< תהילים 60 >
למנצח על-שושן עדות מכתם לדוד ללמד ב בהצותו את ארם נהרים-- ואת-ארם צובה וישב יואב ויך את-אדום בגיא-מלח-- שנים עשר אלף ג אלהים זנחתנו פרצתנו אנפת תשובב לנו | 1 |
O Diyos, itinakwil mo kami; nilupig mo kami; ikaw ay nagalit; ibalik mo aming muli sa aming kalagayan.
הרעשתה ארץ פצמתה רפה שבריה כי-מטה | 2 |
Pinayayanig mo ang lupain; pinaghiwa-hiwalay mo ito; pagalingin mo ang pagkakasira nito, dahil ito ay nayayanig.
הראית עמך קשה השקיתנו יין תרעלה | 3 |
Ipinakita mo sa iyong bayan ang mga matitinding bagay; pinainom mo sa amin ang alak na nagpapasuray.
נתתה ליראיך נס להתנוסס-- מפני קשט סלה | 4 |
Nagbigay ka ng isang bandera sa mga nagpaparangal sa iyo para maipakita ito dahil sa katotohanan. (Selah)
למען יחלצון ידידיך הושיעה ימינך ועננו (וענני) | 5 |
Para silang mga minamahal mo ay masagip, sagipin mo kami ng iyong kanang kamay at sagutin ako.
אלהים דבר בקדשו--אעלזה אחלקה שכם ועמק סכות אמדד | 6 |
Ang Diyos ay nagsalita sa kaniyang kabanalan, “Ako ay nagagalak; hahatiin ko ang Shekem at ipamamahagi ang lambak ng Sucot.
לי גלעד ולי מנשה ואפרים מעוז ראשי יהודה מחקקי | 7 |
Sa akin ang Galaad, at sa akin ang Manases; sanggalang ko sa ulo ang Efraim; setro ko ang Juda.
מואב סיר רחצי--על-אדום אשליך נעלי עלי פלשת התרועעי | 8 |
Ang Moab ay aking hilamusan; sa ibabaw ng Edom ihahagis ko ang aking sapatos; sisigaw ako sa tagumpay dahil sa Filistia.
מי יבלני עיר מצור מי נחני עד-אדום | 9 |
Sino ang magdadala sa akin sa malakas na lungsod? Sino ang maghahatid sa akin sa Edom?”
הלא-אתה אלהים זנחתנו ולא-תצא אלהים בצבאותינו | 10 |
Pero ikaw, O Diyos, hindi mo ba kami itinakwil? Hindi mo sinamahan sa laban ang aming hukbo.
הבה-לנו עזרת מצר ושוא תשועת אדם | 11 |
Tulungan mo kami laban sa kaaway, dahil ang tulong ng tao ay walang silbi.
באלהים נעשה-חיל והוא יבוס צרינו | 12 |
Magtatagumpay kami sa pamamagitan ng tulong ng Diyos; yuyurakan niya ang aming mga kaaway.