעולות אשלם לך נדרי | 13 |
Pupunta ako sa iyong tahanan na may mga sinunog na handog; tutuparin ko ang aking mga panata
אשר-פצו שפתי ודבר-פי בצר-לי | 14 |
na ipinangako ng aking labi at sinabi ng aking bibig nang ako ay nasa kahirapan.
עלות מיחים אעלה-לך עם-קטרת אילים אעשה בקר עם-עתודים סלה | 15 |
Magsusunog ako ng taba ng mga hayop bilang handog na may mabangong samyo ng mga tupa; mag-aalay ako ng mga toro at kambing. (Selah)
לכו-שמעו ואספרה כל-יראי אלהים אשר עשה לנפשי | 16 |
Halika at makinig, lahat kayo na may takot sa Diyos, at ipahahayag ko kung ano ang ginawa niya para sa aking kaluluwa.
אליו פי-קראתי ורומם תחת לשוני | 17 |
Nananawagan ako sa kaniya gamit ang aking bibig, at pinuri siya ng aking dila.
און אם-ראיתי בלבי-- לא ישמע אדני | 18 |
Kung alam kong may kasalanan sa aking puso, hindi makikinig ang Diyos sa akin.
אכן שמע אלהים הקשיב בקול תפלתי | 19 |
Pero tunay ngang nakinig ang Diyos; binigyan niya ng pansin ang tinig ng aking panalangin.
ברוך אלהים-- אשר לא-הסיר תפלתי וחסדו מאתי | 20 |
Purihin ang Diyos, na hindi itinakwil ang aking panalangin o kaniyang katapatan sa tipan mula sa akin.