< תהילים 36 >
למנצח לעבד-יהוה לדוד ב נאם-פשע לרשע בקרב לבי אין-פחד אלהים לנגד עיניו | 1 |
Nagsasalita ang kasalanan gaya ng mensahe sa puso ng taong masama; walang pagkatakot sa Diyos sa kaniyang mga mata.
כי-החליק אליו בעיניו למצא עונו לשנא | 2 |
Dahil pinagiginhawa niya ang kaniyang sarili, iniisip na ang kaniyang kasalanan ay hindi matutuklasan at kasusuklaman.
דברי-פיו און ומרמה חדל להשכיל להיטיב | 3 |
Ang kaniyang mga salita ay makasalanan at mapanlinlang; ayaw niyang maging matalino at gumawa ng mabuti.
און יחשב--על-משכבו יתיצב על-דרך לא-טוב רע לא ימאס | 4 |
Habang siya ay nakahiga sa kaniyang kama, nagbabalak siya ng mga paraan para magkasala; siya ay nagtatakda ng masamang paraan; hindi niya iniiwasan ang kasalanan.
יהוה בהשמים חסדך אמונתך עד-שחקים | 5 |
Ang iyong katapatan sa tipan, Yahweh, ay umaabot sa kalangitan; ang iyong katapatan ay umaabot sa mga kaulapan.
צדקתך כהררי-אל--משפטיך תהום רבה אדם ובהמה תושיע יהוה | 6 |
Ang iyong katarungan ay gaya ng pinakamataas na mga bundok; ang iyong katarungan ay gaya ng pinakamalalim na dagat. Yahweh, pinangangalagaan mo ang kapwa sangkatauhan at mga hayop.
מה-יקר חסדך אלהים ובני אדם--בצל כנפיך יחסיון | 7 |
Napakahalaga ng iyong katapatan sa tipan, O Diyos! Ang sangkatauhan ay kumakanlong sa ilalim ng anino ng iyong mga pakpak.
ירוין מדשן ביתך ונחל עדניך תשקם | 8 |
(Sila) ay masaganang masisiyahan sa kayamanan ng mga pagkain sa iyong bahay; hahayaan mo silang uminom mula sa ilog ng iyong mahalagang mga pagpapala.
כי-עמך מקור חיים באורך נראה-אור | 9 |
Dahil kasama mo ang bukal ng buhay; sa iyong liwanag ay aming makikita ang liwanag.
משך חסדך לידעיך וצדקתך לישרי-לב | 10 |
Palawigin mo ang iyong katapatan sa tipan nang lubusan sa mga na nakakakilala sa iyo, ang pagtatanggol mo sa matuwid ang puso.
אל-תבואני רגל גאוה ויד-רשעים אל-תנדני | 11 |
Huwag mong hayaan ang paa ng mayabang na makalapit sa akin. Huwag mong hayaan ang kamay ng masama na palayasin ako.
שם נפלו פעלי און דחו ולא-יכלו קום | 12 |
Doon ang masasama ay natalo; (sila) ay bumagsak at wala ng kakayahang bumangon.