< תהילים 21 >

למנצח מזמור לדוד ב יהוה בעזך ישמח-מלך ובישועתך מה-יגיל (יגל) מאד 1
Nagagalak ang hari sa iyong lakas, Yahweh! Labis siyang nagagalak sa kaligtasan na iyong ibinibigay!
תאות לבו נתתה לו וארשת שפתיו בל-מנעת סלה 2
Ibinigay mo sa kaniya ang inaasam ng kaniyang puso at hindi mo pinigilan ang kahilingan ng kaniyang mga labi. (Selah)
כי-תקדמנו ברכות טוב תשית לראשו עטרת פז 3
Dahil dinadalhan mo siya ng mayamang mga pagpapala; inilagay mo sa kaniyang ulo ang pinakadalisay na gintong korona.
חיים שאל ממך--נתתה לו ארך ימים עולם ועד 4
Humihiling siya sa iyo ng buhay; ibinigay mo ito sa kaniya; binigyan mo siya ng mahabang buhay magpakailanman.
גדול כבודו בישועתך הוד והדר תשוה עליו 5
Ang kaniyang kaluwalhatian ay dakila dahil sa iyong tagumpay; iginawad mo sa kaniya ang kaningningan at pagiging maharlika.
כי-תשיתהו ברכות לעד תחדהו בשמחה את-פניך 6
Dahil pinagkalooban mo siya ng mga pangmatagalang pagpapala; hinayaan mo siyang magalak nang may kasiyahan sa iyong presensya.
כי-המלך בטח ביהוה ובחסד עליון בל-ימוט 7
Dahil ang hari ay nagtitiwala kay Yahweh; sa pamamagitan ng katapatan sa tipan ng Kataas-taasan siya ay hindi matitinag.
תמצא ידך לכל-איביך ימינך תמצא שנאיך 8
Dadakpin ng iyong kamay ang lahat ng iyong mga kaaway; dadakpin ng iyong kanang kamay ang mga napopoot sa iyo.
תשיתמו כתנור אש-- לעת פניך יהוה באפו יבלעם ותאכלם אש 9
Sa panahon ng iyong galit; susunugin mo (sila) na parang nasa maalab na pugon. Lilipulin (sila) ni Yahweh sa kaniyang matinding galit, at lalamunin (sila) ng apoy.
פרימו מארץ תאבד וזרעם מבני אדם 10
Pupuksain mo ang kanilang mga anak mula sa lupa at ang kanilang mga kaapu-apuhan na kabilang sa sangkatauhan.
כי-נטו עליך רעה חשבו מזמה בל-יוכלו 11
Dahil hinangad nila ang masama laban sa iyo; bumuo (sila) ng masamang balak na kung saan hindi (sila) magtatagumpay!
כי תשיתמו שכם במיתריך תכונן על-פניהם 12
Dahil (sila) ay iyong paaatrasin; (sila) ay iyong papanain.
רומה יהוה בעזך נשירה ונזמרה גבורתך 13
Maitanghal, ka Yahweh, sa iyong lakas; aawitin at pupurihin namin ang iyong kapangyarihan.

< תהילים 21 >