< תהילים 55 >

למנצח בנגינת משכיל לדוד ב האזינה אלהים תפלתי ואל-תתעלם מתחנתי 1
Pakinggan mo aking panalangin, O Diyos; at huwag mong itago ang iyong sarili sa aking pagsamo.
הקשיבה לי וענני אריד בשיחי ואהימה 2
Pakinggan mo ako at ako ay iyong sagutin; wala akong kapahingahan sa aking mga kaguluhan.
מקול אויב--מפני עקת רשע כי-ימיטו עלי און ובאף ישטמוני 3
dahil sa tinig ng aking mga kaaway, dahil sa pang-aapi ng masasama; dahil nagdala (sila) ng kaguluhan sa akin at galit akong inuusig.
לבי יחיל בקרבי ואימות מות נפלו עלי 4
Lubhang nasaktan ang aking puso, at binagsakan ako ng malaking takot sa kamatayan.
יראה ורעד יבא בי ותכסני פלצות 5
Dumating sa akin ang pagkatakot at panginginig, at kilabot ang nanaig sakin.
ואמר--מי-יתן-לי אבר כיונה אעופה ואשכנה 6
Aking sinabi, “O, kung mayroon lamang akong mga pakpak tulad ng kalapati! Kung magkagayon lilipad akong palayo at magpapahinga.
הנה ארחיק נדד אלין במדבר סלה 7
Tingnan, ako ay gagala sa malayo; doon ako mananahan sa ilang. (Selah)
אחישה מפלט לי-- מרוח סעה מסער 8
Magmamadali ako para sumilong mula sa malakas na hangin at unos''.
בלע אדני פלג לשונם כי-ראיתי חמס וריב בעיר 9
Wasakin mo (sila) Panginoon, at guluhin ang kanilang mga wika, dahil nakita ko ang karahasan at kaguluhan sa lungsod.
יומם ולילה--יסובבה על-חומתיה ואון ועמל בקרבה 10
Lumiligid (sila) araw at gabi sa ibabaw ng kanyang pader, kasalanan at kalokohan ay nasa kalagitnaan niya.
הוות בקרבה ולא-ימיש מרחבה תך ומרמה 11
Kasamaan ang nasa gitna nito; ang pang-aapi at pandaraya sa mga lansangan nito ay hindi umaalis.
כי לא-אויב יחרפני ואשא לא-משנאי עלי הגדיל ואסתר ממנו 12
Dahil hindi isang kaaway ang sumasaway sa akin. kaya maaari ko itong tiisin; ni hindi siya ang napopoot sa akin na itinaas ang kaniyang sarili laban sa akin, dahil kung hindi itinago ko sana ang aking sarili sa kanya.
ואתה אנוש כערכי אלופי ומידעי 13
Pero ikaw iyon, isang lalaking kapantay ko, aking kasama at aking malapit na kaibigan.
אשר יחדו נמתיק סוד בבית אלהים נהלך ברגש 14
Mayroon tayong matamis na pagsasamahan; naglakad tayo kasama ang maraming tao sa tahanan ng Diyos.
ישימות (ישי מות) עלימו--ירדו שאול חיים כי-רעות במגורם בקרבם (Sheol h7585) 15
Hayaang mong biglang dumating ang kamatayan sa kanila; hayaang mo silang bumaba ng buhay sa Sheol, dahil sa kalagitnaan nila, sa kasamaan (sila) namumuhay. (Sheol h7585)
אני אל-אלהים אקרא ויהוה יושיעני 16
Para sa akin, tatawag ako sa Diyos, at ililigtas ako ni Yahweh.
ערב ובקר וצהרים אשיחה ואהמה וישמע קולי 17
Magsusumbong ako at dadaing sa gabi, sa umaga at sa tanghaling tapat; maririnig niya ang aking tinig.
פדה בשלום נפשי מקרב-לי כי-ברבים היו עמדי 18
Ligtas niyang sasagipin ang aking buhay mula sa digmaang laban sa akin, dahil marami silang mga lumaban sa akin.
ישמע אל ויענם-- וישב קדם סלה אשר אין חליפות למו ולא יראו אלהים 19
Ang Diyos, ang nananatili mula noon pang unang panahon, ay makikinig at tumutugon sa kanila. (Selah) Ang mga taong iyon ay hindi nagbago; (sila) ay hindi natatakot sa Diyos.
שלח ידיו בשלמיו חלל בריתו 20
Itinataas ng aking kaibigan ang kaniyang mga kamay laban sa kaniyang mga kasundo; hindi na niya iginalang ang tipan na mayroon siya.
חלקו מחמאת פיו-- וקרב-לבו רכו דבריו משמן והמה פתחות 21
Ang kaniyang bibig ay kasindulas ng mantikilya, pero ang kaniyang puso ay naghamon; mas malambot pa kaysa sa langis ang kaniyang mga salita, pero ang totoo (sila) ay mga binunot na espada.
השלך על-יהוה יהבך-- והוא יכלכלך לא-יתן לעולם מוט-- לצדיק 22
Ilagay mo ang iyong pasanin kay Yahweh, at ikaw ay kaniyang aalalayan; hindi niya papayagang sumuray- suray sa paglalakad ang taong matuwid.
ואתה אלהים תורדם לבאר שחת-- אנשי דמים ומרמה לא-יחצו ימיהם ואני אבטח-בך 23
Pero ikaw, O Diyos, ay dadalhin sa hukay ng pagkawasak ang masama; ang mga uhaw sa dugo at mandaraya ay hindi mabubuhay kahit kalahati ng buhay ng iba, pero ako ay sa iyo magtitiwala.

< תהילים 55 >