< תהילים 22 >
למנצח על-אילת השחר מזמור לדוד ב אלי אלי למה עזבתני רחוק מישועתי דברי שאגתי | 1 |
Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan? Bakit napakalayo mo mula sa pagliligtas sa akin at malayo mula sa mga salita ng aking paghihirap?
אלהי--אקרא יומם ולא תענה ולילה ולא-דמיה לי | 2 |
Diyos ko, maghapon akong nananawagan sa iyo, pero hindi ka sumasagot, at maging sa gabi ako ay walang katahimikan!
ואתה קדוש-- יושב תהלות ישראל | 3 |
Pero ikaw ay banal; ikaw ay nakaupo bilang hari kasama ang mga papuri ng Israel.
בך בטחו אבתינו בטחו ותפלטמו | 4 |
Ang aming mga ninuno ay nagtiwala sa iyo; nagtiwala (sila) sa iyo at (sila) ay niligtas mo.
אליך זעקו ונמלטו בך בטחו ולא-בושו | 5 |
Dumaing (sila) sa iyo at (sila) ay niligtas mo. Nagtiwala (sila) sa iyo at hindi (sila) nabigo.
ואנכי תולעת ולא-איש חרפת אדם ובזוי עם | 6 |
Pero ako ay parang isang uod at hindi isang tao, isang kahihiyan sa sangkatauhan at pinagtatawanan ng mga tao.
כל-ראי ילעגו לי יפטירו בשפה יניעו ראש | 7 |
Silang lahat na nakakakita sa akin ay kinukutya ako; hinahamak nila ako; ang kanilang mga ulo ay napapailing sa akin.
גל אל-יהוה יפלטהו יצילהו כי חפץ בו | 8 |
Sinasabi nila, “Nagtitiwala siya kay Yahweh, hayaan natin na iligtas siya ni Yahweh. Hayaan natin na sagipin siya ni Yahweh, dahil nalulugod siya sa kaniya.”
כי-אתה גחי מבטן מבטיחי על-שדי אמי | 9 |
Dahil kinuha mo ako mula sa sinapupunan; hinayaan mong magtiwala ako sa iyo habang ako ay nasa dibdib ng aking ina.
עליך השלכתי מרחם מבטן אמי אלי אתה | 10 |
Ipinagkatiwala na ako sa iyo mula pa sa sinapupunan; ikaw ang aking Diyos simula pa ng ako ay nasa sinapupunan ng aking ina!
אל-תרחק ממני כי-צרה קרובה כי-אין עוזר | 11 |
Huwag kang lumayo mula sa akin dahil malapit lang ang kaguluhan; walang sinuman ang tutulong.
סבבוני פרים רבים אבירי בשן כתרוני | 12 |
Pinaliligiran ako ng maraming mga toro; pinapaligiran ako ng malalakas na mga toro ng Bashan.
פצו עלי פיהם אריה טרף ושאג | 13 |
Binubuksan nila ang kanilang bibig para sa akin na parang isang umaatungal na leon na niluluray ang kaniyang biktima.
כמים נשפכתי-- והתפרדו כל-עצמותי היה לבי כדונג נמס בתוך מעי | 14 |
Ako ay parang natapong tubig, at lahat ng aking mga buto ay nalinsad. Ang aking puso ay tulad ng pagkit; natutunaw ito sa kaloob-loobang bahagi ko.
יבש כחרש כחי ולשוני מדבק מלקוחי ולעפר-מות תשפתני | 15 |
Ang aking lakas ay parang natuyong piraso ng palayukan; ang aking dila ay dumidikit sa aking ngalangala. Inilagay mo ako sa alabok ng kamatayan.
כי סבבוני כלבים עדת מרעים הקיפוני כארי ידי ורגלי | 16 |
Dahil pinapaligiran ako ng mga aso; napalibutan ako ng samahan na mga mapaggawa ng masama; tinusok nila ang aking mga kamay at mga paa.
אספר כל-עצמותי המה יביטו יראו-בי | 17 |
Nabibilang ko na ang aking mga buto. Tumitingin at tumititig (sila) sa akin.
יחלקו בגדי להם ועל-לבושי יפילו גורל | 18 |
Pinaghahatian nila ang aking mga kasuotan sa kanilang mga sarili, pinagpipilian nila ang aking mga damit.
ואתה יהוה אל-תרחק אילותי לעזרתי חושה | 19 |
Huwag kang lumayo, Yahweh; hinihiling kong magmadali ka para tulungan ako, aking kalakasan!
הצילה מחרב נפשי מיד-כלב יחידתי | 20 |
Iligtas mo ang aking kaluluwa mula sa espada, ang tanging buhay ko mula sa mga kuko ng mabangis na mga aso.
הושיעני מפי אריה ומקרני רמים עניתני | 21 |
Iligtas mo ako mula sa bibig ng leon; iligtas mo ako mula sa mga sungay ng mababangis na toro.
אספרה שמך לאחי בתוך קהל אהללך | 22 |
Ihahayag ko ang iyong pangalan sa aking mga kapatid; sa gitna ng kapulungan ay pupurihin kita.
יראי יהוה הללוהו-- כל-זרע יעקב כבדוהו וגורו ממנו כל-זרע ישראל | 23 |
Kayo na may takot kay Yahweh, purihin siya! Kayong lahat na mga kaapu-apuhan ni Jacob, parangalan siya! Ipakita niyo ang inyong pagkamangha sa kaniya, kayong lahat na mga kaapu-apuhan ng Israel!
כי לא-בזה ולא שקץ ענות עני-- ולא-הסתיר פניו ממנו ובשועו אליו שמע | 24 |
Dahil hindi niya hinamak o pinabayaan ang pagdurusa ng naghihirap; hindi tinago ni Yahweh ang kaniyang mukha mula sa kaniya; nang umiyak ang naghihirap sa kaniya, dininig niya.
מאתך תהלתי בקהל רב--נדרי אשלם נגד יראיו | 25 |
Ang aking pagpupuri ay dahil sa iyo sa gitna ng napakalaking kapulungan; tutuparin ko ang aking mga panata sa harap nilang may takot sa kaniya.
יאכלו ענוים וישבעו-- יהללו יהוה דרשיו יחי לבבכם לעד | 26 |
Ang mga naaapi ay makakakain at mabubusog; (sila) na naghahanap kay Yahweh ay magpupuri sa kaniya. Nawa ang inyong mga puso ay mabuhay magpakailanman.
יזכרו וישבו אל-יהוה-- כל-אפסי-ארץ וישתחוו לפניך כל-משפחות גוים | 27 |
Ang lahat ng mga tao sa lupa ay aalalahanin at babalik kay Yahweh; lahat ng mga pamilya ng mga bansa ay luluhod sa iyong harapan.
כי ליהוה המלוכה ומשל בגוים | 28 |
Dahil ang kaharian ay kay Yahweh; siya ang namumuno sa mga bansa.
אכלו וישתחוו כל-דשני-ארץ-- לפניו יכרעו כל-יורדי עפר ונפשו לא חיה | 29 |
Lahat ng mga mayayaman sa lupa ay magpipista at sasamba; silang lahat na mapupunta sa alabok ay luluhod sa harapan niya, (sila) na hindi kayang panatilihin ang kanilang sariling buhay.
זרע יעבדנו יספר לאדני לדור | 30 |
Ang isang salinlahi ay darating para siya ay paglingkuran; sasabihin nila sa susunod na salinlahi ang tungkol sa Panginoon.
יבאו ויגידו צדקתו לעם נולד כי עשה | 31 |
Darating (sila) at ipapahayag ang kaniyang katuwiran; ipamamalita nila sa mga taong hindi pa naipapanganak kung ano ang kaniyang nagawa!