< תהילים 47 >
למנצח לבני-קרח מזמור ב כל-העמים תקעו-כף הריעו לאלהים בקול רנה | 1 |
Kayong lahat na mga tao, ipalakpak ninyo ang inyong mga kamay; sumigaw kayo sa Diyos sa tunog ng tagumpay.
כי-יהוה עליון נורא מלך גדול על-כל-הארץ | 2 |
Dahil kasindak-sindak ang Kataas-taasang si Yahweh; sa buong mundo siya ang dakilang Hari.
ידבר עמים תחתינו ולאמים תחת רגלינו | 3 |
Nilulupig niya ang mga tao sa ilalim natin at ang mga bansa sa ilalim ng ating mga paa.
יבחר-לנו את-נחלתנו את גאון יעקב אשר-אהב סלה | 4 |
Pinipili niya ang ating mamanahin para sa atin, ang kaluwalhatian ni Jacob na minahal niya. (Selah)
עלה אלהים בתרועה יהוה בקול שופר | 5 |
Sa pamamagitan ng isang sigaw ang Diyos ay naitaas, si Yahweh sa pamamagitan ng tunog ng isang trumpeta.
זמרו אלהים זמרו זמרו למלכנו זמרו | 6 |
Umawit ng mga papuri sa Diyos, umawit ng mga papuri; umawit ng mga papuri sa ating Hari, umawit ng mga papuri.
כי מלך כל-הארץ אלהים-- זמרו משכיל | 7 |
Dahil ang Diyos ang Hari ng buong mundo; umawit ng papuri na may pang-unawa.
מלך אלהים על-גוים אלהים ישב על-כסא קדשו | 8 |
Ang Diyos ay naghahari sa lahat ng mga bansa; ang Diyos ay nakaupo sa kaniyang banal na trono.
נדיבי עמים נאספו-- עם אלהי אברהם כי לאלהים מגני-ארץ-- מאד נעלה | 9 |
Ang mga prinsipe ng mga tao ay nagtipon-tipon kasama ang bayan ng Diyos ni Abraham; dahil ang mga pananggalang ng mundo ay pag-aari ng Diyos; siya ay pinarangalan ng lubos.