< תהילים 147 >
הללו-יה כי-טוב זמרה אלהינו-- כי-נעים נאוה תהלה | 1 |
Purihin ninyo ang Panginoon; sapagka't mabuting umawit ng mga pagpuri sa ating Dios; sapagka't maligaya, at ang pagpuri ay nakalulugod.
בונה ירושלם יהוה נדחי ישראל יכנס | 2 |
Itinatayo ng Panginoon ang Jerusalem; kaniyang pinipisan ang mga natapon na Israel.
הרפא לשבורי לב ומחבש לעצבותם | 3 |
Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso, at tinatalian niya ang kanilang mga sugat.
מונה מספר לכוכבים לכלם שמות יקרא | 4 |
Kaniyang sinasaysay ang bilang ng mga bituin; siya ang nagbibigay sa kanila ng lahat nilang pangalan.
גדול אדונינו ורב-כח לתבונתו אין מספר | 5 |
Dakila ang ating Panginoon, at makapangyarihan sa kapangyarihan; ang kaniyang unawa ay walang hanggan,
מעודד ענוים יהוה משפיל רשעים עדי-ארץ | 6 |
Inaalalayan ng Panginoon ang maamo: kaniyang inilulugmok sa lupa ang masama.
ענו ליהוה בתודה זמרו לאלהינו בכנור | 7 |
Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat; magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios:
המכסה שמים בעבים-- המכין לארץ מטר המצמיח הרים חציר | 8 |
Na nagtatakip sa mga langit ng mga alapaap. Na siyang naghahanda ng ulan sa lupa, na nagpapatubo ng damo sa mga bundok.
נותן לבהמה לחמה לבני ערב אשר יקראו | 9 |
Siya'y nagbibigay sa hayop ng kaniyang pagkain. At sa mga inakay na uwak na nagsisidaing.
לא בגבורת הסוס יחפץ לא-בשוקי האיש ירצה | 10 |
Siya'y hindi nalulugod sa lakas ng kabayo: siya'y hindi nasasayahan sa mga paa ng tao.
רוצה יהוה את-יראיו-- את-המיחלים לחסדו | 11 |
Ang Panginoon ay naliligaya sa kanila na nangatatakot sa kaniya, sa nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob.
שבחי ירושלם את-יהוה הללי אלהיך ציון | 12 |
Purihin mo ang Panginoon, Oh Jerusalem; purihin mo ang iyong Dios, Oh Sion.
כי-חזק בריחי שעריך ברך בניך בקרבך | 13 |
Sapagka't kaniyang pinatibay ang mga halang ng iyong mga pintuang-bayan; kaniyang pinagpala ang iyong mga anak sa loob mo.
השם-גבולך שלום חלב חטים ישביעך | 14 |
Siya'y gumagawa ng kapayapaan sa iyong mga hangganan; kaniyang binubusog ka ng pinakamainam na trigo.
השלח אמרתו ארץ עד-מהרה ירוץ דברו | 15 |
Kaniyang sinusugo ang kaniyang utos sa lupa; ang kaniyang salita ay tumatakbong maliksi.
הנתן שלג כצמר כפור כאפר יפזר | 16 |
Siya'y nagbibigay ng nieve na parang balahibo ng tupa; siya'y nagkakalat ng eskarcha na parang abo.
משליך קרחו כפתים לפני קרתו מי יעמד | 17 |
Kaniyang inihahagis na parang putol na maliit ang kaniyang hielo: sinong makatatagal sa harap ng lamig niyaon?
ישלח דברו וימסם ישב רוחו יזלו-מים | 18 |
Kaniyang pinahahatdan ng salita, at tinutunaw: kaniyang pinahihihip ang kaniyang hangin, at ang tubig ay pinaagos.
מגיד דברו ליעקב חקיו ומשפטיו לישראל | 19 |
Kaniyang ipinabatid ang kaniyang salita sa Jacob, ang kaniyang mga palatuntunan at mga kahatulan sa Israel.
לא עשה כן לכל-גוי-- ומשפטים בל-ידעום הללו-יה | 20 |
Siya'y hindi gumawa ng gayon sa alin mang bansa: at tungkol sa kaniyang mga kahatulan, hindi nila nalaman. Purihin ninyo ang Panginoon.