< תהילים 59 >

למנצח אל-תשחת לדוד מכתם בשלח שאול וישמרו את-הבית להמיתו ב הצילני מאיבי אלהי ממתקוממי תשגבני 1
Iligtas mo ako sa aking mga kaaway, Oh Dios ko: ilagay mo ako sa mataas sa kanila na nagsisibangon laban sa akin.
הצילני מפעלי און ומאנשי דמים הושיעני 2
Iligtas mo ako sa mga manggagawa ng kasamaan, at iligtas mo ako sa mga mabagsik na tao.
כי הנה ארבו לנפשי-- יגורו עלי עזים לא-פשעי ולא-חטאתי יהוה 3
Sapagka't narito, kanilang binabakayan ang aking kaluluwa; ang mga makapangyarihan ay nagpipisan laban sa akin: hindi dahil sa aking pagsalangsang, o sa aking kasalanan man, Oh Panginoon.
בלי-עון ירצון ויכוננו עורה לקראתי וראה 4
Sila'y nagsisitakbo at nagsisihanda na wala akong sala: ikaw ay gumising na tulungan mo ako, at masdan mo.
ואתה יהוה-אלהים צבאות אלהי ישראל-- הקיצה לפקד כל-הגוים אל-תחן כל-בגדי און סלה 5
Sa makatuwid baga'y ikaw, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, na Dios ng Israel, ikaw ay bumangon upang iyong dalawin ang lahat ng mga bansa: huwag kang maawa sa kanino mang masamang mananalangsang. (Selah)
ישובו לערב יהמו ככלב ויסובבו עיר 6
Sila'y nagsibalik sa kinahapunan, sila'y nagsitahol na parang aso, at nililigid ang bayan.
הנה יביעון בפיהם--חרבות בשפתותיהם כי-מי שמע 7
Narito, sila'y nanunungayaw ng kanilang bibig; mga tabak ay nangasa kanilang mga labi: sapagka't sino, sabi nila, ang nakikinig?
ואתה יהוה תשחק-למו תלעג לכל-גוים 8
Nguni't ikaw, Oh Panginoon, tatawa sa kanila; iyong tutuyain ang lahat ng mga bansa.
עזו אליך אשמרה כי-אלהים משגבי 9
Dahil sa kaniyang kalakasan, didinggin kita; sapagka't ang Dios ay aking matayog na moog.
אלהי חסדו (חסדי) יקדמני אלהים יראני בשררי 10
Ang aking Dios pati ng kaniyang kagandahang-loob ay sasalubong sa akin: ipakikita ng Dios sa akin ang aking nasa sa aking mga kaaway.
אל-תהרגם פן ישכחו עמי--הניעמו בחילך והורידמו מגננו אדני 11
Huwag mo silang patayin, baka makalimot ang aking bayan; pangalatin mo (sila) ng iyong kapangyarihan, at ibaba mo (sila) Oh Panginoon na kalasag namin.
חטאת-פימו דבר-שפתימו וילכדו בגאונם ומאלה ומכחש יספרו 12
Dahil sa kasalanan ng kanilang bibig, at sa mga salita ng kanilang mga labi, makuha nawa (sila) sa kanilang kapalaluan, at dahil sa sumpa at pagsisinungaling na kanilang sinalita.
כלה בחמה כלה ואינמו וידעו--כי-אלהים משל ביעקב לאפסי הארץ סלה 13
Pugnawin mo (sila) sa poot, pugnawin mo (sila) upang sila'y mawala: at ipakilala mo sa kanila na ang Dios ay nagpupuno sa Jacob, hanggang sa mga wakas ng lupa. (Selah)
וישבו לערב יהמו ככלב ויסובבו עיר 14
At sa kinahapunan ay papagbalikin mo (sila) pahagulhulin mo silang parang aso, at libutin nila ang bayan.
המה ינועון (יניעון) לאכל-- אם-לא ישבעו וילינו 15
Sila'y gagala na magmamanhik-manaog dahil sa pagkain, at maghihintay buong gabi kung hindi (sila) mabusog.
ואני אשיר עזך-- וארנן לבקר חסדך כי-היית משגב לי ומנוס ביום צר-לי 16
Nguni't aking aawitin ang iyong kalakasan; Oo, aking aawiting malakas ang iyong kagandahang-loob sa kinaumagahan: sapagka't ikaw ay naging aking matayog na moog, at kanlungan sa kaarawan ng aking kabagabagan.
עזי אליך אזמרה כי-אלהים משגבי אלהי חסדי 17
Sa iyo, Oh kalakasan ko, aawit ako ng mga pagpuri: sapagka't ang Dios ay aking matayog na moog, ang Dios ng aking kaawaan.

< תהילים 59 >