< תהילים 147 >

הללו-יה כי-טוב זמרה אלהינו-- כי-נעים נאוה תהלה 1
Purihin si Yahweh! Mabuting umawit sa ating Diyos. Kasiya-siya at nararapat lang na gawin ito.
בונה ירושלם יהוה נדחי ישראל יכנס 2
Nawasak ang Jerusalem, pero tinutulungan tayo ni Yahweh na itayo ulit ito.
הרפא לשבורי לב ומחבש לעצבותם 3
Ibinabalik niya ang mga taong dinala sa ibang bayan. Pinalalakas niya ulit ang mga pinanghihinaan ng loob at pinagagaling ang kanilang mga sugat.
מונה מספר לכוכבים לכלם שמות יקרא 4
Siya ang lumikha ng mga bituin.
גדול אדונינו ורב-כח לתבונתו אין מספר 5
Dakila at makapangyarihan si Yahweh, at walang kapantay ang kaniyang karunungan.
מעודד ענוים יהוה משפיל רשעים עדי-ארץ 6
Itinataas ni Yahweh ang mga inaapi, at ibinababa niya ang mga masasama.
ענו ליהוה בתודה זמרו לאלהינו בכנור 7
Umawit kay Yahweh ng may pasasalamat; gamit ang alpa, umawit ng papuri para sa ating Diyos.
המכסה שמים בעבים-- המכין לארץ מטר המצמיח הרים חציר 8
Tinatakpan niya ang kalangitan ng mga ulap at hinahanda ang ulan para sa lupa, na nagpapalago ng mga damo sa mga kabunkukan.
נותן לבהמה לחמה לבני ערב אשר יקראו 9
Binibigyan niya ng pagkain ang mga hayop at mga inakay na uwak kapag (sila) ay umiiyak.
לא בגבורת הסוס יחפץ לא-בשוקי האיש ירצה 10
Hindi siya humahanga sa bilis ng kabayo o nasisiyahan sa lakas ng binti ng isang tao.
רוצה יהוה את-יראיו-- את-המיחלים לחסדו 11
Nasisiyahan si Yahweh sa mga nagpaparangal sa kaniya, sa mga umaasa sa katapatan niya sa tipan.
שבחי ירושלם את-יהוה הללי אלהיך ציון 12
Purihin niyo si Yahweh, kayong mga mamamayan ng Jerusalem! Purihin niyo ang inyong Diyos, Sion.
כי-חזק בריחי שעריך ברך בניך בקרבך 13
Dahil pinalalakas niya ang rehas ng inyong mga tarangkahan, pinagpapala niya ang mga batang kasama ninyo.
השם-גבולך שלום חלב חטים ישביעך 14
Pinagyayaman niya ang mga nasa loob ng inyong hangganan, pinasasaya niya kayo sa pamamagitan ng pinakamaiinam na trigo.
השלח אמרתו ארץ עד-מהרה ירוץ דברו 15
Pinadadala niya ang kaniyang kautusan sa mundo, dumadaloy ito nang maayos.
הנתן שלג כצמר כפור כאפר יפזר 16
Ginagawa niyang parang nyebe ang lana, pinakakalat niya ang mga yelo na parang abo.
משליך קרחו כפתים לפני קרתו מי יעמד 17
Nagpapaulan siya ng yelo na parang mumo, sinong makatitiis ng ginaw na pinadala niya?
ישלח דברו וימסם ישב רוחו יזלו-מים 18
Ipinahahayag niya ang kaniyang utos at tinutunaw ito, pina-iihip niya ang hangin at pinadadaloy niya ang tubig.
מגיד דברו ליעקב חקיו ומשפטיו לישראל 19
Ipinahayag niya ang kaniyang salita kay Jacob, ang mga alituntunin niya at makatuwirang mga utos sa Israel.
לא עשה כן לכל-גוי-- ומשפטים בל-ידעום הללו-יה 20
Hindi niya ginawa ito sa ibang bayan, wala silang alam sa kaniyang mga utos. Purihin si Yahweh.

< תהילים 147 >