< תהילים 146 >
הללו-יה הללי נפשי את-יהוה | 1 |
Purihin si Yahweh. Aking kaluluwa, purihin si Yahweh.
אהללה יהוה בחיי אזמרה לאלהי בעודי | 2 |
Ako ay magpupuri kay Yahweh habang ako ay nabubuhay; ako ay aawit ng mga papuri sa aking Diyos habang ako ay nabubuhay.
אל-תבטחו בנדיבים-- בבן-אדם שאין לו תשועה | 3 |
Huwag mong ilagay ang iyong pagtitiwala sa mga prinsipe o sa sangkatauhan, kung saan walang kaligtasan.
תצא רוחו ישב לאדמתו ביום ההוא אבדו עשתנתיו | 4 |
Kapag ang hininga ng isang tao ay huminto, siya ay bumabalik sa lupa; sa araw na iyon matatapos ang kaniyang mga plano.
אשרי--שאל יעקב בעזרו שברו על-יהוה אלהיו | 5 |
Mapalad siya na may Diyos ni Jacob para tulungan siya, na ang pag-asa ay na kay Yahweh na kaniyang Diyos.
עשה שמים וארץ-- את-הים ואת-כל-אשר-בם השמר אמת לעולם | 6 |
Nilikha ni Yahweh ang langit at lupa, ang dagat, at ang lahat ng mayroon (sila) kaniyang pinagmamasdan ang pagiging mapagkakatiwalaan magpakailanman.
עשה משפט לעשוקים--נתן לחם לרעבים יהוה מתיר אסורים | 7 |
Siya ang nagpapatupad ng katarungan sa mga inaapi at nagbibigay ng pagkain sa nagugutom. Pinapalaya ni Yahweh ang mga bilanggo;
יהוה פקח עורים--יהוה זקף כפופים יהוה אהב צדיקים | 8 |
minumulat ni Yahweh ang mga mata ng bulag; ibinabangon ni Yahweh ang mga nalulugmok; iniibig ni Yahweh ang mga matutuwid.
יהוה שמר את-גרים--יתום ואלמנה יעודד ודרך רשעים יעות | 9 |
Inaalagaan ni Yahweh ang mga dayuhan sa lupain; kaniyang pinapasan ang mga walang ama at mga balo, pero siya ang sumasalungat sa masasama.
ימלך יהוה לעולם-- אלהיך ציון לדר ודר הללו-יה | 10 |
Si Yahweh na iyong Diyos, ang maghahari magpakailanman, Sion, para sa lahat ng henerasyon. Purihin si Yahweh.