< תהילים 135 >
הללו-יה הללו את-שם יהוה הללו עבדי יהוה | 1 |
Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon; purihin ninyo siya, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon:
שעמדים בבית יהוה-- בחצרות בית אלהינו | 2 |
Ninyong nagsisitayo sa bahay ng Panginoon. Sa mga looban ng bahay ng ating Dios.
הללו-יה כי-טוב יהוה זמרו לשמו כי נעים | 3 |
Purihin ninyo ang Panginoon; sapagka't ang Panginoon ay mabuti: magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniyang pangalan; sapagka't maligaya.
כי-יעקב בחר לו יה ישראל לסגלתו | 4 |
Sapagka't pinili ng Panginoon para sa kaniya si Jacob, at ang Israel na kaniyang pinakatanging kayamanan.
כי אני ידעתי כי-גדול יהוה ואדנינו מכל-אלהים | 5 |
Sapagka't nalalaman ko na ang Panginoon ay dakila, at ang ating Panginoon ay higit sa lahat na dios.
כל אשר-חפץ יהוה עשה בשמים ובארץ-- בימים וכל-תהמות | 6 |
Anomang kinalugdan ng Panginoon, ay kaniyang ginawa, sa langit at sa lupa, sa mga dagat, at sa lahat ng mga kalaliman.
מעלה נשאים מקצה הארץ ברקים למטר עשה מוצא-רוח מאוצרותיו | 7 |
Kaniyang pinailanglang ang mga singaw na mula sa mga wakas ng lupa; kaniyang ginagawa ang mga kidlat na ukol sa ulan; kaniyang inilalabas ang hangin mula sa kaniyang mga ingatang-yaman.
שהכה בכורי מצרים-- מאדם עד-בהמה | 8 |
Na siyang sumakit sa mga panganay sa Egipto, sa tao at gayon din sa hayop.
שלח אותת ומפתים--בתוככי מצרים בפרעה ובכל-עבדיו | 9 |
Siya'y nagsugo ng mga tanda at mga kababalaghan sa gitna mo, Oh Egipto, kay Faraon, at sa lahat niyang mga lingkod.
שהכה גוים רבים והרג מלכים עצומים | 10 |
Na siyang sumakit sa maraming bansa, at pumatay sa mga makapangyarihang hari;
לסיחון מלך האמרי ולעוג מלך הבשן ולכל ממלכות כנען | 11 |
Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo, at kay Og na hari sa Basan, at sa lahat ng mga kaharian ng Canaan:
ונתן ארצם נחלה-- נחלה לישראל עמו | 12 |
At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana, isang pinakamana sa Israel sa kaniyang bayan.
יהוה שמך לעולם יהוה זכרך לדר-ודר | 13 |
Ang iyong pangalan, Oh Panginoon, ay magpakailan man; ang alaala sa iyo, Oh Panginoon, ay sa lahat ng sali't saling lahi.
כי-ידין יהוה עמו ועל-עבדיו יתנחם | 14 |
Sapagka't hahatulan ng Panginoon ang kaniyang bayan, at magsisisi tungkol sa kaniyang mga lingkod.
עצבי הגוים כסף וזהב מעשה ידי אדם | 15 |
Ang mga diosdiosan ng mga bansa ay pilak at ginto, na gawa ng mga kamay ng mga tao.
פה-להם ולא ידברו עינים להם ולא יראו | 16 |
Sila'y may mga bibig, nguni't hindi (sila) nangagsasalita; mga mata ay mayroon (sila) nguni't hindi (sila) nangakakakita;
אזנים להם ולא יאזינו אף אין-יש-רוח בפיהם | 17 |
Sila'y may mga tainga, nguni't hindi (sila) nangakakarinig; at wala mang anomang hinga sa kanilang mga bibig.
כמוהם יהיו עשיהם-- כל אשר-בטח בהם | 18 |
Silang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila; Oo, bawa't tumitiwala sa kanila.
בית ישראל ברכו את-יהוה בית אהרן ברכו את-יהוה | 19 |
Oh sangbahayan ni Israel, purihin ninyo ang Panginoon: Oh sangbahayan ni Aaron, purihin ninyo ang Panginoon:
בית הלוי ברכו את-יהוה יראי יהוה ברכו את-יהוה | 20 |
Oh sangbahayan ni Levi, purihin ninyo ang Panginoon: ninyong nangatatakot sa Panginoon, purihin ninyo ang Panginoon.
ברוך יהוה מציון-- שכן ירושלם הללו-יה | 21 |
Purihin ang Panginoon mula sa Sion, na siyang tumatahan sa Jerusalem. Purihin ninyo ang Panginoon.