< תהילים 28 >
לדוד אליך יהוה אקרא-- צורי אל-תחרש ממני פן-תחשה ממני ונמשלתי עם-יורדי בור | 1 |
Sa iyo, Oh Panginoon, tatawag ako; bato ko, huwag kang magpakabingi sa akin: baka kung ikaw ay tumahimik sa akin, ako'y maging gaya nila na bumaba sa hukay.
שמע קול תחנוני בשועי אליך בנשאי ידי אל-דביר קדשך | 2 |
Dinggin mo ang tinig ng aking mga pananaing, pagka ako'y dumadaing sa iyo, pagka aking iginagawad ang aking mga kamay sa dako ng banal na sanggunian sa iyo.
אל-תמשכני עם-רשעים ועם-פעלי-און דברי שלום עם-רעיהם ורעה בלבבם | 3 |
Huwag mo akong agawin na kasama ng mga masama, at ng mga manggagawa ng kasamaan; na nangagsasalita ng kapayapaan sa kanilang mga kapuwa, Nguni't kasamaan ay nasa kanilang mga puso.
תן-להם כפעלם וכרע מעלליהם כמעשה ידיהם תן להם השב גמולם להם | 4 |
Bigyan mo (sila) ng ayon sa kanilang gawa, at ng ayon sa kasamaan ng kanilang mga gawain: gantihin mo (sila) ng ayon sa kilos ng kanilang mga kamay. Bayaran mo (sila) ng ukol sa kanila,
כי לא יבינו אל-פעלת יהוה-- ואל-מעשה ידיו יהרסם ולא יבנם | 5 |
Sapagka't ayaw nilang pakundanganan ang mga gawa ng Panginoon, ni ang kilos man ng kaniyang mga kamay, kaniyang ibabagsak (sila) at hindi (sila) itatayo.
ברוך יהוה כי-שמע קול תחנוני | 6 |
Purihin ang Panginoon, sapagka't dininig niya ang tinig ng aking mga pananaing.
יהוה עזי ומגני-- בו בטח לבי ונעזרתי ויעלז לבי ומשירי אהודנו | 7 |
Ang Panginoon ay aking kalakasan at aking kalasag; ang aking puso ay tumiwala sa kaniya, at ako'y nasaklolohan: kaya't ang aking puso ay nagagalak na mainam; at aking pupurihin siya ng aking awit.
יהוה עז-למו ומעוז ישועות משיחו הוא | 8 |
Ang Panginoon ay kanilang kalakasan, at siya'y kuta ng kaligtasan sa kaniyang pinahiran ng langis.
הושיעה את-עמך-- וברך את-נחלתך ורעם ונשאם עד-העולם | 9 |
Iligtas mo ang iyong bayan, at pagpalain mo ang iyong pamana: naging pastor ka rin naman nila, at alalayan mo (sila) magpakailan man.