< תהילים 58 >

למנצח אל-תשחת לדוד מכתם ב האמנם--אלם צדק תדברון מישרים תשפטו בני אדם 1
Tunay bang kayo'y nangagsasalita ng katuwiran Oh kayong mga makapangyarihan? Nagsisihatol ba kayo ng matuwid, Oh kayong mga anak ng mga tao?
אף-בלב עולת תפעלון בארץ--חמס ידיכם תפלסון 2
Oo, sa puso ay nagsisigawa kayo ng kasamaan; inyong tinitimbang ang pangdadahas ng inyong mga kamay sa lupa.
זרו רשעים מרחם תעו מבטן דברי כזב 3
Ang masama ay naliligaw mula sa bahay-bata: sila'y naliligaw pagkapanganak sa kanila, na nagsasalita ng mga kasinungalingan.
חמת-למו כדמות חמת-נחש כמו-פתן חרש יאטם אזנו 4
Ang kanilang kamandag ay parang kamandag ng ahas: sila'y gaya ng binging ahas na nagtatakip ng kaniyang pakinig;
אשר לא-ישמע לקול מלחשים חובר חברים מחכם 5
At hindi nakakarinig ng tinig ng mga enkantador, na kailan man ay hindi umeenkanto ng gayon na may karunungan.
אלהים--הרס שנימו בפימו מלתעות כפירים נתץ יהוה 6
Iyong bungalin ang kanilang mga ngipin, Oh Dios, sa kanilang bibig: iyong bungalin ang mga malaking ngipin ng mga batang leon, Oh Panginoon.
ימאסו כמו-מים יתהלכו-למו ידרך חצו כמו יתמללו 7
Mangatunaw nawa silang parang tubig na umaagos: pagka inihilagpos niya ang kaniyang mga palaso, maging gaya nawa ng nangaluray.
כמו שבלול תמס יהלך נפל אשת בל-חזו שמש 8
Maging gaya nawa ng laman ng laman ng suso na natutunaw at napapawi: na gaya ng naagas sa babae na hindi nakakita ng araw.
בטרם יבינו סירתכם אטד כמו-חי כמו-חרון ישערנו 9
Bago makaramdam ang inyong mga palyok ng mga dawag na panggatong, kaniyang kukunin ang mga yaon ng ipoipo, ang sariwa at gayon din ang nagniningas.
ישמח צדיק כי-חזה נקם פעמיו ירחץ בדם הרשע 10
Magagalak ang matuwid pagka nakita niya ang higanti: kaniyang huhugasan ang kaniyang mga paa sa dugo ng masama.
ויאמר אדם אך-פרי לצדיק אך יש-אלהים שפטים בארץ 11
Na anopa't sasabihin ng mga tao, Katotohanang may kagantihan sa matuwid: katotohanang may Dios na humahatol sa lupa.

< תהילים 58 >