< תהילים 106 >
הללו-יה הודו ליהוה כי-טוב-- כי לעולם חסדו | 1 |
Purihin si Yahweh. Magpasalamat kay Yahweh, dahil siya ay mabuti, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman.
מי--ימלל גבורות יהוה ישמיע כל-תהלתו | 2 |
Sinong makapagsasalaysay ng mga makapangyarihang gawa ni Yahweh o makapagpapahayag sa lahat ng kaniyang mga kapuri-puring gawa nang buong-buo?
אשרי שמרי משפט עשה צדקה בכל-עת | 3 |
Mapalad silang gumagawa ng tama, at laging makatuwiran ang mga gawa.
זכרני יהוה ברצון עמך פקדני בישועתך | 4 |
Alalahanin mo ako, Yahweh, noong nagpakita ka ng kabutihang-loob sa iyong bayan; tulungan mo ako kapag iniligtas mo (sila)
לראות בטובת בחיריך-- לשמח בשמחת גויך להתהלל עם-נחלתך | 5 |
Pagkatapos, makikita ko ang kasaganahan ng iyong hinirang, nagdiriwang ng may katuwaan ang iyong bansa, at kaluwalhatian sa iyong mana.
חטאנו עם-אבותינו העוינו הרשענו | 6 |
Nagkasala kami tulad ng aming mga ninuno; nakagawa kami ng mali, at nakagawa kami ng kasamaan.
אבותינו במצרים לא-השכילו נפלאותיך-- לא זכרו את-רב חסדיך וימרו על-ים בים-סוף | 7 |
Ang aming ama ay hindi pinahalagahan ang iyong kamangha-manghang mga gawa sa Ehipto; hindi nila pinansin ang karamihan sa iyong mga ginawa sa katapatan sa tipan; (sila) ay rebelde sa dagat, sa Dagat ng Tambo.
ויושיעם למען שמו-- להודיע את-גבורתו | 8 |
Gayumpaman, iniligtas niya tayo para sa kapakanan ng kaniyang pangalan para maihayag ang kaniyang kapangyarihan.
ויגער בים-סוף ויחרב ויוליכם בתהמות כמדבר | 9 |
Sinuway niya ang Dagat na Tambo, at natuyo ito. Pagkatapos pinatnubayan niya (sila) sa mga kalaliman, gaya ng sa ilang.
ויושיעם מיד שונא ויגאלם מיד אויב | 10 |
Iniligtas niya (sila) mula sa kamay ng mga napopoot sa kanila, at iniligtas niya (sila) mula sa kapangyarihan ng kaaway.
ויכסו-מים צריהם אחד מהם לא נותר | 11 |
Pero tinabunan ng tubig ang kanilang mga kalaban; walang nakaligtas sa kanila ni isa.
ויאמינו בדבריו ישירו תהלתו | 12 |
Pagkatapos, naniwala (sila) sa kaniyang mga salita, at inawit nila ang kaniyang papuri.
מהרו שכחו מעשיו לא-חכו לעצתו | 13 |
Pero mabilis nilang kinalimutan ang kaniyang mga ginawa; hindi nila hinintay ang mga tagubilin niya.
ויתאוו תאוה במדבר וינסו-אל בישימון | 14 |
Mayroon silang masidhing paghahangad sa ilang, at sinubok nila ang Diyos sa disyerto.
ויתן להם שאלתם וישלח רזון בנפשם | 15 |
Binigay niya sa kanila ang kanilang hiling, pero nagpadala siya ng karamdaman na sumisira sa kanilang mga katawan.
ויקנאו למשה במחנה לאהרן קדוש יהוה | 16 |
Sa kampo, nagselos (sila) kay Moises at Aaron, ang banal na pari ni Yahweh.
תפתח-ארץ ותבלע דתן ותכס על-עדת אבירם | 17 |
Bumuka ang lupa at nilamon si Dathan at tinakpan ang mga tagasunod ni Abiram.
ותבער-אש בעדתם להבה תלהט רשעים | 18 |
Nagningas ang apoy sa kanilang kalagitnaan; sinunog ng apoy ang mga masasama.
יעשו-עגל בחרב וישתחוו למסכה | 19 |
Gumawa (sila) ng guya sa Horeb at sumamba sa larawang metal.
וימירו את-כבודם בתבנית שור אכל עשב | 20 |
Ipinagpalit nila ang kaluwalhatian ng Diyos para sa larawan ng isang toro na kumakain ng damo.
שכחו אל מושיעם-- עשה גדלות במצרים | 21 |
Nilimot nila ang Diyos na kanilang tagapagligtas, ang gumawa ng mga dakilang gawa sa Ehipto.
נפלאות בארץ חם נוראות על-ים-סוף | 22 |
Gumawa siya ng mga kahanga-hangang bagay sa lupain ng Ham at makapangyarihang gawa sa Dagat ng Tambo.
ויאמר להשמידם לולי משה בחירו-- עמד בפרץ לפניו להשיב חמתו מהשחית | 23 |
Ipag-uutos niya ang kanilang pagkalipol, kung hindi si Moises, na kaniyang hinirang, ay namagitan sa kaniya sa puwang para pawiin ang kaniyang galit mula sa pagkakalipol nila.
וימאסו בארץ חמדה לא-האמינו לדברו | 24 |
Hinamak nila ang masaganang lupain; hindi (sila) naniniwala sa kaniyang pangako,
וירגנו באהליהם לא שמעו בקול יהוה | 25 |
pero nagrereklamo (sila) sa loob ng kanilang mga tolda, at hindi (sila) sumunod kay Yahweh.
וישא ידו להם-- להפיל אותם במדבר | 26 |
Kaya itinaas niya ang kaniyang kamay at sumumpa sa kanila na hindi niya hahayaang mamatay (sila) sa disyerto,
ולהפיל זרעם בגוים ולזרותם בארצות | 27 |
ikakalat ang mga kaapu-apuhan sa mga bansa, at ikakalat (sila) sa lupain ng mga dayuhan.
ויצמדו לבעל פעור ויאכלו זבחי מתים | 28 |
Sumamba (sila) kay Baal sa Peor at kinain ang mga alay na handog sa mga patay.
ויכעיסו במעלליהם ותפרץ-בם מגפה | 29 |
Siya ay inuudyukan nila sa kanilang mga gawa, at ang salot ay kumalat sa kanila.
ויעמד פינחס ויפלל ותעצר המגפה | 30 |
Pagkatapos tumayo si Pinehas para mamagitan, at ang salot ay tumigil.
ותחשב לו לצדקה לדר ודר עד-עולם | 31 |
Ibinilang ito sa kaniya na isang matuwid na gawa sa lahat ng salinlahi magpakailanman.
ויקציפו על-מי מריבה וירע למשה בעבורם | 32 |
Ginalit nila si Yahweh sa katubigan ng Meriba, at nagdusa si Moises dahil sa kanila.
כי-המרו את-רוחו ויבטא בשפתיו | 33 |
Pinasama nila ang loob ni Moises, at nagsalita siya ng masakit.
לא-השמידו את-העמים-- אשר אמר יהוה להם | 34 |
Hindi nila nilipol ang mga bansa gaya ng iniutos ni Yahweh sa kanila,
ויתערבו בגוים וילמדו מעשיהם | 35 |
pero nakisalamuha (sila) sa mga bansa at ginaya ang kanilang mga pamamaraan
ויעבדו את-עצביהם ויהיו להם למוקש | 36 |
at sinamba ang kanilang mga diyus-diyosan, na naging patibong sa kanila.
ויזבחו את-בניהם ואת-בנותיהם-- לשדים | 37 |
Inalay nila ang kanilang mga anak na lalaki at babae sa mga demonyo.
וישפכו דם נקי דם-בניהם ובנותיהם-- אשר זבחו לעצבי כנען ותחנף הארץ בדמים | 38 |
Dumanak ang dugo ng mga walang kasalanan, ang dugo ng kanilang mga anak na lalaki at babae, na kanilang inalay sa diyus-diyosan ng Canaan, at nilapastangan nila ang lupain sa pagdanak ng dugo.
ויטמאו במעשיהם ויזנו במעלליהם | 39 |
Nadungisan (sila) dahil sa kanilang mga gawa; sa kanilang mga kilos, katulad (sila) ng mga babaeng bayaran.
ויחר-אף יהוה בעמו ויתעב את-נחלתו | 40 |
Kaya nagalit si Yahweh sa kaniyang bayan, at hinamak niya ang kaniyang sariling bayan.
ויתנם ביד-גוים וימשלו בהם שנאיהם | 41 |
Ibinigay niya (sila) sa kamay ng mga bansa, at pinamunuan (sila) ng mga napopoot sa kanila.
וילחצום אויביהם ויכנעו תחת ידם | 42 |
Inapi (sila) ng kanilang mga kaaway, at (sila) ay pinasakop sa kanilang kapangyarihan.
פעמים רבות יצילם והמה ימרו בעצתם וימכו בעונם | 43 |
Maraming beses, pumunta siya para tulungan (sila) pero nanatili silang naghihimagsik at ibinaba (sila) dahil sa sarili nilang kasalanan.
וירא בצר להם-- בשמעו את-רנתם | 44 |
Gayumpaman, binigyan niya ng pansin ang kanilang kahirapan nang narinig niya ang kanilang daing para sa tulong.
ויזכר להם בריתו וינחם כרב חסדו | 45 |
Inalala niya ang kaniyang pangako at nahabag dahil sa kaniyang katapatan sa tipan.
ויתן אותם לרחמים-- לפני כל-שוביהם | 46 |
Dinulot niya na maawa sa kanila ang lahat ng kanilang mga mananakop.
הושיענו יהוה אלהינו וקבצנו מן-הגוים להדות לשם קדשך להשתבח בתהלתך | 47 |
Iligtas mo kami, Yahweh, aming Diyos. Tipunin mo kami mula sa mga bansa para magbigay kami ng pasasalamat sa iyong banal na pangalan at luwalhati sa iyong mga papuri.
ברוך יהוה אלהי ישראל מן-העולם ועד העולם-- ואמר כל-העם אמן הללו-יה | 48 |
Si Yahweh nawa, ang Diyos ng Israel, ay purihin mula sa lahat ng panahon. Ang lahat ng tao ay sumagot ng, “Amen.” Purihin si Yahweh. Ikalimang Aklat