< תהילים 136 >
הודו ליהוה כי-טוב כי לעולם חסדו | 1 |
O, magpasalamat kay Yahweh; dahil siya ay mabuti, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman.
הודו לאלהי האלהים כי לעולם חסדו | 2 |
O, magpasalamat sa Diyos ng mga diyos, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman.
הודו לאדני האדנים כי לעולם חסדו | 3 |
O, magpasalamat sa Panginoon ng mga panginoon, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman.
לעשה נפלאות גדלות לבדו כי לעולם חסדו | 4 |
Sa kaniya na nag-iisang gumagawa ng labis na kamanghaan, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
לעשה השמים בתבונה כי לעולם חסדו | 5 |
sa kaniyang karunungan ginawa ang kalangitan, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
לרקע הארץ על-המים כי לעולם חסדו | 6 |
sa kaniya na nagkalat ng lupa sa ibabaw ng katubigan, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
לעשה אורים גדלים כי לעולם חסדו | 7 |
sa kaniya na gumawa ng kahanga-hangang mga liwanag, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
את-השמש לממשלת ביום כי לעולם חסדו | 8 |
ng araw na naghahari sa umaga, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
את-הירח וכוכבים לממשלות בלילה כי לעולם חסדו | 9 |
ng buwan at bituin na naghahari sa gabi, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
למכה מצרים בבכוריהם כי לעולם חסדו | 10 |
na siyang pumatay sa mga panganay na anak ng Ehipto, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
ויוצא ישראל מתוכם כי לעולם חסדו | 11 |
at naglabas sa Israel mula sa kanila, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
ביד חזקה ובזרוע נטויה כי לעולם חסדו | 12 |
na may malakas na kamay at nakataas na braso, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
לגזר ים-סוף לגזרים כי לעולם חסדו | 13 |
na siyang naghati sa dagat na Pula dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
והעביר ישראל בתוכו כי לעולם חסדו | 14 |
at nagawang padaanin ang Israelita sa kalagitnaan nito, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
ונער פרעה וחילו בים-סוף כי לעולם חסדו | 15 |
pero ipinatapon ang Paraon at ang kaniyang hukbo sa dagat na Pula, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
למוליך עמו במדבר כי לעולם חסדו | 16 |
siya na nagdala sa kaniyang bayan sa ilang, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
למכה מלכים גדלים כי לעולם חסדו | 17 |
siya na nagpapatay sa mga dakilang hari, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
ויהרג מלכים אדירים כי לעולם חסדו | 18 |
at pinatay ang tanyag na mga hari, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
לסיחון מלך האמרי כי לעולם חסדו | 19 |
sina Sihon hari ng mga Amoreo, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
ולעוג מלך הבשן כי לעולם חסדו | 20 |
at Og hari ng Bashan, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
ונתן ארצם לנחלה כי לעולם חסדו | 21 |
at binigay ang kanilang lupain bilang pamana, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
נחלה לישראל עבדו כי לעולם חסדו | 22 |
isang pamana sa Israel na kaniyang lingkod, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
שבשפלנו זכר לנו כי לעולם חסדו | 23 |
siyang umalala sa atin at tumulong sa ating kahihiyan, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay nananatili magpakailanman—
ויפרקנו מצרינו כי לעולם חסדו | 24 |
at siyang nagbigay sa atin ng katagumpayan sa ating mga kaaway, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay nananatili magpakailanman—
נתן לחם לכל-בשר כי לעולם חסדו | 25 |
siyang nagbibigay ng pagkain sa lahat ng nabubuhay, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay nananatili magpakailanman.
הודו לאל השמים כי לעולם חסדו | 26 |
O, magpasalamat sa Diyos sa langit, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay nananatili magpakailanman.