< תהילים 28 >

לדוד אליך יהוה אקרא-- צורי אל-תחרש ממני פן-תחשה ממני ונמשלתי עם-יורדי בור 1
Sa iyo, Yahweh, ako ay umiiyak; aking malaking Muog, huwag mo akong pabayaan. Kung hindi mo ako tutugunan, mabibilang ako sa mga bumababa sa libingan.
שמע קול תחנוני בשועי אליך בנשאי ידי אל-דביר קדשך 2
Dinggin ang tinig ng aking pagsusumamo kapag ako ay humihingi ng tulong sa iyo, kapag itinataas ko ang aking mga kamay sa iyong pinakabanal na lugar!
אל-תמשכני עם-רשעים ועם-פעלי-און דברי שלום עם-רעיהם ורעה בלבבם 3
Huwag mo akong kaladkarin palayo kasama ng masasama, silang gumagawa ng malaking kasalanan, na nagsasalita ng kapayapaan sa kanilang kapwa pero may kasamaan sa kanilang mga puso.
תן-להם כפעלם וכרע מעלליהם כמעשה ידיהם תן להם השב גמולם להם 4
Ibigay sa kanila kung ano ang nararapat sa kanilang mga gawa at ibalik sa kanila kung ano ang hinihingi ng kanilang kasamaan; ibalik sa kanila ang mga gawa ng kanilang mga kamay; igawad sa kanila ang nararapat.
כי לא יבינו אל-פעלת יהוה-- ואל-מעשה ידיו יהרסם ולא יבנם 5
Dahil hindi nila nauunawaan ang mga paraan ni Yahweh o ang gawa ng kaniyang mga kamay, (sila) ay kaniyang pupuksain at hindi kailanman itatayong muli.
ברוך יהוה כי-שמע קול תחנוני 6
Pagpalain si Yahweh dahil dininig niya ang tinig ng aking pagsusumamo!
יהוה עזי ומגני-- בו בטח לבי ונעזרתי ויעלז לבי ומשירי אהודנו 7
Si Yahweh ang aking kalakasan at ang aking kalasag; ang puso ko ay nagtitiwala sa kaniya, at tinulungan ako. Kaya labis na nagagalak ang aking puso, at pupurihin ko siya nang may pag-awit.
יהוה עז-למו ומעוז ישועות משיחו הוא 8
Si Yahweh ang kalakasan ng kaniyang bayan, at kanlungang nagliligtas sa kaniyang hinirang.
הושיעה את-עמך-- וברך את-נחלתך ורעם ונשאם עד-העולם 9
Iligtas mo ang iyong bayan at pagpalain ang iyong pamana. kayo ay maging pastol nila at aalagaan (sila) magpakailanman.

< תהילים 28 >