< תהילים 11 >
למנצח לדוד ביהוה חסיתי--איך תאמרו לנפשי נודו (נודי) הרכם צפור | 1 |
Kumukubli ako kay Yahweh; paano mo sasabihin sa aking, “Tumakas ka katulad ng isang ibon sa bundok”?
כי הנה הרשעים ידרכון קשת כוננו חצם על-יתר-- לירות במו-אפל לישרי-לב | 2 |
Tingnan mo! Inihahanda ng mga masasama ang kanilang mga pana. Inihahanda nila ang kanilang mga palaso sa tali para panain sa dilim ang pusong matuwid.
כי השתות יהרסון-- צדיק מה-פעל | 3 |
Dahil kung ang mga pundasyon ay nasira, ano ang kayang gawin ng matuwid?
יהוה בהיכל קדשו-- יהוה בשמים כסאו עיניו יחזו-- עפעפיו יבחנו בני אדם | 4 |
Si Yahweh ay nasa kaniyang banal na templo; ang kaniyang mga mata ay nagmamasid, sinusuri ng kaniyang mga mata ang mga anak ng mga tao.
יהוה צדיק יבחן ורשע ואהב חמס--שנאה נפשו | 5 |
Parehong sinusuri ni Yahweh ang matuwid at masama, pero kinapopootan niya ang mga gumagawa ng karahasan.
ימטר על-רשעים פחים אש וגפרית ורוח זלעפות--מנת כוסם | 6 |
Nagpapaulan siya ng mga nagbabagang uling at asupre sa mga masasama; nakakapasong hangin ang kanilang magiging bahagi sa kaniyang kopa!
כי-צדיק יהוה צדקות אהב ישר יחזו פנימו | 7 |
Dahil si Yahweh ay matuwid, at mahal niya ang katuwiran; makikita ng matuwid ang kaniyang mukha.