< תהילים 136 >
הודו ליהוה כי-טוב כי לעולם חסדו | 1 |
Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
הודו לאלהי האלהים כי לעולם חסדו | 2 |
Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng mga dios: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
הודו לאדני האדנים כי לעולם חסדו | 3 |
Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
לעשה נפלאות גדלות לבדו כי לעולם חסדו | 4 |
Sa kaniya na gumagawang magisa ng mga dakilang kababalaghan: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
לעשה השמים בתבונה כי לעולם חסדו | 5 |
Sa kaniya na gumawa ng mga langit sa pamamagitan ng unawa: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
לרקע הארץ על-המים כי לעולם חסדו | 6 |
Sa kaniya na naglalatag ng lupa sa ibabaw ng tubig: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
לעשה אורים גדלים כי לעולם חסדו | 7 |
Sa kaniya na gumawa ng mga dakilang tanglaw; sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
את-השמש לממשלת ביום כי לעולם חסדו | 8 |
Ng araw upang magpuno sa araw: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
את-הירח וכוכבים לממשלות בלילה כי לעולם חסדו | 9 |
Ng buwan at mga bituin upang magpuno sa gabi: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
למכה מצרים בבכוריהם כי לעולם חסדו | 10 |
Sa kaniya na sumakit sa Egipto sa kanilang mga panganay: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
ויוצא ישראל מתוכם כי לעולם חסדו | 11 |
At kinuha ang Israel sa kanila: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
ביד חזקה ובזרוע נטויה כי לעולם חסדו | 12 |
Sa pamamagitan ng malakas na kamay, at ng unat na bisig: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
לגזר ים-סוף לגזרים כי לעולם חסדו | 13 |
Sa kaniya na humawi ng Dagat na Mapula: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
והעביר ישראל בתוכו כי לעולם חסדו | 14 |
At nagparaan sa Israel sa gitna niyaon: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
ונער פרעה וחילו בים-סוף כי לעולם חסדו | 15 |
Nguni't tinabunan si Faraon at ang kaniyang hukbo sa Dagat na Mapula: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
למוליך עמו במדבר כי לעולם חסדו | 16 |
Sa kaniya na pumatnubay ng kaniyang bayan sa ilang: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
למכה מלכים גדלים כי לעולם חסדו | 17 |
Sa kaniya na sumakit sa mga dakilang hari: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
ויהרג מלכים אדירים כי לעולם חסדו | 18 |
At pumatay sa mga bantog na hari: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
לסיחון מלך האמרי כי לעולם חסדו | 19 |
Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo; sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
ולעוג מלך הבשן כי לעולם חסדו | 20 |
At kay Og na hari sa Basan: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
ונתן ארצם לנחלה כי לעולם חסדו | 21 |
At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana. Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
נחלה לישראל עבדו כי לעולם חסדו | 22 |
Sa makatuwid baga'y pinakamana sa Israel na kaniyang lingkod: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
שבשפלנו זכר לנו כי לעולם חסדו | 23 |
Na siyang umalaala sa atin sa ating mababang kalagayan: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
ויפרקנו מצרינו כי לעולם חסדו | 24 |
At iniligtas tayo sa ating mga kaaway: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
נתן לחם לכל-בשר כי לעולם חסדו | 25 |
Siya'y nagbibigay ng pagkain sa lahat ng kinapal: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
הודו לאל השמים כי לעולם חסדו | 26 |
Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng langit: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.