< תהילים 29 >

מזמור לדוד הבו ליהוה בני אלים הבו ליהוה כבוד ועז 1
Kilalanin na si Yahweh— kayo na mga anak ng makapangyarihan— kilalanin na si Yahweh ay may kaluwalhatian at kapangyarihan!
הבו ליהוה כבוד שמו השתחוו ליהוה בהדרת-קדש 2
Ibigay kay Yahweh ang karangalan na nararapat sa kaniyang pangalan; sambahin si Yahweh sa pananamit na naaangkop para sa kaniyang kabanalan.
קול יהוה על-המים אל-הכבוד הרעים יהוה על-מים רבים 3
Ang tinig ni Yahweh ay naririnig sa ibabaw ng mga katubigan; dumadagundong ang Diyos ng kaluwalhatian, dumadagundong si Yahweh sa ibabaw ng katubigan.
קול-יהוה בכח קול יהוה בהדר 4
Ang tinig ni Yahweh ay makapangyarihan; ang tinig ni Yahweh ay kamangha-mangha. Ang tinig ni Yahweh ay nakawawasak ng mga sedar;
קול יהוה שבר ארזים וישבר יהוה את-ארזי הלבנון 5
Ang tinig ni Yahweh ay napagpipira-piraso ang mga sedar ng Lebanon.
וירקידם כמו-עגל לבנון ושרין כמו בן-ראמים 6
Pinalulukso niya ang Lebanon tulad ng isang guya at ang Sirion tulad ng isang batang baka.
קול-יהוה חצב להבות אש 7
Bumubuga ng lumalagablab na apoy ang tinig ni Yahweh.
קול יהוה יחיל מדבר יחיל יהוה מדבר קדש 8
Ang tinig ni Yahweh ang yumayanig sa ilang; si Yahweh ang yumayanig sa ilang ng Kades.
קול יהוה יחולל אילות-- ויחשף יערות ובהיכלו-- כלו אמר כבוד 9
Ang tinig ni Yahweh ang nagdudulot na manganak ang babaeng usa; kinakalbo nito ang mga gubat; pero sa kaniyang templo ang lahat ay nagsasabing, “Kaluwalhatian!”
יהוה למבול ישב וישב יהוה מלך לעולם 10
Si Yahweh ay umuupo bilang hari sa ibabaw ng baha; si Yahweh ay umuupo bilang hari magpakailanman.
יהוה--עז לעמו יתן יהוה יברך את-עמו בשלום 11
Si Yahweh ang nagbibigay-lakas sa kaniyang bayan; Pinagpapala ni Yahweh ng kapayapaan ang kaniyang bayan.

< תהילים 29 >